037 - Kidnap for F-some

53.2K 670 55
                                    

Confession by Abbie

Hindi ko alam kung pa'no ko uumpisahan ang kwento ko. Sa totoo lang, nanginginig ako habang tina-type ko 'tong email ko para sa 'yo. First time ko kasing ikukuwento 'to, hoping to find relief and peace of mind after I shared my true Untamed Confession.

Call me Abbie, a 24-year old bank teller from Ortigas. Ang k'wento ko ay tungkol sa nangyari sa akin two and a half years ago lang. Kaga-graduate ko lang ng college nang makapasok ako bilang clerk sa opisina ng isang department store. Sobrang naive ko pa ng mga panahon na 'yun at medyo tatanga-tanga. Mula kasi ako sa probinsya at baguhan lang sa Maynila.

Summer of 2011, buwan ng Abril. Medyo ginabi ako sa trabaho at umuwing lulugo-lugo sa sobrang pagod. Dahil sa sitwasyon, nagkamali ako ng sakay ng Jeep at kamalasmalasan pang nakatulog ako sa biyahe. Sa Q.C. ako nakatira, pero napadpad ako sa lugar na tinatawag nilang Junction sa bandang Cainta. Sa sobrang taranta ko dahil ako na lang ang huling pasahero, nagpanggap ako na alam ko ang ginagawa ko. Pumara ako kahit hindi ko alam kung nasaan na ako. Medyo natakot din kasi ako sa Jeepney driver dahil sa paraan ng pagsulyap nito sa akin sa salamin.

Alas-diyes na nang gabi naglalakad pa rin ako sa pedestrian lane. Takot na takot ako pero hindi ko naman magawang umiyak. Nung mga kalahating oras na at wala akong makitang Jeep o Taxi pabalik, naisipan kong umupo muna sa may poste para magpahinga. Dasal ako nang dasal hanggang sa bumigay rin ako at napaiyak.

Umiiyak pa ako nang may biglang may humintong itim na Honda sa tapat ko. "Miss, ok lang?" tanong sa 'kin ng lalaking nasa front passenger seat--matapos nitong ibaba ang bintana sa side n'ya. Sumulyap ako. Napansin ko agad na lalaki rin ang nagmamaneho.

"Hello Miss beautiful..." pagbati naman sa akin ng isa pang lalaki sa backseat matapos nitong ibaba ang windshield. Mukhang lasing na ito.

"O-ok lang po." Sagot ko. Natatandaan kong humihikbi pa ako nang sinabi ko 'yun.

"You don't look ok to me." Sabi ng nasa front passenger. "Do you need a ride? P'wede ka naming ihatid. Sa'n ka ba nakatira?"

Tumango ako. "Sa Project 8 po."

May ibinulong 'yung nasa front passenger seat sa driver bago nito sinabing, "halika na. Ihahatid ka na namin."

Sa kagustuhan kong makauwi, hindi na ako nag-alinlangan pa. Pinagbuksan ako ng nasa backseat kaya sumakay na ako. Hindi pa kami nakakalayo nang bigla silang lumiko kung saan-saan. Nagsimula na akong kabahan nang halos wala na akong makitang tao sa daan.

"S-saan po tayo dadaan?" tanong ko.

Lalong lumakas ang pintig ng puso ko nang bigla silang nagtawanan bago sinabi ng driver na, "sa shortcut papuntang langit."

Nagsimula na akong mag-panic. Sinubukan kong buksan ang pinto sa side ko kahit umaandar pa ang sasakyan pero pinigilan ako ng lalaking katabi ko sa backseat.

"Bababa na lang po ako." Umiiyak na ako. "Dito na lang po ako!" Wala namang naging silbi ito dahil nakayakap na sa akin ang katabi ko. Hinalikan ako nito sa pisngi kaya sumigaw na ako at nagpapadyak. At dahil nabibitawan na ako nito sa pagwawala ko, tumulong na rin sa kanya ang lalaking nasa front passenger's seat na may itinurok naman sa bandang hita ko na naging dahilan ng unti-unti kong panghihina.

I don't know what it was. Hindi ko sure kung drugs ba o tranquilizer. Basta ang natatandaan ako, hinang-hina ako pero may malay pa naman ako. Which actually made it worse dahil nakikita at nararamdaman ko kung anong nangyayari pero wala naman akong magawa para makawala o paglabanan ito.

"'Wag kang mag-alala, Miss. Maglalaro lang naman tayo." Sabi ng driver habang ipinaparada na nito ang kotse sa garahe ng isang bahay. "Hindi ka namin sasaktan, don't worry." Tuluyan nang huminto ang kotse.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now