Tangled
Breathe
"Kanina ka pa?" tanong ni Crius nang pagbuksan ko siya ng pinto.
He's wearing his usual smug, like he's unbothered with everything like how I tried to hide mine, too. Iyon nga lang, alam kong sa likod ng kumpyansa at tindig ay may ikinukubli itong kahinaan.
"Kakadating ko lang. Come in..." saka ko nilakihan ang pagkakabukas para makapasok siya.
"Are we alone or..." gumala ang kanyang tingin at agarang nahanap ang nakangiting Lawyer sa may sala.
Umangat ang aking kilay kay Crius. Nagkatinginan pa kaming dalawa habang napapawi ang liwanag sa kanyang mukha.
Tumikhim si Atty. at mukhang nagegets ang gustong iparating ni Crius. I glared at him so he'll behave. Ngumuso siya at namulsa.
"Baka gusto niyo munang... mapag-isa," si Atty. na handa ng tumayo.
Hinaplos ni Crius ang batok at tumingin sa akin. I can almost see how he wants to suggest that he likes Atty.'s suggestion. At sa akin pa talaga ibinigay ang pagpapasya.
"Let's proceed, Atty. I have something to do later," pagmamatigas ko.
Crius nodded. "Nagmamadali rin ako. Let's finish this as soon as possible," the competitive husband talking.
I arched my brow. He arched his brow, too. Pabalik balik ang tingin sa amin ni Atty. at nagkamot pa ng batok nang mapansin ang tensyon.
Palihim naming inasikaso ni Crius ang aming divorce. Pagkatapos ng isang linggong lumipas ay pinili agad naming bumalik sa Paris, France kung saan kami palihim na nagkita.
My parents let me. Hinayaan nila akong umalis noong sinabi kong gusto kong pumunta muna sa Paris at tatanggapin ang alok na endorsement ng isang brand kahit ang totoo ay iba talaga ang sadya ko.
O baka naman pagkatapos noong pagsiklab ni Cassey ay may nabuksang pinto para intindihin ang aking tahimik na hinaing. Siguro ay naisip nilang... hindi ako gano'n ka tapang para indahin ang lahat ng ito sa paraang kaya ko.
Isang buwan muna ang hiningi ko sa aking pamilya at gustong manatili sa France. Ipinangako ko rin naman na uuwi lalo na't gusto ko ring tumulong sa kaso. I remember how I talked to my father that I want to leave.
"If that's what you want then go ahead," si Dad na nasa papeles ang tingin habang nakatayo ako sa kanyang harapan.
"Nagpapaalam ako dahil baka... mag-alala kayo ni Mommy at isipin niyong nakipagtanan na ako."
Natigilan siya ngunit tila may napagtanto kaya nagpatuloy muli sa ginagawa.
"I know you will think rationally. Maiisipan mo pero alam kong hindi mo rin gagawin," he said.
I pursed my lips. Right... May kakayahan akong gawin iyon ngunit sa ikakabuti ng pamilya, sa ikakapayapa ng isip nila, magdedesisyon ako ng naaayon sa lahat.
Tumahimik ako at muling tinimbang ang sitwasyon. Nahahati ang aking emosyon ngayon. Ang gusto ko na lamang ay huwag nang makabigay pa ng sakit sa ulo sa kanila habang problemado ang lahat.
At habang iniisip ang mga iyon, unti-unti kong napagtanto kung paano ako nagiging malayo sa kanila, sa aking pamilya at sa aking ama.
I don't know why I feel so distant to him. Parang ang layo layo ko na sa kanya kahit nandito naman siya sa aking harapan at tinitingnan ko.
I know I disappoint him. Alam kong sa nangyari ay parang napatunayan ko sa kanya na tama siya noon pa man tungkol kay Crius. Na matigas lamang ang aking ulo at hindi marunong makinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
T A N G L E D (NGS #9)
RomanceShanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appears snobby will attract a troublemaker-Crius Rylan Silva, a basketball player in Ateneo and a drumme...