057 - My Best Friend's GF

18K 206 27
                                    

Confession by Mr. Kupz

Itago niyo na lamang po ako sa pangalang Kupz. Twenty-eight years old, tubong Cavite. I am not exactly sure what I am doing, to be honest, dahil hindi naman ako palakuwento ng kahit anong tungkol sa akin. Have you heard about that kind of vibe when I first spoke to you? 'Yung vibe na mapapa-confess ako sa 'yo kahit sumumpa na akong ibabaon ko na lang hukay ang mga pinakatago-tago kong mga sikreto. Hindi ko alam kung anong tawag doon, pero 'yun ang naramdaman ko noong una palang po na magkausap tayo, ate A. Kay Father sa confession sa Church nahihiya pa ako kaya I always hold back pero iba ka ate, pati 'yung pangongopya ko sa exams at pangungupit sa nanay ko ikinumpisal ko sa 'yo kahit hindi mo naman ako tinatanong #laptrip.

Without further ado, my story is about something I have never told anyone just yet dahil I am not proud of it. This the story about me and my besfriend's ex na gf pa niya that time. 'Yung bestfriend ko po kasi ay may gf noong college pa kami na hindi ko ka vibes. Itago na lang natin siya sa pangalan Mae.

As I've said, hindi ko ka vibes si Mae. Napakaarte kasi nito at medyo wild. Hindi ako boto sa kanya para sa best friend ko dahil kung sino-sino ang nakikita kong pini-flirt nito every time my best bud is not around.  Nakakainis naman kasi talaga ang mga ganung babae pero dahil na rin siguro sa ayoko ng gulo at ayokong masaktan ang best bud ko, naging tikom ang bibig ko tungkol sa kanila ng gf niya until, one day na nahuli ko 'yung si Mae na nakikipaghalikan with some random guy na doon pa man din sa harapan ng tindahan sa tapat ng apartment ko.

Picture this. Taga Paranaque ang best bud ko at ang apartment ko sa City ay sa Pasay, so siyempre nagtaka ako kung anong ginagawa roon ni Mae. Sa sobrang inis ko lumapit ako at tinawag ko ang atensiyon nito. Nagulat naman siya nang makita ako kaya nang tinanong na siya noong kahalikan niya kung sino ako, hinila ako ni Mae papalayo.

Mainit ang ulo ko that time kaya pilit ako kumakalas sa paghila niya sa akin. Hinabol naman niya ako hanggang sa humantong kami sa harapan ng apartment ko.

"Punong-puno na ako sa 'yo," sabi ko sa kanya, "hanggang kailan mo planong gaguhin ang best friend ko, ha? Tawagin mo na akong bastos, walang modo o kahit ano. Pero napakalandi mo talaga. Napakamalas ng best friend ko sa 'yo. Anong klaseng babae ka?"

Ang alam ko, mas marami pa roon ang sinabi ko sa kanya, pero noong maka sampung minuto nang hindi man lang siya umiimik, pinilit ko na ring itikom ang bibig ko.

"Hindi kita masisisi, Kupz." Biglang sabi niya, "totoo naman ang lahat ng sinabi mo. Malandi ako. Hindi lang malandi, kundi sobrang landi. Pero huwag kang mag-alala, alam ito ng best friend mo. Kung gusto mo, sabihin mo pa eh."

Nagulat ako noon at medyo nawirduhan. Ano naman kasing klaseng set up 'yun 'di ba? Parang ang gulo. Paano 'yun? Cheating with permission?

"Pero bakit mo nga ginagawa?" sabi ko, "hindi ka ba nahihiya?  Hindi ka ba man lang nag-aalala na mag-aaway kayo ng best friend ko."

Ang tagal niyang tumahimik bago tuluyang humagulhol. "I have my needs." Sinabi niya eventually, "na sana nga sa best friend mo  na lang nakukuha, kaso..."

"Ano ba talagang problema? Hindi mo ba mahal ang best friend ko?"

"Mahal ko siya kaso..."

"Anong kaso?"

"He doesn't want to have sex with me. Bawal daw sa pananampalataya niyang kulto naman yata 'yun leche! Kahit oral sex ayaw. Pero tangina naman Kupz, paano naman ako? Buti nga nakikipaglaplapan lang ako eh. Kahit libog na libog na ako tinitiis kong hanggang momol lang. Anong gusto mong gawin ko?" tuluyan na itong umiyak, "nung nakikilala niya ako, alam niya na kailangan ko 'yun. Mahal ko siya kaya kahit sa loob ng dalawang taon, isang beses lang kaming nag-sex tinitiis ko. Pero Pota ang hirap! Kalalaki niyang tao siya pa ang pakipot tangina!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now