35th Tangled

59.4K 1.6K 514
                                    

Tangled

Involved

Nahahati na ang aking atensyon. Atensyon sa photoshoot na kasalukuyang nangyayari, at sa mariing paninitig ng pamilyar na pares ng mga mata sa akin.

The intensity of someone's eyes made me feel uneasy, like I'm doing something illegal, something he forbids.

Noong nabigyan ng tsansa na huminto muna dahil sa panibagong susuotin ni Sean ay mabilis kong tinapunan ng tingin si Crius.

Halos kabahan ako nang makita ang tabang sa kanyang ekspresyon at iritasyon sa kanyang mga mata. Hindi siya mabilis magalit sa aming relasyon kaya ngayong nakikita ko ang lahat ng iyon, sigurado akong seryoso siya at talagang naiirita.

I cannot go near him since Mario is already giving another instructions for the next shoot. Lumalayo na rin ng kaonti si Cassey sa tabi ni Crius at parang naramdaman ang nagbabaga nitong galit na pilit lamang hinahawakan.

"I want you to lie down, Sean," senyas ni Mario na muling nagsisimula.

Mario is very strict so I don't want to interrupt him when he's doing his job. At trabaho lang naman ito, 'di ba? Iyon ang gusto kong itatak sa aking isip ngunit talagang hindi ko mapigilang kabahan sa ipinupukol na tingin ni Crius at sa umuukit na galit sa kanyang mukha.

"Naia, get on his top..." patuloy ni Mario. "I want you to act like you're both inlove. Look at him in the eyes. I want to see some lust."

I nodded while doing exactly what he wants me to do. Nakahiga si Sean ngunit nakatukod ang isang paa at nakabangon naman ang ulo.

"Just don't press your body. Kneel in between his right thigh. Hold his head for a support while gripping some of his hair. Sean, pull the lace of Naia's bra and look at her like you want her so much... Naia, focus on his lips. Stare at it like you want to kiss him so bad..."

Para akong nabibingi. Halos ilang sigundo pa ang aking galaw dahil pinoproseso pa sa aking isip ang lahat lahat.

"Bend your body a little, Naia. Pull his head closer to you. Not too much... Sean, keep looking at her."

Parang nilunok ko nalang ang lahat lahat at sinubo sa sarili ang mga gusto ni Mario para matapos na.

I feel so guilty. I can't even looked at my boyfriend who's glaring. Cassey's trying to talk to him but I know she's scared when Crius is too serious.

Hindi magaan ang aking pakiramdam but I need to be professional in order to finish the work, in order to please Mario. I agreed to this and I can't just say no while he's in the middle of his work.

At anong irarason ko? Na nagseselos ang boyfriend ko? Na ayoko? I am not putting malice on this. Sean is obviously my co-model. Walang halong nararamdaman ang trabahong ito o alin mang pagnanasa kaya wala akong nakikitang mali para itigil.

Ngunit talagang kabado lamang ako sa reaksyon ni Crius. Nagulat ko siya at hindi niya alam ang lahat ng ito.

Hindi ko iyon mahila hila sa aking isipan at halos hindi na namalayan ang oras.

"Is that your boyfriend? He's sending death threats through his glares..." Sean whispered and chuckled while we're in the middle of our last photoshoot.

"Then don't give him reasons to punch you straight in the face," I whispered back.

Sean whistled and smirked at me. Ibinalik ko ang tingin sa camera at nahagip ng tingin ang paninitig ni Crius. Halos gusot na ang hawak niyang bulaklak habang nakahalukipkip at hindi man lang umuupo.

"Great job, Naia, Sean..." ngiting ngiti si Mario nang inanunsyo iyon.

Humalakhak si Sean. "I'm looking forward for our next photoshoot. This is fun..." sabay kindat sa akin.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon