039 - Ash-wang

34K 628 126
                                    

Confession by Ashley

Call me Ashley. Twenty-one years old, residente ng Cavite, pero tubong Pio Duran, Albay. Lumaki ako at nagkaisip sa paniniwalang mula kami sa lahi ng mga Aswang. Aswang raw kasi ang lolo ko na ama ng Mama ko at may ipinasa raw itong itim na bato sa Mama ko bago ito pumanaw. Dahil sa paniniwalang 'yun, na naging bulong-bulungan naman sa lugar na aming tinitirhan, walang gustong makipagkaibigan sa akin. At kahit na may mga kalalakihang sumisilay-silay, wala ni isa ang maglakas-loob na manligaw.

"Maganda...napakaganda nga ng batang 'yan. Artistahin!" Madalas kong nauilinigang wika ng mga matatanda sa aming lugar, "pero ganyan naman talaga ang mga may lahing Aswang, 'di ba?"

Nung bata pa ako, hindi ko ito masyadong pinapansin. Kahit iniiwasan na ako ng mga ka-edad ko sa eskwelahan, binabalewala ko na lang ito. Lumikha na lang ako ng sarili kong mundo at iba't ibang mapagkakaabalahan para malibang ko ang sarili ko pero...sabihin na lang natin na, nagsawa rin ako. I was eighteen nang magsimula akong maghangad ng makakasama--kaibigan, kakuwentuhan at...kasintahan, pero, wala. Not unless siguro na mangibang lugar ako, kung saan walang nakakakilala sa akin.

Natupad naman ito nang magkulehiyo ako sa Maynila. Tumira ako sa isang ladies' dorm at nakapasok sa isang prestigious coed University. Dahil walang nakakakilala sa akin, nagkaroon ako ng mga kaibigan at marami-rami ring manliligaw. But for some reason, animo'y naging background lang ang existence nila nang maging kaklase ko si Timothy. It could be because I just suddenly saw my old self in him. An outcast. Walang kaibigan. Loner; palagi lang nasa isang sulok. Tahimik. Misteryoso. Sobrang guwapo pero tila pinangingilagan ng mga tao.

"Totoo kaya na member ng Illuminati 'yan?" 'yun ang bulong-bulungan ng mga estudyante tungkol kay Timothy. "Pa-transfer-transfer lang lagi ng school. Lahat daw ng nagiging girlfriend n'yan, iniaaalay kay Satan in exchange of wealth for his family and endless youth for himself."

"Vampire raw 'yan." Teorya naman ng iba. "Pero instead na pangil, may ikinakabit daw 'yan na matulis na bakal sa hinliliit tapos 'yun ang ipinantutusok sa leeg para mainom n'ya ang dugo."

Vampire man o Illuminati, wala itong ipinagkaiba sa Aswang. Pareho lang na iniiwasan; pareho ring kampon ng kadiliman.

"Bakit mo ako sinusundan?"

Nagulat ako sa madilim na sulok na pinagtataguan ko. Sinundan ko kasi ito mula sa classroom hanggang sa locker room n'ya. Nagtaka ako dahil hindi naman ito lumilingon at nagpakita man lang ng senyales na nakita nga n'ya ako.

"Ah...eh..." nanginginig ang tuhod ko habang humahakbang ako sa bandang likuran n'ya. Busy ito sa paglalagay ng gamit sa locker n'ya.

"Hindi ka ba natatakot na makagat sa leeg o di kaya nama'y masaksak sa dibdib bilang alay sa demonyo?" nakatalikod pa rin ito.

"T-totoo ba 'yun?"

Nilingon ako nito; nakangisi, "paano kung oo?" tuluyan na itong humarap sa akin.

Umismid ako, "aswang ako! Kaya mo ba ako?"

Napanganga muna ito sandali bago humalakhak. "Aswang? 'Yan naman ang myth."

"Anong myth?! Aswang nga ako!" I never thought I can be so proud to brag about that. "Aswang ang lolo ko, Aswang ang Mama ko kaya Aswang din ako!"

Mas lalong lumaki ang pagngisi niya, "sige nga, mag-transform ka nga?"

Bigla akong nataranta. "A-anong mag-transform? H-hindi puwede no!"

"Eh bakit hindi?"

"Eh araw pa eh. D-dapat gabi a-at saka, hindi ko dala ang langis na ipinapahid ko."

Untamed Confessions [R-18]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora