038 - Do-Me-Now Effect

43K 540 46
                                    

Confession by Khate

I'm Khate. That's my real nickname but please make no mention of my last name. I was skeptical to submit my story at first because I'm a little embarrassed pa rin naman kahit marami na rin ang nakakaalam how promiscuous I am. I guess, gusto ko lang i-share kung bakit ako nagkaganito bago ako mahusgahan. Hindi naman kasi lahat ng tao pinapalad na magkaroon ng maayos at disenteng nakaraan para makapamuhay ng normal.

Kung mula ka sa disenteng pamilya na may tatay na nagpo-provide at nanay na nag-aalaga, napakaswerte mo. Kahit single parent lang nga ang magulang mo pero ginagawa naman lahat nito ang makakaya n'ya para buhayin at bigyan ka ng magandang kinabukasan, masuwerte ka pa rin. Kung may nag-aruga sa 'yo nung kabataan mo at hindi mo kinailangang pasanin agad ang mundo, napakasuwerte mo pa rin, dahil 'yan ang mga bagay na ipinagkait sa akin ng tadhana.

I am a product of a broken home. Six years old lang ako nang maghiwalay ang parents ko. Sugarol, babaero at lasinggero kasi ang tatay ko habang ang nanay ko naman ay isang labandera slash small time prosti. Part-time lang s'ya sa pagbebenta ng dangal dahil hindi naman n'ya ginawa 'yun parati. Ginawa lang n'ya 'yun kapag gipit na gipit at kapag kulang ang pambayad namin sa basurahang kuwarto na tinitirahan namin noon sa Caloocan. May isa akong kapatid na babaeng mas matanda sa akin. Kaso, trese pa lang 'to nang mabuntis ito ng kapitbahan namin. So ayun...isa s'yang iskwater na nagpabuntis sa isa pa ring patay-gutom kaya, kahit bente anyos pa lang s'ya ngayon, mukha na s'ya fifty years old sa kapayatan at labis na pahihirap sa pinili n'yang buhay. Halos taon-taon 'din ang kanyang panganganak kaya sa pitong taon na pagsasama nila ng bayaw kong tricycle driver, ganun na rin karami ang mga anak nila.

I was only thirteen nang sinubukan kong takasan ang hirap ng buhay. Sawang-sawa na kasi akong magutom at ang magtiyaga sa mga lumang damit, sapatos at mga kagamitang pawang mga second hand rin lahat. Ang ginawa ko, nagpaganda ako kahit bata pa ako. Nag-invest talaga ako sa hitsura ko so I can get everything I want. Mas madali kasing rumaket kapag maganda at sexy ka. Lalo na kung tulad kong nakikipag-barter ng sexual favors in exchange of anything I want.

I wanted a smart phone, pero wala kaming pera, kaya para magka-phone ako, ibinigay ko ang virginity ko sa matandang nagtitinda ng cellphone at load doon sa lugar namin. Pero dahil kailangan ko rin parati ng load, pinresyuhan ko ang lahat ng pwede n'yang gawin sa akin. 100 pesos load, kapalit ng paghawak sa breasts ko sa labas ng damit. If he wanted to suck them kailangan 500 na. Dagdag 300 sa limang minutong 'momol', at kailangan may 1,000 cash na kung gusto n'ya ng all the way.

Para makatulong sa pagkain sa bahay, nakipag-secret relationship kuno ako sa magtitinda ng karne sa amin. Secret lang kasi may asawa s'ya. Ok lang naman sa kin 'yun dahil ayoko naman talagang makipagreslayon sa kanya ng totohanan. Habol ko lang talaga ang kilo-kilong karne at kaunting perang pambili ng bigas linggo-linggo. It may sound cheap to some, pero walang cheap-cheap sa isang taong nagugutom. Ok naman siya kahit malaki rin ang agwat ng edad niya sa akin. Walang arte. Basta maka-shoot lang s'ya sa akin, kahit anong position, kahit pasimple lang sa isang sulok ng malansang palengke, bigay lang s'ya ng bigay bawat hingi ko.

Kasabay nila, 'yung kaklase kong mayaman sa highschool. Kapalit ng sex, ibinibigay n'ya sa akin ang kalahati ng allowance n'ya. May girlfriend siya na ka-edad din namin, pero dahil hindi pa raw handa si babae, ako ang ginawa n'yang praktisan. Ok lang naman sa akin. Napaguwapo naman kasi nito at magaling sa kama. Nag-e-enjoy na ako, nagkakapera pa ako. Dahil sa kanya, nakaipon ako ng pera para nakapag-enroll ako sa P.U.P.

Nasa college na ako nang ma-meet ko 'yung una kong naging legit boyfriend. Let's call him Sic dahil kamukha n'ya 'yung writer na si Sic Santos. Kaso, minalas talaga ako ng todo sa kanya. Bukod kasi sa mahirap lang din s'ya tulad ko ay nanakit din s'ya. Binubugbog n'ya ako kapag nagseselos s'ya. Hindi ako maka-raket dahil sa pagiging possessive n'ya. Kaya para makatakas sa kanya, huminto ako sa pag-aaral at lumipat ng matitirahan. At dahil wala akong ginagawa at trabaho, pinasok ko ang pagiging female escort.

Dahil first time kong mabayaran ng malaking cash for sex. Hindi na ako pumasok sa school. Kumayod na lang ako nang todo at patuloy na nag-invest sa hitsura ko. Wala akong tinanggihan kahit na pangit, matanda, bastos at sadista. Basta malaking magbayad, ok lang. Swerte ko kapag pulitiko, bukod kasi sa mas malaki ang bayad, parating sa magagandang rest house nila ako dinadala.

Twenty-five years old na ako nang nakabili ako ng bahay at sariling sasakyan, kaso, nagkaroon ako ng mabigat na problema. Nagkasakit ako. A sexually transmitted one. Sa sobrang dami ng nakakatalik ko na walang proteksyon, hindi ko sigurado kung sino ang nakahawa sa akin.

Ang gusto kong ikumpisal sana sa 'yo ay ang pansamantalang kabaliwan ko dulot ng matinding depresyon. Kakaalam ko lang na may sakit ako, nagalit ako sa Diyos at sa mundo. Sinisisi ko ang Diyos dahil sa klase ng buhay na meron ako nung bata pa ako. Bakit kasi may mahirap? Bakit may mayaman? Bakit may sobra sa pagkain at mayro'n ding kulang? Bakit gano'n? Hindi pantay...hindi patas? Kaya bilang resulta ng aking poot, may tinukso akong Pastor. May asawa ito at mga anak. Alam kong may sakit ako nang nakipagtalik ako rito. Nahawa s'ya sa akin. Nahawa naman ang asawa n'ya dahil sa kanya. Lingid sa kanya, kinakaliwa rin pala s'ya ng asawa n'ya kaya nahawa rin 'yun na malamang ay nakahawa rin sa iba pa. Nagsisisi ako sa ginawa ko, pero sa halip na mag-sorry ako nang harapan sa kanya, nagpakalayo-layo muna ako bago ako nagtapat. Galit na galit s'ya. Dahil sa nangyari naghiwalay sila ng asawa n'ya. Nasira ang pamilya n'ya, gayun din ang misyon n'ya. Hindi ko alam kung mapapatawad pa n'ya ako bago ako mawala sa mundo. Sana mapatawad din ako ng lahat ng mga nahawahan dahil sa akin. Kung hindi man, mauunawaan ko.

[End of Confession]

***

Author's note

Khate submitted this confession with permission to publish in 2015. She passed away in June 2016 due to respiratory complications.

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Untamed Confessions [R-18]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora