27th Tangled

59.4K 1.9K 509
                                    

Tangled

Obvious

Bumaba rin naman ako at nakitang may hawak si Mommy na mga damit na nakalagay sa plastic. Ngumiti agad siya sa akin.

"Good morning! Fit your dress, hija." Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.

"Good morning, Mom..." bati ko noong nilapitan siya at sinipat ng tingin ang ibinalandra niyang dress.

It's a long black satin dress with a slit on it's side and a sweetheart top like how I usually like it. Sanay ako madalas na fit ang dress sa akin but I'm okay with an A-line. It's enchanting and elegant.

"Naimbitahan ka ba sa birthday ni Hiro? I heard they're throwing a big party. Pwede ka namang humabol mamayang gabi kung sakaling natapos agad ang party, Naia."

Umiling na agad ako lalo na't noong nakaraang birthday ni Hiro ay hindi rin naman ako pumunta. Naalala kong inimbitahan niya rin ako noon sa school but I automatically refuse.

Bigla kong naalala ang araw na 'yon. Oh right... that day... Sa rooftop lang din 'yon.

Nagbihis na ako noong mga eksaktong 8PM. Tumunog pa ang aking phone ngunit hindi ko nasagot at nakitang tumatawag si Ken. Kakatapos lamang ako ayusan ng hair stylist at make-up artist.

My hair was properly down with hairpins on the sides. Suot ko ang kwintas ni Crius na namahinga sa hiwa ng aking dibdib. Yumuko ako at isinuot ang itim na stilletos noong nag ring ulit ang aking phone. It's Ken.

Hindi ko iyon nasagot ulit. Ang kanyang text ay nabasa ko na noong nasa kotse na ako.

Ken:

I got Hailey Chavez. Yes!

Tingnan mo na ang gagong 'to at pinagmamalaki pa talaga sa akin. Ilang sandali lamang ay ang tawag na ni Ken ulit ang bumalandra.

Tumingin ako sa labas ng bintana habang sinasagot iyon. Noong sagutin ko ay naririnig ko ang ingay sa paligid. He's probably with his cousins since naririnig ko ang tinig ng iilan pang Delafuente.

"Where are you? Inimbitahan ka raw ni Hiro ah? Buti pa si Franca dumalo tapos ikaw nagpapaka snob na naman," ani Ken sa kabilang linya.

"May party kaming dadaluhan. At bumati na ako kay Hiro kanina sa text."

"Oh? We'll head in 3DBar after Hiro's birthday celebration. Makakahabol ka ba? Susunduin kita."

"Hindi na. Baka matagalan din kami sa party. Kayo nalang."

"Tss. Alright. Take care. I'll tell you about my chic on Monday!" Natatawa niyang bigkas ngunit naputol din. "Dude what the fuck! Akin 'yan! Get your own drink!" sigaw niya sa kung sino.

"Hey! Send photos! I'll put it on my facebook. Ako na ang magmamayabang total hindi ka mahilig sa social media."

Gawain niya talaga 'to. "Huwag na. Magseselos si Crius. Baka isipin no'n naglalandian tayong dalawa. Nakakadiri..." medyo mahina ang aking pagkakasabi.

"Hindi 'yon magseselos sa akin! Kay Hiro siguro. Pero sa akin? Malabo. Send some photos! Please!"

"Is that Hailey? Hindi ka pa nga lasing pero nagd-drunk call kana!" ang pamilyar ang boses ni Blue ang aking narinig.

"Si Naia 'to, gago! Shut up dude!" Natatawang sabi ni Ken.

"Mahiya ka naman sa akin. Pinsan ko kayong dalawa pero mas mahal ko si Naia, Ken. Stop hitting on her!"

"Calm your ass, dude. Kahit pormahan ko 'to wala akong panama rito. She'll reject me on the spot!"

"Ibababa ko na," sabi ko.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon