5th Tangled

62.3K 2.3K 748
                                    

Tangled

Call

Hindi ko alam kung anong mahika ang nangyari at nahanap ko nalang ang sarili na sumasabay sa paglalakad ni Crius.

I'm not even sure why but there's a part of me that's curious.

Maingay ang open space dahil na rin sa malakas na tugtog galing sa kung saan na Van at may nagiging DJ pa. This is how the elite parties... They always find a way to make the place as their venue for fun and all.

"Did he convince you?" tanong niya habang sa isang kamay ay hinahawakan lamang ang sigarilyo.

I think he knows what's happening. At pakiramdam ko ay may ideya siya kung bakit ganito si Ken. See? That idiot didn't think about this thoroughly. Basta ay para sa kanya may plano at patutunguhan siya ngunit hindi na sinasali kung mabubuko ba o hindi.

I nodded since it's true. Anong itatanggi ko? Uh, hindi. Nagkusa ako kasi gusto kitang makita. He will not believe that since I will probably sneer sarcastically while saying lies. I'm not good at it.

Pinitik niya ang sigarilyo at inapakan. I tried to looked around and noticed everyone's watching him. At sa tuwing tinitingnan siya ay nadadamay din ako lalo na't kuryoso nilan nililipat ang tingin sa akin.

May lalakeng humalakhak at umatras ngunit nabangga sa dibdib niya. He stopped so I stop, tolo. Nakita ko kung paano napawi ang ngiti ng lalake nang mapagtantong si Crius ang nabangga.

"C-Crius..."

Lumubo ang isang pisngi ni Crius at mukhang tinusok iyon ng kanyang dila, tila nasasagad agad ang pasensya. Bago pa makatakbo ay nahawakan niya agad ang likod ng tshirt nito.

"Where the fuck are you going?" iritang tanong ni Crius at hinila na ito pabalik.

"H-Hindi ko sinasadya. Pasensya na," the guy said apologetically.

Ngunit mukhang uminit agad ang ulo ni Crius. He only tilted his head with a mocking stare. Kung manonood pa siguro ako at tatahimik ay makikita ko na ang paglipad ng kanyang kamao ano mang oras ngunit hindi ko na napigilan ang sarili.

"It was an accident. Hindi niya naman sinasadya," sabi ko.

Dahan dahan ang paglingon ni Crius sa akin. Ang lalake naman ay napatingin din at gustong ngumiti para sa aking ginawa ngunit hindi na umabot sa labi.

Binitiwan siya ni Crius. Binasa niya ang labi at iritang tiningnan ang lalakeng nagkukumahog agad na kumaripas ng takbo. Ngumiwi ako sa kanya.

"Init ng ulo mo..."

"He triggered me," sagot niya at medyo irita pa.

"Hindi ah. Aksidente. Hindi ka naman hinamon at inangasan. Ano ka ganster?"

Umangat ang kanyang kilay at hinawakan ang aking labi.

"Shut your lips or I'll bite it," pagbabanta niya.

No one intimidates me. Or maybe I am not intimidated since... I don't feel anything for him at all. Ni hindi nga ako naiintimidate kung si Ken na gusto ko pa ang pabirong pumuporma tapos siya pa?

Kinuha ko agad ang kanyang pulso lalo na't pinagtitinginan pa kami saka siya sinamaan ng tingin. Ibinulsa niya iyong muli at ngumisi habang humahakbang ulit.

Bumuga ako ng hangin at nailing nang tiningnan ko ang kanyang likod. Isa pang hakbang ay tumigil siya sabay lingon sa akin.

"Come on... Walk with me or I'll carry you," aniya.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon