012 - Woman Hater

40.2K 732 83
                                    

Confession by Armand

Guilty as charged. Mahilig akong manggoyo, magpaasa at magpaiyak ng mga babae. Gusto ko sanang sabihin na trip lang, pero hindi naman 'yun totoo. Dahil ang totoo... may pagka-woman hater lang talaga ako.

Nagsimula ito nang iniwan kami ng nanay ko para sumama sa ibang lalaki. At sa lahat ng sasamahan n'ya, do'n pa sa ninong ko na matalik na kaibigan ng tatay ko. Napakabata ko pa noon-mga pito hanggang walong taon. At ang pinakamasaklap, ay nasaksihan ko pa mismo ang pagtataksil n'ya bago n'ya kami tuluyang iniwan.

Naaalala ko noon. Sadyang dumadayo pa si ninong sa bahay para makipag-inuman kay tatay. Pero ang totoo, gusto lang n'yang lasingin ito, para makapagtalik sila ni nanay, sa bahay namin mismo. Nakadidiri talaga. Halos masuka ako no'ng una. Pero dahil ayokong masaktan si itay-na naging mabuting ama naman sa aming tatlong magkakapatid. Itinikom ko lamang ang bibig ko... magpasahanggang sa pagpanaw n'ya kamakailan lang.

Lalong lumala ang pagkamuhi ko sa mga babae, nang masaksihan ko naman 'yung ate ko-ang pinakatanda sa aming tatlo, na sadyang inakit 'yung kapitbahay naming may asawa. Madalas ko silang nahuhuling nagtatalik sa likod-bahay; kung minsan doon pa mismo sa bahay namin-sa k'warto ng ate ko.

Gusto ko sanang maawa sa babaeng asawa nung kalaguyo ni ate, pero maging sa isang 'yun ay inis ko. Nanakit kasi ito ng mga anak n'ya, at madalas ko rin itong nakikitang nakikipaglandian sa mga lasenggong lalaki sa kanto.

Naselyuhan ang pagkamuhi ko sa mga babae nang lokohin naman ng unang s'yota n'ya ang utol kong bunso-ako kasi ang ikalawa sa tatlo. Dahil sa haliparot na babaeng 'yun, nalulon sa masasamang bisyo ang kapatid ko. Pero dahil pikon na pikon na ako sa mga babae no'ng mga panahon na 'yun, mayro'n akong ginawang ganti sa pamilya ng babaeng 'yun, na kahit alam kong masama'y hindi ko pinagsisisihan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2016, All rights reserved.

Gumanti ako sa ate n'ya. Malandi rin naman 'yung babae kaya hindi na ako nakunsens'ya. Niligawan ko, binola at iniskoran. Pero pagkatapos no'n, iniwanan ko na lang nang basta. Tuwang-tuwa ako nang malaman kong na-depress daw ito at parating umiiyak. Pero tulad ng sinabi ko, kahit alam kong masama ang ginawa ko, hindi ko naman pinagsisihan ito. Karma na lang n'ya ako... dahil nakipaglandian at nakipag-sex s'ya sa akin, kahit may boyfriend s'yang nasa abroad.

Simula no'n, daig ko pa ang kunehong bumababa kung kani-kanino babae. Mas malandi at maarte, mas ok, para hindi nakakakunsens'yang paglaruan. May mga nagagalit din sa akin; 'yung halos isumpa na ako. Parang wala raw kasi akong ina at kapatid na babae kung umasta. Sa loob-loob ko naman... eh sila nga ang kauna-unahang dahilan kung bakit nagkaganito ako, ano pa bang dapat kong ipag-alala sa kanila?

Halos pitong taon din akong gano'n, hanggang sa hindi ko inaasahang pagbabago ng aking pananaw, nang makilala ko si... Precy.

May ka-live in si Precy. Nakatira lang sila sa kabilang apartment. Tapat, maalaga at mapagmahal siya sa katuwang n'ya, pero ang problema, parati naman s'yang binubugbog nito. Kung minsan, nag-uuwi pa ito ng babae. Dahil doo'y, hindi na ako nagtaka no'ng madalas ko s'yang nakikitang umiiyak nang palihim.

"Bakit ka nagtitiis?" Nang minsang nahuli ko s'ya sa kanilang likod-bahay. At tulad no'ng nakaraang linggo, puro pasa na naman ang mukha at mga braso n'ya.

"Wala naman akong mapagpipilian."

"Bakit wala?"

"Wala akong kakilala dito sa Maynila, hindi naman ako makauwi sa probins'ya dahil hindi ko alam kung pa'no, bukod sa, wala naman akong pamasahe. Hindi naman kasi n'ya ako binibigyan ng pera."

"Bakit ka ba napadpad dito?"

Natahimik muna s'ya bago humagulhol.

"Ang sabi kasi n'ya noon sa akin at sa mga magulang ko, bibigyan daw n'ya ako ng trabaho dito. Pero sa halip na trabaho, ito ang napala ko. Tautauhan n'ya. Parausan. Punching bag at tagasambot sa galit n'ya sa mga babae."

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon