2nd Tangled

75.1K 2.3K 925
                                    

Tangled

Liar

"Ang tagal niyo! Kamuntik na akong masapak sa kabagalan niyo!" si Ken nang tumayo na at sinalubong ang dalawa.

Lumapit si Wayt at Hiro sa amin. Tumayo sina Kian at Rem para makipagbungguan ng balikat habang ang mga girls ay dinumog agad ako ng mga katanungan nang mahimasmasan na sa pagkawala ni Crius.

"I think Crius likes you!" si Chloe na namimilog ang mga mata.

Ngumiwi ako lalo na't hindi ko naman gaanong ramdam. He's flirting but he's not interested at all. O baka masyado rin akong hindi interesado kaya di ko ramdam.

"Hindi 'yon basta bastang nakikipag-usap sa babae, Naia!" si Rackie naman na pumaskil din ang gulat sa mukha.

"He obviously likes you! Kakausapin ka ba kung hindi?" si Chloe na nagniningning ang mga mata. "Ang bango bango niya. Kahit hindi siya gano'n ka lapit sa akin kanina ang bango bango niya. I almost faint..."

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap ni Hiro sa akin. Pumasok siya sa U-shaped na inuupuan naming sofa at umupo sa aking gilid lalo na't wala na roon sina Rem at Kian na kapwa na nakatayo habang nakikipag-usap kay Ken at Wayt.

Tumahimik agad sina Chloe at Rackie, nagsisensyasan sa pamamagitan ng tingin dahil sa presensya ni Hiro.

Ginalaw ni Hiro ang shot gamit ang isang kamay lalo na't ang isa ay nakabulsa lamang. Sinalinan niya iyon at dinala sa kanyang bibig.

Lumagok siya ng buo. Nakita ko naman kung paano iritadong binatukan ni Wayt si Ken na humalakhak lamang.

"Hi, Naia..." he greeted playfully after placing his shot.

Tumango lamang ako lalo na't alam ko na agad ang kanyang iniisip.

"Napapadalas ata ang pagsama mo kay Ken ngayong Summer, ah?" Umangat ang kanyang kilay.

"Niyayaya niya ako," I explained calmly.

Sa magpipinsang Delafuente, alam ko kung sino ang pinaka delikado. It's obviously him.

"Ah... Kung yayayain kita ay sasama ka rin sa akin, gano'n ba?" he smirked cunningly.

The problem here, I can sense everything.

"Stop manipulating me, Hiro. I can read your personal motives." Malamig ko siyang tiningnan.

Humalakhak si Hiro. Muli siyang nagsalin ng shot at nanunuya na ang ngisi sa labi.

"You don't want my help?" he asked smoothly and poured another drink for himself.

What help? To get myself into trouble? To let him use me as his weapon? Umangat lamang ang aking kilay sa kanya.

"Tutulungan kana nga ayaw mo pa. You like him..." he murmured and sipped on his shot without breaking the eye contact.

And the biggest problem here, he can sense everything, too.

Kahit ata itago at kimkimin mo ang sekreto ay naaamoy niya agad at nahuhulaan. Hindi na lamang ako nagsalita lalo na't humalo rin si Wayt sa amin. Sumulyap siya sa akin. Sumulyap din ako sa malamig na paraan. Tumango lamang siya kaya gano'n din ang ginawa ko.

Ngayon naman ay sila na ang center of attention dahil puro Delafuente na ang nasa aming sofa.

They're very popular with girls. Halos kilala rin sila ng lahat. Iyon nga lang, kapwa wala pang pinagbibigyan at hindi pa nagseseryoso. Mukhang hindi pa nakakahanap ng katapat. But I'm not really sure with Hiro...

Tumabi si Ken kay Wayt, sa kanyang kabila ay muling umupo si Amera na hindi alam kung sino ang titingnan sa mga Delafunte.

Kian and Rem started laughing, ang topic ay si Crius pa rin.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon