21st Tangled

67.3K 2.1K 817
                                    

Tangled

Gentle

"Finally..." Hinila ni Crius ang aking baywang nang magtungo ako sa parking lot.

Kakatapos lamang ng aking PE subject at naka P.E. uniform pa ako. Katulad ng aming napagkasunduan kagabi sa call ay sinundo nga ako nito. He's even one hour early! Matyaga siyang naghintay hanggang sa matapos ang aking klase.

Niyakap niya agad ako at bumuntong ng mahabang hininga sa aking leeg.

"Pawisan ako, Crius..." Itinulak ko siya ng kaonti.

"I don't care. You still smell nice." Saka niya pinatakan ng halik ang aking leeg.

Napairap lamang ako ngunit nangingiti akong humiwalay sa kanya. Nakaputing tshirt siya at pants. May napansin agad ako sa kanyang tainga. Nawawala na ang earring niya.

Umikot si Crius at pumasok sa driver's seat. Abala naman ako sa paghila ng seatbelt at medyo stress pa sa pinaggagawa kanina.

"So sweaty..." ani Crius nang itinapat sa akin ang aircon.

Hinaplos ko ang noo. Halos sumimangot ako nang ibaba ko ang salamin at nakitang sabog ang naka ponytail kong buhok dahil may mga nakakatakas na ilang hibla ng buhok.

"Ang daming pinagawa sa amin..." I complained.

Dumukot ng panyo si Crius.

"Look up."

Nakasimangot pa rin ngunit tumingala ako at naramdaman siyang pinunasan ang aking leeg gamit ang kanyang panyo.

"Nakakapagod," bumuga ako ng hininga at parang lantang gulay sa upuan.

Gumalaw si Crius at ramdam ko na siya sa aking harap lalo na't amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Noong ibinalik ko ang tingin sa harap ay naroon na siya habang abala sa paghila ng recliner sa gilid ng aking upuan.

Nahulaan ko agad ang kanyang gusto. Humiga ako sa upuan at kahit ang aking mga paa ay ipinatong ko sa may compartment para mas maging komportable.

Hinayaan naman ako ni Crius. Bukod sa nakatapat na rin halos lahat ng aircon, nakakalma rin ako sa bango ng loob at ang pamilyar na shower gel na ginamit ko noon.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nagmamaneho.

"I'm tired. Ayoko sa Restaurant."

"Walang groceries sa condo ko. Pero kung gusto mong ipagluto kita..."

Napadilat ako at ginalaw ang ulo para tingnan siya. Nilingon niya ako saglit. Medyo magulo ng kaonti ang itim na itim niyang buhok. His eyes looked cruel but he looked calm. Ang guwapo rin talaga ng isang 'to.

"Edi maggrocery tayo?" suhestyon ko.

"You're tired. Mag take-out nalang tayo," aniya.

"Gusto ko maggrocery tayo," may pinal na sa aking tinig.

Natutop ang kanyang bibig at walang hesitasyong tumango.

"Alright... magpahinga ka muna," ani Crius.

Nakakapagpahinga na ako. Parang natatanggal ang pagod ko dahil kasama ko siya. Palagi akong hinihele. I like the calmness when we're together.

Mabagal ang pagmamaneho ni Crius kaya matagal tagal din akong nakapagpahinga. Doon lamang ako dumilat noong maramdaman kong nasa Mall na kami.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon