4th Tangled

61K 2.2K 874
                                    

Tangled

Proud

"Lalabas ka ulit?" si Dad nang mapansin ang aking ayos.

"Hon... Isn't it too..." si Mommy nang pasadahan ako ng tingin.

Black oversized jacket na nakabukas ang zipper, black tank top, and black pants. Naka half ponytail ang aking buhok sa pagkakataong ito.

Nasa sofa ang aking parents. Nanonood sila ng movie. Si Mommy ay nakahiga sa balikat ng aking ama habang may bowl ng popcorn sa hita niya.

"You know her taste of clothing. Maangas," si Dad at sumubo ng popcorn.

"Lalabas ako with Ken's..." Yumuko ako nang makita ang aking sintas ng aking sneakers nang mapansing pangit ang pagkakatali sa kabila.

Ngumuso agad si Mommy. Umangat naman ang kilay ni Dad.

"Ken's circle of friends," dugtong ko.

"Boyfriend mo?" hula ni Mommy at naglalaro ang ngiti sa labi.

My father's eyes became curious. Nagtatagal ang tingin niya sa akin, tahimik na hinihintay ang magiging sagot.

"Hindi. Crush lang ng konti," I said at ngumiti ng tipid.

Mom's eyes widened. Si Dad naman ay mas umangat ang kilay. Open naman ako sa aking parents sa kahit anong bagay. Ayoko rin kasing lumalaki akong malayo ang loob sa kanila at ayokong iparamdam na parang nagkakaroon ako ng sarili kong mundo.

But they always give me some space, especially my own privacy. Naghihintay lang sila kung magkukwento ako. They don't interrogate me with things or judge my decisions. Supportive silang dalawa ni Dad.

Tumayo ako ng maayos nang makitang maayos na ito. Namulsa ako sa suot kong varsity jacket at dinukot ang cellphone palabas.

"Crush ka rin ba?" si Mommy na nawiwili sa kakatanong.

I licked my lip in a slow manner while reading Ken's text.

Ken:

Papasok ako. Magpapaalam ako sa parents mo.

"May pagka playboy 'yon ah?" si Dad sa seryosong tinig.

"Mapanglait talaga kayong mga Fortalejo! Mabait ang batang 'yon, Vince," giit ni Mommy nang hinampas ng kaonti ang dibdib nito.

Wala na sa movie ang buo nilang atensyon kundi nasa akin na. Nagtipa ako ng mensahe kay Ken.

Ako:

Huwag na. Mapagkamalan ka pang manliligaw ng parents ko.

Bumaling akong muli sa aking parents.

"Mom, Dad... Nasa labas na si Ken. Baka mga eleven or twelve ako makakauwi," sabi ko.

Marahan ang tango ni Dad habang si Mommy ay magiliw ang pagtango. Nahulog pa ang tingin ko sa pagreply ni Ken.

Ken:

Bastos ka talaga. Gusto ko ring magpaalam ng personal.

"Have fun, hija," si Mommy.

I nodded and smiled. Naninimbang ang tingin ni Dad sa akin.

"Hindi ko nga boyfriend," giit ko dahil mukhang hindi siya kumbinsido.

"You're already nineteen. Get one," si Mommy na tumawa.

My father licked his lip. "Isa lang," aniya.

"Anong isa lang, Vince? Malamang isa lang naman talaga dapat," si Mommy na nanliliit ang mga mata ngunit naglalaro ang ngiti sa labi.

T A N G L E D (NGS #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon