013 - Elle Ma-L

40.9K 593 59
                                    

Confession by: Gio X.

My confession will be short and sweet. May nakilala akong babaeng parating nakasimangot. Nakilala ko s'ya sa palengke, tindera sa isang 'tiangge'. At dahil ako ay isang dakilang palabirong tricycle driver no'ng mga panahon na 'yun, nakasanayan ko na ang dumaan sa kan'ya, para lang mang-asar.

Hindi ko alam kung bakit, pero tuwang-tuwa talaga ako kapag naiinis s'ya sa akin. Lalo na kapag dumarating sa puntong, binabato na n'ya ako ng paninda n'ya sa sobrang inis.

"Bakit ba parati mong iniinis si Elle?" Tanong sa akin ng isa sa mga sidewalk vendors. Isa itong matandang babae na madalas na nakap'westo, malapit sa paradahan ng mga tricycle. "May gusto ka ba?" Tatawa-tawa pa ito, na parang tinutukso ako.

"Wala po ha. Ang pangit naman no'n eh. Mabuti sana kung tisay 'yun. Kahit pangit papatulan ko na."

"Kapal ng mukha mo tutoy! Maitim ka rin naman."

"'Yun na nga eh, maitim na nga ako, tapos magkakagusto rin ako sa kap'wa ko maitim? Ano na lang ang magiging anak namin, kulay uling?"

"Ang sabihin mo, napakapintasero mo. Manalamin ka nga muna."

"Excuse me Aling Karing, kahit kayumanggi ako, kamukha ko naman si Daniel Padilla."

Humalakhak ang d'yaskeng matanda. "Anong Daniel Padilla? Makapal ang mukha mo tutoy. Alam mo ba kung sino talaga ang kamukha mo?"

Ngumisi ako, "Sino?"

"Buhok sa kili-kili ni Daniel Padilla."

Tinawanan ko na lang ang matanda, kahit deep inside, gusto ko na talaga s'yang sagasaan ng tricycle.

***

"Hello Miss Batumbakal." Muli kong pang-aasar kay Elle. Nakatalikod ito sa akin; nag-aayos ng kan'yang paninda.

Hindi n'ya ako pinansin.

"Hello Miss Beyonce."

Nilingon na n'ya ako, nakasimangot-as usual.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?"

"Bakit, anong gagawin mo kung hindi?" Dahil ako'y isang dakilang pasaway.

Humarap na s'ya sa akin, nakapamaywang.

"Kapag hindi mo ako tinigilan, iisipin ko, at ipagkakalat ko rito, na patay na patay ka sa 'kin."

"Eww..."

Hinapas n'ya ako ng paninda n'yang back scratcher na kawayan.

"Aray ko naman!" Ang lakas kasi ng pagkakapalo n'ya sa aking braso.

"Bakit ba ayaw mo akong tingilan? May gusto ka sa akin no?"

"Uy, excuse me. Sa mukha mong 'yan?"

"Bakit, sexy naman ako ah!"

"Ang sabi ko, mukha mo, hindi katawan mo."

"Kapal mo eh ang pangit mo rin naman!"

"Mas pangit ka!" Sagot ka.

"Mas lalo ka na!" Bulyaw n'ya.

"Kaya wala kang boypren ang pangit mo eh."

"Hoy," Nakapamaywang s'ya, "May boypren akong Canadian 'no."

"Weh? Di nga? May pumatol sa 'yo?"

"Oo noh, at malapit na n'ya akong dalhin sa Canada."

"Nanaginip ka na naman."

May dinukot s'ya sa bulsa n'ya. Ang cellphone n'ya. Kinalikot n'ya 'yun bago n'ya ipinakita sa akin ang isang litraro ng isang... negro.

Humaglalpak ako ng tawa, "Ohmaygash! Kamukha ni Dennis Rodman 'yan ah."

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now