002 - Kontrata

107K 1.2K 165
                                    

Confession by Mike E.

Katulad ng mga tunay na lalake sa edad kong bente singko, mataas ang aking libido. Pilit mang pigilan; pilit ko mang magpanggap o magapaka-goodboy, mas lamang talaga sa akin ang tumugon sa tawag ng laman kumpara sa pagpasok sa mga seryoso at nakasasakal na relasyon.

Gusto ko sanang magkaro'n ng permanenteng nobya. Pero ang gusto ko'y 'yung makatutugon sa lahat ng aking pangangailangang emosyonal at pisikal, para naman hindi na ako humanap kung saan-saan. Ang kaso mo, mahirap talagang humanap ng babaeng gano'n, kaya naman hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na lumingon sa iba kapag ako'y nasa isang relasyon.

Inaamin kong malibog ako. Araw at gabi, sex ang pinakamadalas na pumapasok sa isip ko, kaya kapag nakakakita ako ng mga babaeng palaban at sexy manamit; parati akong nagbabakasakali na siya na nga ang babaeng hinahanap ko. Sa totoo lang, kahit naman malibog ako ayoko rin ng paiba-iba ang ka-sex ko. Ang gusto ko talaga'y isang babae lang na nasasa kanya na ang lahat-lahat ng gusto ko.

Gusto ko ng nobyang hot, para naman kainggitan ako ng mga kabarkada ko. Gusto ko rin ang parating game sa kama at sa akin lang nagpapayari--dahil ayoko rin ng may kahati. Gusto ko rin ang karinyosa, pero ayoko rin naman ng dudera at parati na lang gusto na sinusuyo s'ya. Ang gusto ko'y 'yung madaling pakisamahaan at kausapin, hindi 'yung parati na lang may sumpong at binibigyan ako punyetang 'silent treatment'.

Ewan ko ba kasi sa mga babae kung bakit napakahilig sa 'silent treatment'. Mabuti sana kung manghuhula kaming mga lalake. Hindi ba nila nalalaman na nakaka-turn-off 'yun? Na 'yung ugali nilang gano'n ang isa sa mga dahilan kung bakit naghahanap pa kami ng iba? Nakakainis ang 'silent treatment' kahit saan...kahit na sa kama. May mga babae kasi na sobrang pa-cute at pakiyeme, hindi mo man lang maringgan ng pang-ungot kahit halata naman na nasasarapan sila sa ginagawa ko. Hindi ba nila alam na isa ring dahilan 'yang 'silent treatment' nila sa kama kaya humahanap kami ng ibang makakaparehang mas wild at maingay kumpara sa kanila. Mga lalaki kami! At bilang mga lalake, mas nakahahanap kami sa security at confidence kapag nakikita naming masaya at nag-e-enjoy ang aming mga babae.

Ito ang dahilan kung bakit iwas na iwas ako sa mga babaeng tahimik, mahinhin, payumi, at pa-virgin. Alam mong type ka, pero ayaw magsalita. Akala naman nila, gusto ng lahat ng mga lalake ang pagiging overly decent nila. Hindi ba nila alam na kahit ang pinaka-desenteng lalake'y hindi nangangarap na magkaroon ng nobyang tulad nila? Ito kasi 'yung mga tipong matapos kang makasama sa kama-na hindi mo rin na-enjoy dahil ikaw lang ang trumabaho-na nilakipan pa ng pesteng 'silent treatment', e may ka-pikot ka pa? Ang ending namin? Matatali pa kami sa isang relasyong kahit sinong lalake'y hindi magnanais na mapatali!

***

"Wow Bobet, puyat ka na naman!" Sabi ni Alvin, sa kabarkada naming si Bobet. Kabarkada ko na silang dalawa, simula pa no'ng kulehiyo. Nagkikita kami sa mall kada sabado para mamasyal, kumain sa labas, mang-hunting ng mga babae o manood ng sine. "Ano na naman ba ang pinagpuyatan mo?"

Humalakhak si Bobet, "pare naka-jackpot ako kagabi."

"Alin, 'yung sexing kalandian mo sa bar kagabi?" tanong ko.

"Oo pare." Mukhang napakasaya n'ya kahit halatang pagod at puyat na puyat. "Puchang galing, wooow, gano'n pala ang feeling ng nakarating sa ika-pitong langit. Ang galing sa kama pare, sinagad n'ya ang lakas ko."

"Sabi ko na nga ba, dapat sa akin 'yun eh." Pagsingit naman ni Alvin. "Ako ang unang nakakita ro'n ah."

"Bakit?" natatawang tanong ko kay Alvin, "Hindi ka ba nag-enjoy sa chick mo kagabi?"

Ngumuso ito, "ako lang ang trumabaho pare. Ang daming arte't sinasabi. Kesyo... no'n lang daw n'ya ginawa 'yun kaya wag siyang i-judge, strict ang parents n'ya, curious lang s'ya kaya gusto n'yang subukan. Leche, pa-virgin mga p're. Pero no'ng tinikman ko na, hindi na naman pala. Napaamin ko na ikatlo na pala ako. Nakaka-turn-off pare. Masyadong pa-cute. Nasasarapan din naman, wala man lang karea-reaksyon? Para ano? Para lang masabi na hindi s'ya sanay? Tang ina! Na-badtrip lang ako. Lalo na nung hindi na ako tinigilan ng kate-text n'ya. Hindi ko na sinagot, lalo na nung nagngangawa s'ya na mukhang sex lang daw pala ang habol ko sa kanya."

Untamed Confessions [R-18]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang