34th Tangled

60.4K 1.6K 595
                                    

Tangled

Intimate

"You're throwing a party tonight?" tanong ni Dad nang tumawag ito pagkauwi ko sa condo.

Pagkatapos ng aking birthday ay sunod sunod na ata ang mga ganitong okasyon dahil sa aking pinsan na si Cassey.

Siya ang tumatayong manager ko kunwari dahil siya rin ang halos nag-aasikaso ng aking social medias. Nagugulat na lamang ako at may mga party na nangyayari sa mismong pangalan ko at siya ang nasa likod nito.

"Dad you know I'd rather sleep than throw a party," medyo naguguluhan kong sabi at naaantala pa ang paghuhubad dahil sa aming usapan.

My father sighed. Sa kanyang reaksyon ay unti-unti akong nagkakaideya bigla.

"So it's Cassey's idea... again," he blurted, tila naisip na rin ang aking naiisip.

I groaned and licked my lowerlip problematically. Tito Vlad raised a spoiled brat bitch who only knows how to spend money and buy nonsense things.

Hindi na talaga nadadala ang babaeng iyon. Her last purchase shocked everyone. She bought a yacht because she's stress and she needs to unwined! At talagang yate- ang gagang iyon ay nagdadrama sa gitna ng dagat kasama ang mamahaling yate.

"Dad I told you not to tolerate her-"

"Well what do you want me to do? Cancel her plans? She looked excited."

Namasahe ko ang aking sentido. Kung gaano ka busy si Chey kaka trabaho, si Cassey naman ay sobrang busy para gumastos sa kanyang mga luho.

"I'll talk to her. Thanks for informing me."

Pagkapatay ng tawag ay pairap kong tinawagan agad ang aking pinsan para kumpirmahin ang party na tinutukoy nito.

"Cass-"

"I know you're calling me because I am throwing a party through your name pero ako naman ang magpaplano sa lahat. All you need to do is show up and entertain or maybe not. Nando'n naman ako. Ako ang bahala sa mga bisita-"

"Sinong inimbita mo?" putol ko para deritsuhin ito.

Rinig ko ang kaba sa kanyang pagtawa kaya mas lalo akong nagduda.

"I invited someone and I told him you're throwing a party for the success of your Calvin Klein photoshoot so-"

"What the hell, Cassey?" halos singhap ang aking naging sagot.

"So please... just let me organize this party for you! Wala namang gagastusin si Tito Vince! I already told him about it and if you're okay with it-"

"Ang torpe naman ata ng lalakeng 'yan at masyado kang nag-eeffort?"

Natahimik siya kaya halos mailing ako.

"W-What? Anong lalake? Walang lalake. I just want to organize a party for you-"

"Liar."

"What are you talking about? Wala nga!" halos depensa niya.

"Sige na gawin mo ang gusto mo. Kung makakatulong ko d'yan sa lovelife mo pagbibigyan kita-"

"Wala nga!" halos natatawa siya.

Mahaba haba ang kanyang lintanya at lumulusot pa talaga. Sa dami dami ng sinabi ay mas lalong nahahalata na may pinagtatakpan pa ito.

I texted Crius about the sudden party. I invited him, too.

Matagal itong nakapagreply kaya inabala ko muna ang aking sarili na magbihis. Bigla namang dumating ang aking pinsan at nagdala pa ng aking damit kaya halos pigain ko ng tanong.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon