20th Tangled

67.4K 1.9K 587
                                    

Tangled

Miss

"Ah... the hideout..." narinig ko ang pamilyar na tinig ni Hiro sa likuran.

Nanatili ang aking upo sa may railings habang kinakain ang aking tuna sandwich. It's my break time. Katulad ng aking nakagawian, lagi akong nananatili sa tahimik na lugar kung saan payapa kong nadadama ang katahimikan.

Last year pa ako narito. Last year ko lang din nalaman na sarili niya rin pala itong hideout lalo na't siya ang humahawak ng susi.

Ipinagbabawal ang students dito dahil na rin masyadong delikado. Kaso hindi naman ako takot sa heights kaya umuupo ako lagi at inilulusot ang aking mga paa sa railings habang nakahilig doon.

"Mabuti nalang wala si Crius. He will not punch me if I sit beside you," aniya nang umakyat din at ginaya ang aking posisyon.

Inilagay ko ang sandwich sa aking kandungan at kinuha ang aking sprite in a can. Kinuha iyon ni Hiro at binuksan niya para sa akin.

"Hindi pa rin ba tapos ang experiment mo?" nag-angat ako ng kilay.

"I'm hurt. Kung si Ken payag kang maging kaibigan mo pero ako hindi?" Ngumisi siya.

Umirap ako. "Gagamitin mo lang ako."

Humalakhak siya at binasa ang labi. Mahangin dito kaya sumasayaw ang kanyang masyadong itim na buhok at naglalaro pa sa labi ang delikadong ngiti.

"Eh ikaw nga ang gumamit sa akin noong nakaraan. Nasuntok ako dahil sa'yo." Nag-angat siya ng kilay.

"But you like what happened, right?" irita kong sabi.

"What? The kiss? Nakakapanghinayang at mababaw lang-"

"Triggering Crius. We didn't kiss. Aksidente 'yon," giit ko at nanliit ang aking mga mata sa kanya.

Ngumuso siya at tumango. Nailing ako at kinuha sa kanyang kamay ang sprite in a can na binuksan niya na. Kinagat niya ang labi at nailing din.

"Everyone's so curious about you..."

What's so special about me? Minsan hindi ko rin talaga gets ang ibang tao bakit kuryoso sila sa buhay ng iba. Is it entertaining? Bukod din sa nasanay akong hindi ako nakukuryoso sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi rin ako kuryoso sa mga taong kuryoso sa akin.

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo," sambit ko habang malayo ang tingin.

"Hmm? Castel Guevarra's quite obsess with you. He likes you so much..."

Castel? I cannot remember his name. Umiling ako nang lingunin siya.

"I don't know him."

Bumuga siya ng tawa. "And you don't remember anything, huh? Binasted mo raw siya last year?"

Lito ko siyang tiningnan. Wala akong maalalang Castel. Who's that?

"'Yung fourth year ngayon. Trey's group of friends. Castel Guevarra. Sila Silas? Daven? Isaiah?" patuloy niya at parang binibigyan ako ng ideya sa nabanggit na lalake.

Oh... Umiling ako. I only know that Montiel. The rest...

"Hindi ko kilala eh. At hindi ko maalala."

Humalakhak siya. "You're really less interested with the people around you while everyone's interested on you."

Umismid ako sa kanyang sinabi. Eh sa hindi ko maalala eh? But it's really true. I give less attention with the people around me. O kahit kaonti ay wala talaga akong binibigay na atensyon. Hindi sa hindi ko sila kilala, sadyang wala akong panahon para kilalanin ang mga taong pakiramdam ko naman ay walang ambag sa aking buhay.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon