019 - Duling na Pabling

39.1K 567 50
                                    

Confession by Jose Mari

Madalas akong maging tampulan ng tukso sa amin. Isa raw kasi akong dakilang pabling pero napakahilig naman daw sa mga pangit. Marami nga raw akong nagiging girlfriend pero tagilid naman lahat ang hitsura, kaya kahit gusto raw nilang mainggit sa pagpapalit ng mga nobya na parang nagpapalit lang ako ng damit, wala raw silang magawa kundi ang matawa.

Ano ba kasi ang problema nila kung hindi ako tumitingin sa panlabas na hitsura? At kung mas mahalaga sa akin ang mabait at s'yempre, 'yung hayup at todo bigay sa kama. Aanhin ko ba naman ang maganda nga pero puro arte lang at walang kabuhay-buhay; o 'yung babaeng artistahin nga pero ako pa ang mag-aalaga sa kan'ya.

Eh di mas mabuti pa si Natalie na kahit maitim ay parati akong pinakakain ng kanyang masasarap na putahe at ng kanyang 'ano.' Kumpara naman kay Dianna--na kapitbahay ko. Tisay nga pero pritong itlog lang, hindi pa kayang iluto nang hindi sunog.

Mas ok din naman si Susan na medyo chubby at malaman, kesa naman sa Miss Baranggay naming si Salome na sa sobrang kapayata'y mag-aalinlangan akong ikama dahil sa takot na makalasog-lasog ang kanyang katawan.

'Duling na Pabling' at 'Kilabot ng mga Pangit' ang bansag nila sa akin. Dahil kung ga'no raw ako kagandang lalaki, ganun naman kapangit ang taste ko sa mga babae.

"Sayang ang lahi mo, kung malalahian ng mukhang maligno ang magiging nga anak mo." Paalala sa akin ng mga tsismosang matatanda.

"Mag-iingat ka sa mabubuntis mo, dahil baka hindi mukhang tao ang magkakalat ng lahi natin." Sabi naman ng mga kamag-anak ko.

"Kamusta naman ang Ilocana mong girlfriend na maitim ang tuhod at kili-kili?" Minsang kantyaw ng mga pinsan ko.

"Congrats kuya Joe, ikaw na ang pinaka-consistent na lalaki sa buong mundo." Mula naman sa mga kapatid ko, "Anong klaseng creature kaya ang magiging tunay hipag namin balang araw?"

O sige na nga...aamin na ako. May aaminin ako dahil nagsinungaling ako. Hindi totoong mas gusto ko ang mga pangit. 'Yun lang ang parati kong sinasabi para pagtakpan ang katotohanang...intimidated lang ako sa magagandang mga babae. Yes, it's all about my ego, na pakiramdam ko'y lumiliit kapag mas napapansin sila ng tao. Takot lang ako makantyawan na... 'Ang ganda naman ng gf mo, alangan ka.' Mas gusto kong marinig na, 'G'wapo ka para sa kan'ya.' Isa pang rason 'yung, pakiramdam ko ba'y mas mahirap pakawalan at paglaruan ang magaganda. Takot lang akong ma-inlove, tulad ng Tatay ko sa mestisang Nanay ko, na nauwi lang pagpapakamatay n'ya, matapos kaming iwanan nito para lang sa sumama sa ibang lalaki.

"F*ck! Yes!" Ang paborito kong katagang naririnig mula sa mga babae.

Hindi naman masyadong pangit si Rosalie. Morena s'ya, mukhang ordinaryong Pilipina, pero sexy naman. Naging gawi na namin ang magmilagro sa likod ng Taxi-ing minamaneho ko, kapag may chance akong masundo ito sa call center na pinagtatrabahuhan n'ya.

Oo. Isa akong part-time taxi driver. Store Manager ng isang sikat fastfood chain sa umaga; taxi driver sa gabi. At si Rosalie? Hindi naman talaga ito isa sa matatawag kong girlfriend. F*ck buddy ko lang s'ya, at s'ya ang sadyang tumatawag sa aking para magpasundo, kapag nagkukulang sa kanya ang asawa n'ya sa kama. Nagkakilala kami minsang isinakay ko itong umiiyak dahil sa pambababae diumano ng kanyang asawa. Na s'ya rin namang mismong gabi na may nangyari sa amin.

"Shit Joe!" Walang humpay ang kan'yang paggiling sa aking kandungan, habang ako nama'y abala sa paglalaro, pagsubo at paglamutak sa kan'yang malalaking dibdib. "Shit ka! Uhh!"

Tahimik lang ako. Tahimik lang naman talaga ako kapag nakikipagtalik kahit kanino.

"Ito na ang huli nating pagkikita, Joe." Aniya, matapos n'yang makarating sa langit. Humihingal pa ito at pawis na pawis.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now