Tangled
You are the end of the story! Thank you so much for reading Tangled, inerysians.
This epilogue contains spoilers but this isn't the most detailed version of Crius' point of view. Ang mga hindi niyo mababasa na nangyari ay mababasa niyo sa sarili nilang kwento. And no, hindi na ako nagsusulat ng mga special chapters. Magpapatuloy ito sa iba pang mga future works ko.
Isa ang Tangled sa mga isinulat ko na sobra akong nag-eenjoy noong simula pero isa rin siguro ito sa masasabi kong magulo lagi ang isip ko na minsan ay nakakalimutan ko na dapat ay pahinga ko ang pagsusulat. Lalo na sa mga nangyayari.
I always enjoy reading feedbacks just to improve myself more. Ngunit may ibang mga opinyon na hindi na nakakatulong sa akin bilang manunulat at nakakababa pa ng kumpyansa. Wala akong pinagbabasehan sa mga nabubuo kong plots dahil pinag-iisipan ko silang lahat ng mabuti. Kung hindi ko man binabagsak, ibig sabihin ay hindi pa kompleto ang plot at hindi pa nila oras.
Please stop putting words in my mouth that I am trying to copy someone's work. Stop comparing my works to other stories. Iba sila. Iba ako. Iba ang mga likha ko sa kanila at wala akong pinaggayahan ng mga naiisip kong plot. Do not force your standards to my works. Nagsusulat ako para aliwin ang sarili ko hindi para pagbigyan ang mga kapritso niyo sa mga akda ko.
To my readers, I am forever grateful for your warm support to my works. You always encourage me to do better, to keep going. Isa kayo lagi sa inspirasyon ko para magpatuloy. Writing isn't just a passion, this is my home. I feel at ease everytime I write. I feel at peace everytime I turned my unexpressed thoughts into words. Nagpapasalamat ako sa mga taong piniling respetuhin ang mga desisyon ko. I will never forget the warm support you showered to me when I'm feeling down. Hindi ko man nasasagot ang mga mensahe niyo ngunit nakaabot silang lahat sa akin. Maraming salamat sa paniniwala sa aking kakayahan na kaya ko. Maraming salamat at hindi niyo ako tinalikuran. Let me write more. Let me express myself more. Thank you so much, inerysians!
——————————
Peace
"Wow! This is a good idea! I never thought of something like this... a sunrise wedding," North commented while he's with his wife.
Ngumisi ako. Everyone's on the spot preparating for the entrance of my bride. Nakita ko pa si Grey karga si Rousseau na antok pa lalo na't nakahiga ang ulo nito sa balikat habang humihikab at medyo basa ang mga mata.
The whole place looked perfectly amazing. The wedding organizer made it looked like we're in paradise. The white sand of the Mactan island in Movenpick Hotel matches the color of the flowers. Papasikat pa lamang ang araw at malamig din ang simoy ng hangin ngunit lahat ay desididong magtiis para sa magandang seremonyang magsisimula na.
Nasa harap na ako ng altar, sa tabi ay si Anzai na nakapamulsa habang tinatanaw ko ang dulo kung saan maglalakad si Naia patungo sa akin.
"She's gonna be your wife again," bulong niya.
Again.
I remembered how I fell inlove with her. It feels illegal. Pakiramdam ko ay madagdagan ang mga kasalanan ko kung pinakialaman ko ang isang babae na tila langit na para pangarapin.
I never expected I'll fall inlove with her. Hindi ko kailanman pinangarap na mahulog sa babae, sa kahit nino man lalo na't sa nakikita ko sa aking mga magulang, tumatak sa aking isip na walang magandang dulot ang mahalin ang isang taong sasaktan ka lamang.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Erica? You want me to choose her over you?!"
"Hindi ko hinihiling ngayon na piliin mo ako, Lawrence! I want you to act as a father! Not as a husband!" sigaw ni Mama sa nababasag na tinig sa gabing iyon.
BINABASA MO ANG
T A N G L E D (NGS #9)
RomanceShanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appears snobby will attract a troublemaker-Crius Rylan Silva, a basketball player in Ateneo and a drumme...