005 - Kapit sa Patalim

63.5K 974 128
                                    

Confession by: Carrie U.

Ang sabi nila, you have to love your job para tumagal ka rito. Ang sa akin lang naman, depende naman ito sa kung ano ang trabaho mo. I don't love my job, at kung may choice ako, ayoko talagang magtagal sa trabaho ko. Sino ba naman kasing matinong babae ang gustong maging puta. At sino naman kasing tao ang mamahalin ang pagpuputa para tumagal siya rito.

May mga kasamahan ako na tulad ko rin. Gustong makawala sa makasalanang buhay na nangpapakain sa aming mga pamilya sa probinsiya. Pero meron din namang tuluyan ng nawalan ng pag-asa, kaya't ine-enjoy na lang nila ang magpagalaw sa iba't ibang lalaki-o babae, at pikit-matang pinaniwala na lamang ang kanilang mga sariling gusto nila ang trabaho nila... na masarap ang sex at hindi na mahalaga kung sino ang katuwang nila para gawin ito.

Masarap naman kasi talaga ang sex. Kahit nga amoy lupa ang yumayari sa 'yo, ipikit mo lang ang mata mo'y mae-enjoy mo na rin ito. Kailangan nga raw kasi i-enjoy para matiis mo. At kailangan din naming papaniwalain ang aming mga sarili, na ito na nga ang pinakamasarap na pagkakitaan ng mga walang sapat na edukasyon para makakuha ng disenteng trabaho. Ang problema lang talaga'y kung may mga customer kaming psychotic at nanakit. At kung mamalasin ka'y pararanasin ka pa ng walang kapantay na pagmamalupit. May mga pagkakataon ngang mas hihilingin mo pang masaktan ka na lang pero pakakawalan ka naman ng buhay, kaysa naman ang sapitin ang sinapit ng iba, na parang hayup na kinatay.

"Ano ba talaga ang trabaho mo diyan, anak?" Tanong ni Inay sa kabilang linya. "Bakit ayaw mo kaming paluwasin diyan?"

"Saleslady nga lang po ako, Inay." Pagdadahilan ko, pilit lumalayo sa malakas na ingay na nagmumula sa loob ng club. "Bed spacer lang ako kaya wala rin po kayong matutulugan dito."

"Eh bakit kasi hindi ka man lang umuuwi. Dalawang taon ka na riyan, kindi ka man lang bumibisita rito. Bisitahin mo naman kasi ngayong darating na pasko. Nasasabik na rin kasi sa 'yo ang mga kapatid mo."

"Susubukan ko pa Inay, pero hindi po ako nangangako sa inyo. Alam niyo naman pong mahal ang pamasahe mula dito sa Maynila papunta diyan sa atin sa Negros. Ang sa akin lang, mabuti pang ipadala ko na lang sa inyo kaysa naman ipamasahe ko."

"Anak, kahit ngayong taon lang, pakiusap. Nagkakasakit na kasi ako. Baka mamaya niyan, mamamatay na lang akong hindi kita nakikitang muli."

"Inay naman, huwag ka namang magsalita ng ganiyan. Sige po, gagawan ko ng paraan. Tatawagan ko na lang po kayo kung makakauwi ako ngayon pasko."

"Ang hiling ko para sa 'yo anak, ay maging maayos ang buhay mo. Parati kong ipinananalangin sa Diyos na sana'y makapag-asawa ka ng matino, na siya namang makakatuwang mo kapag wala na ako."

"Inay ano ba?" Napaiyak na ako. Nakalabit na naman kasi ni Inay ang kahinaan ko. Ayokong-ayoko kasing naririnig na tila nagpapaalam na siya. Lalo na kapag inuulit-ulit niya ang makatagpo ako ng mapapangasawang matino bilang panalangin niya sa Diyos.

"Basta anak, umuwi ka. Isama mo ang nobyo mo, kung meron man. Gusto ko siyang makilala. Mapaghabilinan man lang sa 'yo, kung ano man ang mangyari sa akin."

Parang batang umiyak na ako ng todo. Humihikbi't sumisinghot. "Inay naman eh. Bakit ba ganyang kang magsalita?"

"Pasensya ka na anak. Hindi na rin naman kasi ako bumabata. Ikaw na lang kasi ang wala pang asawa sa inyong magkakapatid. Ikaw pa naman ang pinakamatanda, pero ikaw rin ang nag-iisa pa sa buhay. Mula nang mamatay ang ama niyo, wala na akong idinasal kundi ang mapabuti kayo. Sana nga'y dinggin ng Diyos ang panalangin ko, para naman mapanatag na rin ako."

"Inay naman eh. Kahit naman ako ang pinakamatanda, bente singko anyos lang naman ako. Wala pa akong balak mag-asawa."

Natahimik siya sa kabilang linya.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now