24th Tangled

62K 1.7K 579
                                    

Tangled

Bad Record

Sumulyap ako sa harap at nakikitang papatapos na sila. Kinakausap siya noong kaibigan niyang babae. Nakaupo pa rin si Crius at tinitingala siya, seryosong nakikinig.

My stomach feels weird. Wala sa sarili kong dinampot ang baso at uminom lalo na't nanunuyo rin ang aking lalamunan.

"You really don't remember, don't you?" ani Casen kaya muli ko siyang natingnan.

Nakikita ko sa harapan ang mga nangyayaring galaw. Nahahati ang aking emosyon, ang atensyon at ang nararamdaman.

"What?"

Umiling siya at tamad na sumulyap sa harap. Nakita namin ang paglalakad ni Crius sa aming table. Hindi ko na agad mahanap ang babae na kahit si Ken ay wala na rin doon sa kanyang table. Parang biglang bula na naglaho sa kung saan.

May mga babaeng tumawag kay Crius, ang grupo noong mga naririnig kong pinag-uusapan ako kanina.

Walang pinansin si Crius. Lumagpas lamang siya na parang hangin at deritso na sa aming table.

The girls were shock. Dinala nila ang tingin sa aming table ni Casen. Nang mapagtantong naroon ako at ang kanyang kapatid ay tahimik silang nagkatinginan.

"Mag-oorder ako ng maiinom, Kuya. Uminom tayo," ani Casen pagkalapit ng kapatid.

"I don't drink anymore. At ikaw, umuwi kana," si Crius nang tumabi sa bakanteng upuan sa gilid ni Casen at hinubad ang aking swoosh cap.

Umangat ang aking kilay sa bagay na 'yon. Tumigil na siya sa pag-inom?

"Ah... This is really tiring..." reklamo ni Crius at inihiga ang kanyang ulo sa namamahinga kong palad sa mesa.

Nagkatinginan kami ni Casen. Inalis ni Crius ang aking kamay at ipinatong sa kanyang ulo. I stroke his hair. Tumagilid ang ulo ni Crius at tiningnan ang kapatid.

"I said go home-"

Iginapang ko ang aking kamay sa kanyang mukha at tinakpan iyon kaya natigil siya sa pagsasalita.

"Let him. He's too old. Ikaw nga nasa labas," sabi ko.

Doon lamang tumigil si Crius sa kakasabi sa kanyang kapatid na nagtitigas tigasan din ang ulo pero tubig naman ang iniinom. Ang kanyang pulutan ay ang sermon ng kapatid na hindi matigil tigil.

"Sa bahay gaganapin at-"

"I am not planning to come," putol agad ni Crius na hindi man lang pinatapos ang kapatid.

Oo nga pala at inimbitahan kami ng mga Silva. Iyon marahil ang okasyon.

"Inimbitahan kami ni Mr. Silva, ang parents ko," sabi ko na ikinabangon ng ulo ni Crius.

"Pupunta kayo?" tanong ni Casen.

Sinamaan ni Crius ng tingin ang kapatid na hindi natinag. Tumango ako lalo na't napagdesisyonan din iyon ng aking parents, at gusto ko ring makasalamuha pa si Mr. Silva.

"Edi uuwi kana, Kuya?" muling lingon niya kay Crius.

Sumandal si Crius sa upuan ngunit ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking palad at pinaglaruan ang aking daliri. Naninimbang ang tingin niya sa akin, na para bang nasa aking mga mata ang magiging sagot niya.

Hindi malinaw ang sagot ni Crius ngunit mukhang maigi niya talagang pinag-iisipan. Hindi rin naman nagtagal si Casen doon lalo na't tumawag ang ama kaya ayon at umuwi rin agad.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Casen o ano. May mga parents din naman talagang mahigpit masyado ngunit ang ginagawa ni Mr. Silva kay Casen ay parang nakakasakal din.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon