26th Tangled

62.7K 1.7K 752
                                    

Tangled

Rebellious

Tiningnan ko ang pagbaba ni Crius. Nakatayo ako sa balkonahe habang lumalabas na siya sa railings.

"Itetext kita pag nakauwi na ako," ani Crius na ikinatango.

"You should. Stop worrying me."

Nag-angat siya ng kilay ngunit nanunuya na naman ang ngisi sa kanyang labi.

"Why are you worried? I can handle myself. I'm street smart, Naia."

"Kahit na. We can't predict the future. Mas mabuting mag-ingat ka." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Tumango siya habang nangingiti. "Bossy girl..."

"I am your girlfriend. I have the right to worry."

Unti-unting napawi ang kanyang ngiti at kitang kita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata. Ngumuso ako nang mapagtantong dineklara ko na girlfriend niya ako habang nakatayo siya sa railings ng aking balkonahe at pwedeng mahuli ni Daddy ano mang oras.

"You're my girlfriend?" ulit niya at parang nagugulat pa.

Tumango ako at binasa ang labi. "Oo. Pwede naman tayong magdahan dahan sa relasyon natin, Crius."

He looked shock. Ngumisi ako at hinila ang kanyang batok saka ko hinagod ng halik ang kanyang labi. He exhaled deeply on my mouth. Natawa ako ng kaonti habang hawak siya sa batok at ipinagdikit namin ang noo sa isa't isa.

"We're in a relationship now?" namamaos ang kanyang tinig at nahihimigan ko ang galak doon.

Tumango ako at pumikit. He's my first boyfriend. Wala man akong karanasan sa relasyon, alam ko naman na handa ako sa pinapasok ko. I am not perfect at all but I want to grow with him. Gusto kong habang nagsisikap siyang matuto sa aming relasyon, naroon din ako at kasama sa pagbabagong iyon. I will not just watch him grow but we'll grow together.

Oo importante ang panliligaw dahil dito mo makikita kung gaano ka desidido ang isang tao na patunayan ang kanyang sarili sa'yo. But you will never see his flaws while he's courting you. Itatago niya 'yon dahil gusto niyang magpa-impress. For me there's nothing wrong since that's the right way. Manligaw muna.

Kaso wala rin naman 'yon sa haba ng panliligaw para sukatin ang kakayahan ng isang lalake kung hanggang saan ang kaya niyang ibuhos para sa inyong relasyon. Kung determinado siya, hindi iyon titigil kahit na sinagot mo na siya. He will remain faithful and consistent while he's in a relationship with you.

Muli niyang hinagod ng halik ang aking labi. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa railing, ang isa naman ay yumapos sa aking baywang at idiniin ako sa kanyang katawan.

Tumingkayad pa ako ng kaonti habang dalawang kamay ko na ang nakayapos sa kanyang batok at malalim ang halik sa kanya. I poured everything. I wanted him to know what I really feel for him.

Humiwalay sa isa't isa ang aming labi. Namungay ang aking mga mata sa kanya habang dinudungaw niya ang aking ekspresyon.

"My baby..." he laughed a little and kissed my forehead.

Pumikit ako habang namimilipit ang aking tiyan at nagagalak sa nangyayari. Para akong nalulunod sa aking emosyon at natatangay sa aking nararamdaman para sa kanya. My toes curled as I sighed deeply on his chest.

Hindi ko alam kung... makakatulog pa ba ako. Hindi ko ata mabubura ang ngiti sa aking labi at kahit sa kabilang buhay ay madadala ko pa rin iyon.

Tahimik si Daddy kinaumagahan. Pasulyap sulyap sa akin noong bumaba ako.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon