027 - Loser's Luck

41.6K 791 100
                                    

Confession by Summer

I am such a loser. Sa tanang love life ko, ako ang parating naiiwan. Ang wish ko noon, sana, isa lang ang maging boyfriend ko. Ang gusto ko sana noon, kung sino ang una ko, s'ya rin ang mapapangasawa ko. Ginawa ko naman ang lahat para matupad 'yun pero...sobrang malas ko lang talaga sa pag-ibig. Kahit na nga nagpapakamartir na ako minsan, huwag lang sana ako iwanan, pero walang effect. Naiiwan pa rin akong luhaan. Kahit na nga nagmumukha na akong tanga sa paghabol at pagmamakaawa. Walang gustong mag-stay. Lahat sila, ipinagpalit lang ako sa iba. Silang lima, pinagod lang ako, sinaktan at iniwanan.

Ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko...ano bang mali sa akin? May hitsura naman daw ako. Mukha naman daw akong desente. Maalaga naman daw ako. Domesticated naman daw ako. Hindi ako selosa. Parati akong handang umunawa. Hindi ako demanding. At lalong hindi ako maarte.

Ang sabi ng mga kaibigan ko...'It's their loss, not yours.' Pero sa kauulit-ulit ng phrase na 'yun sa limang beses kong pagkabigo, napaisip na ako...parang hindi naman yata totoo 'yun. Parang pambobola lang talaga 'yun ng mga kaibigan ko para hindi na ako malungkot. I'm not any of my man's loss bagkus ay 'yung dinadaan-daanan lang. 'Yung tipo ng babae na nandyan pero ok lang na mawala. Nag-e-exist pero walang halaga. Parang junkfood na walang sustansya. Hindi worth it na ipaglaban. Replaceable. Walang k'wenta.

Nang iniwan ako ng ikalimang boyfriend ko para sa ibang babae--na naman, sabi ko sa sarili ko, ayoko na talaga. Ang sakit-sakit na kasi. Daig ko pa ang damit na unti-unting naluluray sa bawat pagkabigo. At sa sobrang daming beses na akong iniwanan...pakiramdam ko nga isa na lang akong basahan. Gamit na gamit na. Pampunas na lang sa dumi at hindi na pwedeng isuot.

"Summer, may ipakikilala ako sa 'yo." Sabi sa akin ng best friend ko isang araw. "Cute. I'm sure magugustuhan mo."

Busy ako sa paglilinis ng pad ko; ni hindi ko s'ya tiningnan. "Ayoko na Megs. Ayoko na talaga."

"Ano ka ba? Three years na kayong wala ni Boyett, hindi ka pa ba nakaka-move on. Give yourself another chance nga. Malay mo ito na ang Mr. Right mo."

Napabuntong-hininga ako, "'Yan din ang sinabi mo sa tatlong pinakahuling boyfriends ko pero anong nangyari? Lahat...hayun, happy na kasama ang iba. 'Yung tatlo ikinasal na nga 'di ba?" Gusto kong maiyak pero pinigilan ko, "Ganun naman kasi sila lahat eh...parang pinagpapraktisan lang ako pero iba naman ang pinakakasalan."

"Ano ka ba? Don't give up on love nga. Ako nga 'di ba, naka-seven ako bago ko na-meet si Tony." She's referring to her husband.

"Seven nga, pero lima ro'n, ikaw ang nang-iwan. 'Yung dalawa, mutual 'yung paghihiwalay n'yo. Pito nga pero hindi ka naman nagpakababa para hindi ka iwanan." Nagsimula na akong humikbi. Naaalala ko na naman kasi ang sakit, "hindi mo kinailangang umiyak at magmakaawa para lang mag-stay sila." Nagsimula na akong humagulhol na ako. Niyakap naman niya ako. "Megs...gusto ko nga sanang magmahal kaso...k-kaso pagod na ako eh. Ayoko nang masaktan. Baka hindi ko na kaya kung mauulit na naman. Ayoko na. Mas malakas na ang paniniwala ko ngayon na kapalaran ko na ang mag-isa."

"Sorry Bes...'wag ka nang umiyak. Sige na nga...hindi na kita pipilitin. Sasabihan ko na lang si Tony na ayaw mo. Kaibigan kasi n'ya 'yung ipakikilala ko sana sa 'yo."

"Salamat, Megs."

***

Trabaho-bahay. 'Yun ang naging routine ko. Madalas akong yayain ng mga katrabaho ko kada biyernes, pero maging sa ganun hindi na ako sumasama. Sa ganung paraan ko kasi na-meet ang dalawa sa ex ko. At sa ganung okasyon ko rin nahuling nangangaliwa ang mga ito. Kahit weekends hindi na rin ako naglalalabas. Kung lumabas man ako, ito'y para lang mag-grocery o mamalengke. Nawalan na lang talaga ako ng gana sa kahit ano man. Nakukuntento na lang akong manood ng T.V. sa pad ko o magbasa ng libro hanggang sa makatulog ako.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now