45th Tangled

68.9K 1.8K 587
                                    

Tangled

Reyalidad

Tinanggap ko ang inilahad na basong tubig ni Crius. Habang sumisimsim doon ay tahimik siyang tumayo sa aking harapan, pinapanood ako habang nakapamulsa at kalmado na.

Natuyo ang aking lalamunan sa huli niyang sinabi. The only words that escaped on my mouth is that I'm thirsty.

Sino bang hindi tutuyuan ng lalamunan sa lalakeng ito? Ano pa bang ilalaban kong salita kung ganoon na ang binabato niya sa akin?

Tinanaw ko ang labas kung saan nangingislap ang mga ilaw sa matatayog na building. New York is very alive especially at night. Parang mas gising ang diwa ng mga tao at hindi inaantok kahit sa gitna ng gabi.

Nasa bawat gilid ang kulay pastel green na mahahabang kurtina. Kakulay nito ang mga soft pillows na nakalagay sa kulay cream na sofa.

"Who's Giovanni Robinson?"

Crius isn't the kind of person who gets interested with people around him so easily. Kaya kung nagtanong 'yan at kuryoso, ibig sabihin ay nakakabagabag iyon sa kanya.

"He's working under Time Magazine. Malawak ang koneksyon niya kaya nagpatulong ako."

"You're friends with him?" naninimbang ang kanyang tingin sa akin.

Tumango ako ng marahan. He nodded and licked his lowerlip. Muli akong uminom ng tubig dahil nanunuyo na naman ang aking lalamunan.

"Komportable ka naman sa kanya?"

Muli akong tumango. Ginaya niya ako at tumango rin sa marahang paraan ngunit parang binabagabag pa rin.

"Did he help you voluntarily or he wants something in return?"

Itong si Attorney talaga...

"Hindi ko 'yon gusto at hindi niya rin ako gusto sa paraang iniisip mo," malinaw kong sabi.

His eyes widened the way I said it directly. Tumikhim siya.

"That's not what I meant. I just want to make sure you're in safe hands." Sabay haplos ng batok at iwas ng tingin.

"Nagseselos ka eh..." atake ko.

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Hindi man lang itatanggi.

Naalala ko ang mga pagseselos niya noon na kontrolado niya at tahimik nalang na kinikimkim. Iyon din ang mga araw na kailangan ko siyang suyuin dahil ayoko ring sumama lalo ang kanyang loob.

Ngayon na mukhang doon din patungo ang bagay na iyon ay gusto ko siyang kulitin lalo na't mukhang tatahimik na ito buong minuto.

Nag-isip isip ako habang abala siyang tumingin sa gilid at malayo ang tanaw. He's probably suppressing his words.

At nang mahukay sa isipan ang perang pinapadala niya ay nabigyan na naman ako ng panibagong rason para makipagtalo sa kanya ngayong gabi.

"You should stop sending money to my account, Crius," sa wakas nang makahanap din ng sasabihin.

Napunta ang tingin niya sa akin. The intensity of his stare will always intimidate me. O siguro ay nahihiwagaan lamang ako lagi sa tuwing lalapat ang kanyang mga mata sa akin.

"That's part of our divorce. Bakit pa tayo naghiwalay kung hindi ko susundin ang nakalagay sa pinirmahan kong kontrata?"

Nag-angat ako ng kilay. "Tapos ganoon kalaking halaga? At huwag mong sabihin na kahit ang biro ni Atty. na fish support ay siniseryoso mo rin."

"Mangangayayat 'yung isda natin kung hindi ko susuportahan, Naia. She's an expensive angelfish. High maintainance ang katulad niya."

I gasped and shook my head. Ano bang laban ko sa Attorney ni Goldie?

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon