051 - Kasal-anan

37K 512 39
                                    

Confession by Violy

Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Violy. Thirty-one years old. Isang dating OFW na tubong Mindoro. Magulo po ang naging buhay ko pero sisimulan ko na lang po ang kuwento ko nung magpakasal po ako sa isang matandang baldado dito po sa amin, hindi po dahil siya ang nobyo ko o dahil mahal ko siya, kundi, 'yun lang po ang naisip na paraan ng tunay ko pong karelasyon para makapagsama kami sa iisang bahay araw-araw. Ang tunay ko po kasing karelasyon ay 'yung bunsong anak ng matanda na tawagin na lamang natin sa pangalang Kardo. Ang kaso, may asawa na ito at mga anak--na hindi naman niya maiwan-iwan kahit matagal na silang hindi magkasundo dahil sa takot sa mga kapatid nitong pulis at sundalo. Alam ko, medyo weird at hindi normal ang kuwento ng buhay ko pero umaasa po ako na itatago niyo ang katauhan ko at uunawain na walang halong panghuhusga.

Nagsimula ang aming relasyon noong mga panahon na, nabalita sa buong lugar namin ang pagkakaanak ng asawa niya sa ibang lalaki. Naging laman ito ng usapan sa lugar namin noon kaya alam ko ang naging paghihirap ni Kardo, lalo na sa pangangantiyaw ng mga tambay na walang modo ro'n sa amin.  Gusto na niyang hiwalayan ang asawa niya noon dahil hindi na nito kayang makasama pa ito, pero nagmakaawa ito sa kanya at ginamit pa ang mga kapatid para takutin si Kardo na papatayin ito at ang buong pamilya kapag nakipaghiwalay siya sa asawa niya.

Simula noon, naging patapon ang buhay ni Kardo at sa araw-araw ay wala na itong ginawa kundi ang mag-inom sa tapat ng sari-sari store ng tiyahin ko, para makaiwas sa asawa nitong--balita namin noon--ay hindi pa rin naman tumitigil sa pakikipagrelasyon sa ibang lalake.  Ito'y isang bagay na hindi niya maunawan--at hindi rin namin maunawan.  Hindi namin maintindihan kung bakit ayaw makipaghiwalay sa kanya ng asawa niya kahit na siya naman itong nangangaliwa.

"Kardo, magsasara na kami. Umuwi ka na."  Sabi ng tiyahin ko sa kanya. "Gabi na oh!" Nanunulungan ako noon sa Tiya ko kaya saksi ako.

"Pasensya ka na aling Yolly, nalasing na naman ako. Puwede bang dito na lang ako matulog sa bangko niyo rito?"

"Naku naman, Kardo. Hindi mo ba nakitang umaambon? Baka mamaya lang, uulan na baka magkasakit ka pa kung diyan ka matutulog. Ba't di ka na lang umuwi?"

"Ayoko. Nando'n ang asawa ko at 'yung lalake niya. Dito na lang ako. Mas maganda nga sigurong magkasakit  na lang ako para mamatay na ako para matapos na itong impiyernong buhay ko!"

Nagkatinginan kami ni Tiya.  Pareho kasi kaming naaawa na talaga sa kanya. "Pambihira naman 'yang asawa mo, napakamaldita talaga. Ba't ba ayaw niyang makipaghiwalay sa 'yo pero hindi rin naman mapapirmi sa 'yo. Pasensya ka na Kardo ha? Pero napakakapal ng mukha niyang asawa mo! Siya na itong may kasalanan, siya pa ang may ganang manakot sa pamiya niyo. Kung ako sa 'yo, lalayasan ko 'yan. Bahala na lang."

"Sana ganun lang kadali, pero ayokong madamay ang mga kapatid, magulang at mga anak ko. Sige na aling Yolly. Dito na lang ako matutulog." Humiga na ito sa bangko.

"Paano ba ito Violeta." Bulong sa akin ng tiyahin ko. "Tumayming pa naman ito sa padasal kina Nanang Karing sa kabilang nayon. Ano bang gagawin natin sa taong ito?"

"Kung gusto niyo Tiya, tutal, kakilala na naman natin 'yan. Harmless naman 'yan kahit lasenggo kaya dito na lang natin patulugin sa salas. Ako na lang po ang bahala sa kanya para makapunta kayo sa padasal."

"Sigurado ka?"

"Opo."

***

"Hindi niyo naman ako kailangang patuluyin." Nang pinapasok na namin si Kardo. "Ok na ako ro'n sa labas."

"Hay nako, Kardo!" Ani Tiya. "Maawa ka sa mga anak mo kung magpapakamatay ka nang talaga. Maghapon ka sa trabaho mo, tapos pagdating mo, maglalasing ka tapos magpapaulan pa. Naghahanap ka talaga ng sakit no?"

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon