18th Tangled

60.6K 2.2K 730
                                    

Tangled

Bulaklak

Crius:

Good morning.

Ngiti agad ang aking nagawa pagkagising. Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Good morning.

Binasa ko ang labi at binitiwan na ang aking cellphone dahil baka ma adik pa ako kung hindi ko iyon ginawa. We're going to church this morning since it's Sunday.

At ibig lamang sabihin no'n ay pasukan na naman bukas. Iniisip ko pa lang ang mga gagawin ngayon at bubungad bukas ang pagsisimula ng klase ay napapagod na agad ako.

"Don't forget to vacant your time tonight, Naia," ani Mommy nang pumasok na ako sa back seat.

Si Daddy ang nasa driver's seat, abala sa pagbuhay ng kotse habang si Mommy ay nagsusuklay pa sa front seat habang nasa salamin ang tingin.

"What? Tonight?" Medyo lito pa ako lalo na't may date kami ni Crius mamaya.

Napatingin si Daddy sa akin sa itaas ng salamin. Sinisimulan niya ng ilabas ang kotse sa bahay. Ang kasambahay ay nasa gilid ng gate, mainam na naghihintay roon.

"Your Mom told you we'll having dinner with the Silvas," si Dad na pinapaalala sa akin.

Parang nahukay sa liblib kong isipan ang napag-usapan namin noong papauwi na kagabi. Jetlag ako at pagod na ang aking isip kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi ko na iyon natandaan pa.

"I have other plans for tonight, Dad, Mom," sabi ko.

Tumigil si Mommy sa pagsusuklay at sumimangot na noong nilingon ako.

"Hija, this is important. Hindi 'yon basta bastang nagpapaunlak ng mga imbitasyon at maswerte tayo dahil napagbigyan ang aking hiling."

Tumingin muli si Daddy sa itaas ng salamin.

"Next time na 'yang iba mong plano. Is that your boyfriend?" nahihimigan ko ang pagiging kuryoso ni Dad.

Sigurado naman ako na hindi kami nakita sa CCTV kagabi lalo na't nasa dulo nakapwesto ang Fortuner kagabi at nasa ulo pa kami. Hindi kami maaabot doon ng camera.

But for sure Daddy's curious since hindi ako sinundo ni Ken kagabi. He's probably thinking of someone else.

Umiling ako at gustong sabihin na nagkakamabutihan ngunit sumingit agad ang boses ni Mommy.

"Why don't you try dating Mr. Silva's son?" nangingiti niyang suhestyon.

I'm already doing it. At umeepal kayo kaya paano matutuloy? Dinala ko ang tingin sa labas ng bintana at iniisip kung anong oras ang date namin mamaya ni Crius.

This is gonna be our first date...

"Eh hindi naman kayo ni Ken, hija. Eh mukhang may pinopormahan 'yon ah? Naririnig ko 'yon sa ina niya."

"That brat is dating multiple women. Buti naman at hindi ka sinasali," si Daddy na nagsisimula na naman ang panglalait.

"Ayos naman si Ken pero mas maayos 'yung anak na bunso ni Mr. Silva. Matino at matalino. Iyon din daw ang hahalili sa kompanya. Imagine..." si Mommy na namamangha.

"May iba akong tipo, Mom," sabi ko.

"I told you to explore since you're still young. Kilalanin mo muna 'yan ng maigi. And while you're doing it don't close the doors. Pagbigyan mo ang ibang bisita na gustong pumasok," si Dad.

"May point kahit papaano ang Daddy mo. Ayos naman 'yung marami kang kinikilala. Malay mo 'di ba." Kumindat si Mommy sa akin habang nakangisi.

Hindi ako nagsalita lalo na't lumilipad pa ang utak ko sa ibang bagay. Dinungaw ko ang aking cellphone at nakita ang text ng aking pinsan na si Cassey.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon