054 - Kerengkeng

10.1K 205 15
                                    

Confession by Lia

Aminado ako Miss A. Maldita ako at medyo may pagka-bully pa nga. Gusto kong sabihin na naging ganito ako dahil ganun din ang pamilya ko.  Mama ko, bungangera at may pagka-warfreak. Ang Papa ko, lasenggero na may pagkasiga dito sa amin. Ang mga kuya at ate ko, puro palaaway rin.  Ako ang bunso at sila lang ang pamilyang meron ako. Pero kahit naman ubod ng ingay at gulo ng pamilya ko, tahimik lang ako at hindi mahilig makigulo. Maldita nga ako at medyo dominante pagdating sa mga ka-edad ko, pero ang kaibahan ko na lang siguro sa pamilya ko ay hindi ako masyadong madakdak. Nagsasalita lang ako kapag kailangan at mas tendency ko ang mang-isnab kaysa manugod o mangumpronta. But since this an erotic confession, tama na siguro ang intro ko para maipaunawa sa inyo kung sino ako at kung ano ang ugali ko. Pinangunahan ko na lang kayo tungkol dito dahil may kuneksyon naman ito sa confession ko.

Nagsimula ang kuwento ko nung nangaliwa ang tatay ko. At sa lahat lahat naman ng aaswangin niya, ay 'yung nanay pa man din ng school crush ko na tawagin na lamang nating si "Kuya."  Kuya kasi bukod sa mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, ay naging step brother ko na rin siya dahil sa awa ni Satanas, tuluyan nang iniwan ng magaling kong aswang na ama, ang nanay kong bungagera. The situation may sound ugly, pero believe me when I say na mas naging maayos ang lahat sa bahay namin nung nagkahiwalay na ang mga magulang ko. Paano'y wala nang mabungangaan ang nanay ko, at ang mga kapatid ko naman ay mas madalas na nagkakanya-kanya na lang ng pagkukulong sa kuwarto o paglalakwatsa.

Isang araw, pinapunta ako ng tatay ko sa kanila ng bago niyang asawa. Birthday niya noon at ako lang talaga ang inimbita niya sa amin dahil hindi niya kasundo ang mga kapatid ko. Ayoko sanang pumunta dahil siguradong puro inuman nang magdamagan lang naman ang magaganap doon at hindi rin naman ako maaasikaso ng tatay ko na as usual ay mas aasikasuhin nito ang kanyang mga kainuman. Pero dahil naririndi ako sa  naganap na pag-aawayan ng mga kapatid ko ng dahil lamang sa pag-aagawan sa TV, mas minabuti ko nang mag-alsa balutan ng 2 days worth na damit.

Pagdating ko sa bahay ng bagong asawa ni Papa ay napakaingay rin. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang sintunado nilang pagkakantahan ng karaoke at walang habas na pagkukuwentuhan. Ilang minuto na akong nakatayo sa may gate pero wala man lang nakakapansin sa akin. Medyo hapon na noon, bandang alas singko, kaya hindi na ako nagtataka na medyo nakainom na si Papa--maging ang bago niyang asawa, kaya hindi nila ako napapansin.

"Pasok ka, Lia." Biglang wika ng isang lalaki mula sa bandang gilid ko habang nagkatunganga ako sa mga nag-iinuman.  Si Kuya ito. "Pasensya ka na, magulo rito sa labas, pero mas tahimik naman sa loob."

Walang imik ko siyang sinundan sa loob ng bahay nila. Kung anong gulo sa labas--sa loob ng kanilang bakuran, 'yun naman ang ayos sa loob. At kung anong daming tao sa labas, ay tila kami lamang ang naroroon sa loob. Naririnig ko pa rin naman ang ingay pero mas mahina na ito kaya naririnig ko na rin ang sound na nagmumula sa TV sa salas.

"Sa labas lang pala ang handaan?" tanong ko habang umuupo ako sa sopa.

"Ah, oo. Katatapos lang kasi ng general cleaning dito sa bahay at lagi namang sa labas lang ang handaan dito sa amin para hindi masyadong mahirap linisin o kahit magdamagan pa silang mag-inuman diyan sa labas, makakapagpahinga pa rin kami rito sa loob.

"Tsk. Masyado talagang spoiled ang tatay ko rito sa inyo no." Sabi ko, "kaya naman pala ayaw nang umuwi ro'n sa amin."

Bigla itong natahimik bago nito sinabing, "I'm sorry sa nangyari." Umiiwas ito ng tingin sa akin, "hindi ko rin alam na mauuwi sa ganito. Maniwala ka sana na hindi ako nagkulang sa pagpapaalala kay Mommy na pamilyado si Uncle, at hindi ito tulad niyang hiwalay na sa asawa, kaya sana maunawaan mo na hindi ko rin gustong masira ang inyong--"

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon