021- Lucky Ugly Boy

36K 522 43
                                    

Confession by Donnie Boy

Nanay ko na mismo ang nagsabi sa akin na hindi ako guwapo at pagkatapos ay ang itim-itim ko pa. Bumawi lang talaga ako sa tangkad at laki ng katawan, kaya kahit paano, may positibo naman sa aking katangian. Ito naman ang madalas ikainis sa akin ng 'di hamak na guwaping kong mga kapatid at pinsan. Kung bakit daw kasi nasa kanila ang mas magandang mukha, pero ako naman daw ang pinipilahan ng mga-hindi lang basta mga babae-kundi napakagaganda at kaseseksing mga babae.

Magkagayun man, aaminin kong nuknukan ako ng kapihikan. Madalas akong maparinggan na 'Kung sino pa ang pangit, s'ya pa ang suplado.' pero binabalewala ko na lang. Ang madalas lang namang nagsasabi sa akin no'n ay 'yung mga babaeng hindi ko napagbigyan... 'yun bang tipo ng mga babae na, porke't maganda sila-at pangit ako, pakiramdam nila, dapat nagkakandarapa na ako sa kanila. Kahit naman habulin ako, hindi rin naman ako basta-basta pumapatol. Pinakaayaw ko rin kasi 'yung kung sino pa ang babae, sila pa 'yong humahabol.

Ang k'wento ko po ay tungkol sa isang grupo ng mga babae sa probinsya namin sa Bicol. Pito silang magkakabarkada na puros mga magagandang dalaga. Ang kaso, may problema ako sa kanila... parati nila akong kinakant'yawan kapag napapadaan ako sa waiting shed na tambayan nila, pero nangyayari lang naman 'yun kapag magkakasama sila. Dahil doon, nahihiya ako kapag nakaka-engwentro ko sila. Kahit naman kasi alam kong pangit ako, may mga pagkakataon din naman na ayoko ko ring ipinaririnig ito sa akin ito nang pa-ulit-ulit.

"Machong Pangit! Sa'n ka galing?" 'Yun ang madalas na kant'yaw sa akin ng pinakapinuno nila. Susundan naman kaagad 'yun ng tawanan ng kan'yang mga kasama.

Kapag hindi ko sila nililingon, lalo nila akong iniinis. Sinasadya nila akong harangan para hindi ako kaagad makaalis.

Parati silang gano'n, humigit kumulang na isa ring taon, hanggang sa isang araw napikon na rin ako, kaya nang minsang hinarangan akong muli ng kanilang pinuno, sadyang dinakma ko ang kan'yang magkabilang dibdib at nilamutak 'yun sa harapan ng kan'yang mga kaibigan. Ayoko sanang gawin 'yun pero napuno na talaga ako, kaya hindi ko na rin naisip na baka masampal o mabugbog ako sa nagawa ko. Sa awa ng Diyos, hindi naman ako nasampal o nabugbog. Natahimik lang silang lahat at saka nila ako pinaraan.

Sa umpisa, akala ko, 'yun na ang katapusan ng kaugnayan nila sa akin. Pagkatapos kasi noo'y mahigit isang linggo rin silang hindi ko na nakikita sa dati nilang tambayan. Nang nawala sila akala ko, malaya na ako sa kanila, kaya nagulat talaga ako nang isang hapon na nagpakita silang muli.

"Hoy, Machong Pangit!" Muling salubong sa akin ng kanilang pinuno. Kapansin-pansin na tila kinulang sa tela ang suot nilang pito. "Halika nga rito!"

Sinulyapan ko lang sila pero wala talaga akong balak na mamansin.

"Hoy Pangit! Halika sabi rito eh!"

Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Anak ng..." Hindi ako nakatingin pero halata ko sa timbre ng boses n'ya na galit na galit s'ya. "Psst... hoy, tulungan n'yo ako." Sabi n'ya sa kan'yang mga kasamahan, "Bibitin na natin 'to!"

Nagtangka akong tumakbo pero nahagip agad ako ng apat sa pito. Pinigilan nila ako sa magkabilang braso, at pilit kinaladkad sa sukalan, patungo sa ilog. Sa takot na baka may balak silang masama sa buhay ko, nanlaban ako. Madalas na nagagamitan ko sila ng lakas kaya nakakawala ako sa apat, pero nang sumali na rin ang dalawa at naging anim na sila... wala na akong nagawa kundi ang magpakatianod kung saan man nila ako balak dalhin.

"Saan n'yo ako dadalhin? Anong gagawin n'yo sa akin?!" Nagpupumiglas ako hanggang sa makarating kami sa tabing-ilog.

"Lulunurin, bakit?" Sabi ng pinuno nila bago humalakhak nang pagkalakas-lakas. "Hala, igapos n'yo na mga kamay n'yan!" Utos n'ya sa kan'yang mga kasama. Sinunod naman s'ya ng mga ito. Iginapos nga nila ang mga kamay ko gamit ang makapal na lubid sa likuran ko, bago nila ako pinaupo sa gilid ng isang malaking bato.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now