Tangled
Asshole
Naging tahimik ang aking mga araw dahil nawala ang mga Delafuente at nagtungo sa Batangas. Tumatawag naman si Ken at ang bukambibig lagi ay si Crius.
"Damn. Hiro is right! Nagpapatulong nga sa akin!" he ranted.
Nakakulob ako sa aking higaan lalo na't 10 PM na. Naririnig ko ang ingay sa background. Mukhang nasa labas ito.
"At ano naman ang sinabi mo?" I asked.
"He's asking what's your type of boys. Of course I am not really aware what's your type of boys so I lied a bit. Kunwari nalang ako." Humalakhak siya.
I shut my eyes harshly but there's a smirk on my lips. Ikaw naman talaga?
"And?" I asked softly.
"I'm sorry, okay? Hindi naman sa feeling ako pero ako lang close mo kaya you probably like hanging out with me. So I told him someone who sings, someone who's friendly, and someone who's chill. Imagine? It's his opposite!" Muli siyang humagalpak.
Kinagat ko ang aking labi at nawiwili sa kanyang tinig.
"Buhat na buhat ang sarili ah? Paano naman ang pagiging tarantado at playboy mo?" biro ko.
"Seriously, Naia. I really hate your mouth. You're so blunt!" Parang umiirap na ito habang nakasimangot.
I chuckled and lick my lips. He groaned.
"Nakakainlove 'yang tawa mo. Stop it. Binibenta kita kay Crius tapos maaakit ako sa'yo?"
Ngumuso ako ngunit nang inamin na binibenta nga ako nang bugaw na ito ay nasira agad ang aking ekspresyon.
"Hindi ko sinabi ang address dahil baka bigla 'yung pumunta riyan at haranahin ka! Kaso naisip ko parang nakakatawa na gano'n si Crius. I can't imagine!" talagang malutong ang kanyang tawa.
"Iiyak ka pag sinapak ka no'n," I rolled my eyes.
"Gago siya kung sasapakin niya ako. Sisiraan ko talaga siya sa'yo."
Huminga ako ng malalim. I want to tell him that I missed him but I think it's too much. He might think anything else. Huwag nalang. Masyado nang mixed signal ang gano'n. I'll confuse his mind.
"Kumusta na pala si Hiro at Wayt?" bigla kong tanong.
"Ah 'yung dalawa? Bati na ulit. Nakakapanibago nga ang pagiging mainitin nang ulo ni Wayt. We're not used to it. Baka bad mood lang at nasasagad ni Hiro. But he's fine."
Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.
"Ouch... Sa akin? Nasa'n ang pangungumusta mo sa akin? Pag nagsapakan 'yung dalawa ako ang kawawa. Kaso wala kang pake sa'kin?" he asked in a pained voice.
Drama talaga ng bwesit na 'to.
"Ibaba mo na nga. Matutulog na ako," I said weakly.
"Hmm. Alright. Goodnight..." he whispered.
I smiled. Hindi na ako nagsalita pa at in-end call 'yon. Akmang bibitiwan ay nagtext siya.
Ken:
Such a snob! Wala man lang goodnight huhu
Oh I hate him! Naiiling kong ibinalik ang cellphone sa side table at pumikit na lamang.
Crius suddenly flashed on my mind. His deep stares were judging me that I'm too cruel. But knowing he's getting information with my type of boys made me curious.
Tipo ba ako no'n? Is it true this time? Hindi naman sa feeling ako kaso masyado na siyang nag-eeffort.
Narinig ko ang tawag ulit. I sighed lazily since it's probably Ken!
BINABASA MO ANG
T A N G L E D (NGS #9)
RomanceShanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appears snobby will attract a troublemaker-Crius Rylan Silva, a basketball player in Ateneo and a drumme...