42nd Tangled

59.5K 2K 796
                                    

Tangled

Lifeless

Ang huling araw na magiging malaya na kami sa isa't isa ay medyo mahirap.

Pirma nalang... pirma nalang at makukuha na namin ang aming mga gusto. Matagal kong tinitigan ang blangko kung saan ako pipirma saka dahan dahang inangat ang ulo para muling silipin si Crius.

Nahanap ko agad ang kanyang tingin na tahimik ding sinisilip ang aking ginagawa, kung pumipirma na ba ako.

I glared at him. Para siyang kumukopya!

"Bakit ka sumisilip sa papel ko?" I asked bluntly.

"Sumisilip ka rin sa papel ko," balik niya at walang hiyang tiningnan ang aking papel.

Bumuntonghininga ako at ibinalik ang tingin sa aking papel. I read it one more time to understand what it's saying when I'm obviously occupied.

Noong nakita niyang pumipirma ako ay pumipirma na rin siya. Iyon lang ang hinihintay niya para gayahin ang aking ginagawa! This... this asshole! Talagang gusto pang mauna ako!

The last papers were making it hard for me. The lawyer gave the final one while explaining where to sign. Inilagay niya iyon sa aking harapan para mauna akong makapirma.

Si Crius na nasa kanyang upuan ay tumayo pa at umikot para pumunta sa aking likuran. Medyo natigilan ako ngunit pinagpatuloy rin ang ginagawa.

Yumuko siya at itinukod ang isang kamay sa aking gilid habang ang isa naman ay nasa kabila at hinihintay na matapos ang aking pagpirma habang hinihintay akong matapos.

"You got a complicated signature," puna niya nang bitiwan ko na ang ballpen.

Kinuha niya iyon at mas lalong yumuko habang kinakagat ang labi at seryosong pumipirma habang nakahalukipkip ako at pinapanood ang kanyang ginagawa.

"Ang komplikado din ng sa'yo," saway ko.

Sinilip niya ang aking ekspresyon at inangatan ako ng kilay.

"Why? Are you planning to forge my signature?"

Hah! Imbento. Bakit ko naman iyon gagawin? Ano pa bang paggagamitan ko ng no'n?

I rolled my eyes and he literally copied it! Kaya habang nagpipirma siya ay halos hindi na mawala wala ang matalim kong tingin sa kanya habang siya naman itong pasupla-suplado rin.

Nagagawa kong kontrolin ang sumasabog kong damdamin sa tuwing nakikita kong palaban si Crius. O sa tuwing nakikita kong matapang niyang hinaharap ang mga ito. Ang mga biruan ay parang ginagawa na lamang pampalubag loob para kapwa kami hindi gumuho habang pinipilit na itulak ang isa't isa para lumaban sa paraang gusto namin.

Malamig at halos walang emosyon ang aking laging suot ngunit minsan ang hirap hirap ding magpanggap.

Nahuli ko pa ang naninimbang na tingin ng aking lawyer at parang kuryoso habang nalilito ang tingin sa amin. Isang beses niya nang napuna kung totoo bang maghihiwalay kaming talaga dahil hindi niya maintindihan ang pakikitungo namin ni Crius sa isa't isa.

The world can't end our love for each other. It cannot be killed so easily.

Hating Crius just to justify that I am siding my family isn't really needed at all. Sapat na iyong suportado ko ang aking pamilya sa kanilang gustong mangyari ngayon lalo na't kung kakamuhian ko si Crius habang nasa proseso ako ng pagsisisi ay baka mabaliw lamang ako.

Kahit ang magalit ng matagal sa kanya ay parang hindi ko kaya. I cannot hate him fully. O baka nga nagagalit na lamang ako hindi para sa kanya kundi dahil sa nangyayari sa aming dalawa.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon