15th Tangled

61.1K 2K 950
                                    

Tangled

Experiment

Napapansin ko pa rin ang pagnanakaw ng tingin ni Casen ngunit sa pagkakataong ito ay kuryoso na ang kanyang mga mata sa akin.

Kinutya ako ni Cassey at Chey sa bagay na 'yon. They're pairing us like we're gonna be a hot couple.

"Smart and snob girl... That's very perfect!" si Cassey na talagang ngumingisi pa.

"Pag ganitong mga party talaga ay ikaw lagi ang nagiging center of attraction. It's like you're attracting all the men to score a date on you," si Chey na naiiling.

"Eh nag-aayos! Alam mo naman 'to sa school halos mailap at simple lang... 'Tsaka hindi naman 'to kakaibiganin ni Ken kung hindi siya attracted kay Naia. He probably pulled her because Naia is hot. Gano'n 'yon," si Cassey na confident sa pinagmamayabang.

"Half din kasi si Tita. Your blood is way more superior compared to us. One fourth Scottish... One fourth American... Hindi masyadong visibles ang freckles mo pero naiiba talaga ang ganda mo eh," si Chey nang tingnan ako at nangingiti pa.

"Kaya couz. Stop being friends with Ken. Nagkukunwari lang 'yon na friendly pero he's obviously hitting on you! What if naging deep ang feelings mo tapos papaasahin ka no'n!" she ranted.

Sa tuwing ganitong usapan talaga ay parang gusto ko nalang tumakas dahil nagiging mahaba na at napupunta na naman sa mga Delafuente.

"Pero tipo mo ba 'yon?" biglang tanong ni Cassey at tila kuryoso.

Umiling ako. Ngumiwi siya.

"Choosy mo ah."

Mas iba ang dating noong panganay... Baka pag nakita nila 'yon mahahatak din sila. Knowing Cassey... He even saw him on the Restaurant and he almost screamed.

"Oh! I remember! Chey... one time we went outside to eat. And then naalala mo 'yung fave restaurant ko?"

Patango tango naman si Chey lalo na't dalang dala sa Cassey sa pagkukwento at with feelings pa.

"There's this badboy who keeps on staring at her! Like super badboy! Mas badboy pa ang aura kay Grey. And he's super hot! His eyes... His face... Ang gwapo. I almost drool for a second! Kaso nangingibabaw 'yung curiousity ko and kilig dahil tinitingnan niya ang walang ka rea-reaksyon na si Naia at sobrang snob na hindi man lang nilingon 'yung lalake!" Sabay hagalpak at pumapaibabaw na ang kanyang tinig sa aming mesa.

"Huh? Mas badboy pa kay Grey? Paano 'yon? Parang... hindi ko maimagine..." Ang isang indenial pero si Grey lang din ang napansin.

"Walang panama si Grey sa pagiging badboy 'no. I almost think mainitin lang talaga ang ulo ni Grey kaya laging nagsusungit. Unlike that guy. Like ugh... Super gwapo."

Napaismid ako sa paraan ng pagkakatirik ng kanyang mga mata habang pinapaypayan ang kanyang sarili. She's too dramatic.

"Sa akin nga lang may gusto," dugtong ko.

Cassey nodded and frowned. "But you're such a snob. Turn off. Boys don't like snob girls!"

"Daming alam sa boys pero sa sariling nararamdaman hirap? That talent is useless Cassey. Keep it hidden."

She glared at me. Natawa si Chey at hinaplos ang likod ni Cassey. Sa gilid ng aking mga mata ay nahuli kong muli ang tingin ng bunsong anak ni Mr. Silva. I almost want to roll my eyes on him but I don't want to slap him with facts that I'm not really the friendly Fortalejo. He probably knows that already after our talk.

Noong matapos ang party ay hindi na ako nagtaka na naging laman agad ako ng topic habang pauwi na kami ng aking parents.

Nasa backseat ako. My father is driving. Si Mommy ang nasa front seat at nagsusumbong.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon