7th Tangled

61.2K 2.2K 1.2K
                                    

Tangled

Explanation

Kinagat ko ang tali ng aking buhok habang lumalabas ng bahay suot ang itim na hoodie at skinny black jeans with small cuts on it.

Lumabas ako ng gate at napansin agad ang naka-park na kotse ni Ken. Natanaw ko sa backseat ang dalawa niya pang pinsan lalo na't bukas din ang bintana.

Naroon si Wayt na nakahilig sa kaliwang bintana at naninigarilyo suot ang leather habang si Hiro naman ay tinatanaw ako habang ngumunguya ng bubble gum.

Isinuot ko sa aking pulso ang tali nang mapansin ang aking suot na snickers. Yumuko ako saglit para itali ang sintas ng aking sapatos. Lumabas si Ken sa driver's seat at umikot sa front seat para buksan iyon.

"Ako na nga. Ano ba 'yan," humalakhak si Ken at yumuko na rin para tumulong sa pagsisintas.

Hinayaan ko siya at tumayo ng tuwid. Namulsa ako sa aking jacket habang nararamdaman ko ang nanunuyang tingin ni Hiro sa amin.

"Kulang nalang iisipin ko talagang may tago kayong relasyon," wika ni Hiro.

Lumingon si Ken sa kanya at sumimangot. "Kung alam mo lang kung gaano ka tigas ang babaeng ito, Hiro. Baka kahit ikaw sumuko sa pamomorma," si Ken na naiiling.

Nakita ko ang pagtagilid ng ulo ni Wayt para tumingin din sa amin. Isang pasada lang ng tingin saka niya binuga ang usok sa labas ng bintana.

"Gusto mo ng boyfriend, Naia? I'm single," Hiro smirked cockily.

"Di ka tipo n'yan," si Ken na iritang tumayo ngunit nanunuya ang ngiti sa labi.

Hindi nakinig si Hiro sa kanyang pinsan at hinabol pa ang aking mga mata lalo na't gumalaw ako at lumapit sa front seat.

"Hindi ka ba tipo kaya gusto mong sa akin nalang?" I smirked.

Hiro chuckled.

"Huh? Tangina? Anong klaseng pangt-traydor 'to? Ang kaibigan ko at ang pinsan ko..." parang baliw na pabalik balik ang tingin ni Ken sa aming dalawa.

"Bakit wala akong kaalam alam d'yan sa sekreto niyo?" dagdag niya at madramang sinapo ang dibdib.

Itinagilid ni Hiro ng kaonti ang kanyang ulo na lumabas sa bintana para tingnan ako nang

"Hindi ka rin naman tipo?" si Hiro na nanunuya ang tinig.

"Tipo ako. Ikaw ang hindi tipo kahit katiting," I said boredly.

"Sino ba ang mga 'yan? Pa share naman! Baka matipuhan ako," singit ni Ken at kuryoso talaga.

Nanatili ang tingin ni Hiro sa akin, titig na titig.

"Freckles..." puna niya.

"Atras. Di ako boto sa'yo." Hinampas ni Ken ang pinto kung saan nakasandal si Hiro sa may bintana.

Binuksan ko ang salamin sa itaas at tiningnan ang detalyado kong mukha lalo na't kahit pulbo ay wala para rin talian ang aking buhok. Tiningnan ko ng maigi ang aking freckles na pinansin ni Hiro. Ibig sabihin ay masyado niya akong tinitigan kaya niya iyon nakita.

A slight freckle on the bridge of my nose is quite visible. Kumalat iyon ng kaonti sa aking pisngi pero mabibilang lamang dahil hindi naman iyon gano'n ka rami. Hindi rin masyadong kapansin pansin.

Sa mga Delafuente ay si Ken lamang ang nakakapansin no'n lalo na't sa kanya rin ako mas malapit.

Hinagod ko paakyat ang bawat hibla ng aking buhok habang pumapasok na si Ken sa driver's seat at sinisimulan ng paandarin ang kotse.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon