049 - My Instant Forever

31.6K 539 44
                                    

Confession by Venus

Please hide my identity but for the sake of my true Untamed Confession, you can call me Venus.  My story is kind of fresh.  It happened a few months ago lang before I bid good bye to my college life.  I hate to admit but I find no point to lie kung hindi mo naman id-devulge ang identity ko. 

To begin my story, I'd like to say that I graduated with latin honors but I am a very insecure person. I was already 22 nung maka-graduate ako pero unfortunately, puro aral lang talaga ang inatupag ko kaya nakalimutan kong mag-enjoy. May mga nanligaw sa akin since high school pero lahat binasted ko lang, but not really because I do not like any of them, but primarily to please my parents na sobrang mga idol ko.  Sobrang perfect kasi ng dating nila sa akin.  Mga ulirang ama at ina. Mga edukado at may matatayog na reputasyon sa aming mga kapamilya at mga kaibigan. Lumaki ako na very proud sa parents ko kaya I've always instilled within me na kailangan maging proud din sila sa akin.

Akala ko talaga ga-graduate akong taas-noo dahil abot kamay ko na ang inaasahan nila sa akin until one night, nang umuwi ako sa bahay from my dormitory, my high expectations began to crumble to ground zero. Why? Nahuli ko lang naman ang Mommy ko na nakikipag-sex sa older brother ng Daddy ko--na married din. I was dumbfounded kaya kahit nasaktan at na-shock talaga ko, natulala lang ako sa isang sulok at pinanood sila sa salas hanggang sa makatapos sila. Nasa kilos at pag-uusap nila noon na hindi lang 'yun ang unang beses nilang ginawa 'yun.

"Mabuti na lang O.T. ang kapatid mo ngayon," sabi ni Mommy habang tinitira siya ni Tito nang patuwad sa ibabaw ng sofa. "I'm so horny! G-d I'm so horny! Mabuti na lang nakatakas ka kay Marie (not my Tita's real name) tonight."

"Mabuti nga tinawagan mo ako. Miss na miss na kita. Madali lang namang takasan 'yun pero sabi ko magpapahangin lang ako ngayon kaya bilisan natin 'to ha? Babawi na lang ako sa susunod."

It took a while bago ko na-absorb na ang Mommy ko pa 'yung wild at kay lakas umungol. At siya pa pala talaga ang tumatawag sa Tito ko para magkita sila.

I am an only child kaya wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, at dahil hindi naman inaasahan ng parents ko na uuwi ako sa bahay that night--because that was a Friday night and I usually go home every Saturday mornings, umalis na lang ulit ako at tila ligaw na tupang nagpakalat-kalat sa daan. Hindi ko alam ko kung saan ako pupunta and it took a real long walk along the streets bago ko nakuhang umiyak.

Galit na galit ako that night, and I muttered like, "I preserved myself! I took care of myself kahit na sa totoo lang, gusto ko na ring makipag-sex since I was sixteen. Tangina! Kung alam ko lang na ganyang kayo kababoy, sana ginawa ko na lang ang gusto ko. Tangina! Tangina! I hate you, Mommy! Akala mo kung sino kang Santa kung mangaral sa 'kin, tangina mo!--"

Natigilan ako nang makarinig ako ng hagikhik ng isang lalaki. Noon ko lang na-realize na nagawi na pala ako sa paradahan ng mga bus at ang lalaking tumatawa sa akin ay isa sa mga drivers na mukhang pauwi na dahil may bitbit itong bagpack. Based on his looks, alam kong kahit mas matanda siya sa akin ay hindi rin naman naglalalayo ang edad naming dalawa.

I was obviously not in my best mood kaya tinarayan ko ito agad nang, "anong itinatawa-tawa mo?"

"I'm sorry miss, akala ko kasi ako ang minumura mo kanina eh. Ok ka lang ba?"

"Bakit?" pinandilatan ko ito ng mga mata, "mukha ba akong ok?"

Ngumiti lang ito at kinamot ang kanyang ulo. He's kind of cute and polite kaya medyo nakaramdam ako ng hiya sa naging asal ko. "Sorry Miss, hindi ko kasi alam ang sasabihin kaya pasensya ka na kung alanganin ang tanong ko.  Eh pasaan ka ba? Medyo madilim na riyan sa pupuntahan mo, saan ka ba pupunta?"

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon