016 - Premyo

43.3K 766 58
                                    

Confession by Lucy B

Masarap daw ang sex, ayon sa mga kaibigan ko, mga pinsan, mga nababasa at napapanood. Para kasing sarap na sarap ang mga gumagawa nito sa pasikretong napapanood ko sa porno, gayun din 'yung napapanood ko sa pelikula at mga nahuhuli kong nagmimilagro sa sulok-sulok ng aming esk'welahan. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong gawin ito, hindi na ako nagdalawang-isip. Ibinigay ko kaagad ang sarili ko sa unang boyfriend kong in-expect kong dadalhin ako sa tinatawag nilang Climax, pero... na-disappoint lang ako. Nasaktan lang ako at dinugo pero hindi naman ako nasarapan. Ganun din sa pangalawa at pangatlo naming subok; pagpa-panic lang ang inabot ko dahil akala ko'y mabubuntis n'ya ako. Tinanong ako ng bestfriend ko kung nagpo-foreplay raw ba kami, at nung tinanong ko s'ya kung 'Ano ba 'yung foreplay," alam na n'ya kaagad kung bakit hindi ako nag-enjoy. Karamihan daw kasi sa mga lalaki, tamad mag-foreplay. Ang gusto, 'ganunan' kaagad kahit hindi pa handa ang babae, kaya ang resulta, mas madalas ba pine-fake na lang ng mga babae ang orgasm nila, para lang hindi ma-offend ang mga ka-sex nilang lalake.

Too bad. Lahat... as in. lahat ng mga lalaking nakakarelasyon ko'y panay "Banat Kings." 'Yung tipo bang, hindi pa muna ako nahahalikan ng higit pa sa limang minuto, ang gusto'y pasukin na kaagad ang k'weba ko. Ang resulta... I faked all my orgasms, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng gana sa sex. Ayoko na sa sex, at ayoko nang makipag-sex. Wala tuloy ako tumagal na relas'yon. Dahil lahat silang hindi makuha ang inaasahan nilang maibibigay ko sa kanila, hinahanap na lang nilang lahat sa iba.

Noong una, ayos lang naman na nawala akong lovelife. Career lang muna, sabi ko, bente singko anyos pa lang naman ako't hindi nagmamadali. Kundangan nga lamang at sa paglipas ng ilang taon, tumitindi na rin ang peer pressure. Lalo na nung nagsimula nang magsipag-asawa, ang mga kaibigan ko at mas nakababatang kapatid.

"Five years kang walang lovelife?!" Bulalas ng nakababata kong kapatid na susunod nang ikakasal. "Hindi kaya sumara na 'yang bulaklak mo? Aba ate, maghanap-hanap ka na ng boyfriend. alalahanin ko, tatlong buwan na lang, magti-thirty years old ka na. Mamaya n'yan, maunahan ka pa ni bunso ha?" She's three years younger than me.

"Do I look worried?" Habang inaayos ko ang laylayan ng wedding gown n'ya."

"No. But you look..."

"What?"

"Unhappy."

***

Unhappy? Unhappy nga ba ako? She maybe right, but I will never admit that, of course. At katulad ng ibang mga babaeng tulad ko, kunwari s'yempre, career lang ang focus ko, and I'm pretty much happy and contented being carefree and single but... who am I fooling when I'm all alone, while staring at my naked self, in front of a full body mirror.

"I hate it when my husband sticks his f*cking member to me early in the morning!" Reklamo ng isa sa apat na kabarkada ko, during one of our girl's night out. Lahat sila, may asawa na. Ako na lang ang single. "Hindi man lang ako i-workout muna, tapos nagagalit s'ya kapag sa tingin n'ya hindi ako nag-enjoy? Gago pala s'ya." Bago niya nilagok ang isang shot glass ng tequilla.

"Same here." Sagot naman ng isa pa. "Men are pigs. Husto lang damba!"

"Sinabi n'yo." Sabat ng isa pa. "No'ng hindi pa kami mag-asawa, medyo ok pa. May foreplay pa kami kahit sandali. Pero pagkatapos ng honeymoon stage...zero na. Parang parati na niya akong minamadali."

Napapailing na lang ako sa pagiging masyadong open nila sa lahat ng nangyayari sa sex life nila.

"Ikaw ba Nancy, 'yung asawa mo?" Tanong ng isa sa apat, sa hindi pa nagsasalita tungkol ng sa sexlife n'ya. "Kamusta naman si Mr. Shortie? Hindi ka ba naso-short sa satisfaction?" Nagtawanan pa ang iba. Madalas kasi nilang pag-trip-an ang asawa ni Nancy. Mas maliit kasi ito sa kan'ya, mesyo chubby at hindi ka-g'wapuhan.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now