046 - Ang Takot ni Mr. Kalikot

33.8K 438 34
                                    

Confession by Benny

Hindi ako good boy. Isa akong tipikal na lalaki na sabihin na nating mahilig pero ayaw ng commitment--kahit sa asawa. Oo, may asawa na ako pero meron din akong mga flings. 'Yung iba, kalandian lang pero walang sex. May iba rin naman na 'yung relationship namin ay para lang magtirahan. May iba naman na raket lang kapalit ng iba't ibang pabor. Katulad na lang sa boss ko kung saan ako nagtatrabaho bilang driver slash mekaniko slash taga-kalikot ng...alam n'yo na.

Napakasarap kasi ng sex 'no? Kaya kahit ganito ako kagago, abot-abot ang pasasalamat ko sa Diyos dahil ginawa niyang masarap ang sex (kung gugustuhin), 'yun nga lang, dahil nakaka-addict ang pakiramdam ng ma-high sa climax, pinaka-madalas itong naabuso ng mga tulad ko para gumawa ng kasalanan. Lalo na kung may misis kayo ng tulad sa 'kin na bukod sa bungagera at demanding, tamad pang maligo. Mahal ko naman ang asawa ko pero tao lang naman ako 'no? Siyempre, kung sex ang usapan, masarap ka-sex 'yung mabango at hindi naglilimahid. At sa ikli ng buhay ng tao, ayokong aksayahin ito sa pagtitiis sa asawang hindi man lang magawang magsuklay para sa akin, tulad ng pag-aayos ko sa sarili ko para laging maging presintable ako.

Sa dami na ng sexperiences ko, hindi ko na iisa-isahin pa lahat. Ang ikukuwento ko lang ay itong pinakakakaiba at wild sa lahat na hindi ko malimot-limutan. Ang Untamed Confession ko ay 'yung karanasan ko nung ipinagmaneho ko ang boss kong babae papunta sa Laguna. Siyempre, dahil out of town 'yun, kasama na ro'n 'yung pag-stop over namin sa resthouse n'ya ro'n kung saan sinerbisyuhan ko rin s'ya sa kama kapalit ng bonus sa sweldo. Wala naman problema sa akin kasi kahit na may edad na ito ay ubod pa rin naman ng sexy at napakabango lagi. In short, kahit nga libre papatulan ko s'ya. Bonus na bonus lang talaga na binabayaran niya ako. Sino ba naman ako para humindi. Maganda naman siya at amoy mayaman. Kulang lang talaga ito sa hagod ng asawa n'ya na laging nasa ibang bansa para sa kanilang mga negosyo roon.

'Yung resthouse n'ya sa Los Banos ay isang resort, kung saan tumatanggap din siya sa pamamagitan ng mga tauhan n'ya ng mga taong gustong rentahan ang lugar para sa mga overnight outing and swimming. Napakalaki nito. Mayro'n itong bahay, dalawang cottage at tatlong swimming pool sa iisang compound lang. Naroroon kami sa bahay habang 'yung isang pamilya na nag-o-overnight ay naro'n naman sa isang cottage noong araw na 'yun. Puro stay-out naman ang mga tauhan n'ya kaya solong-solo namin 'yung bahay.

Madaling araw matapos kong pabagsakin sa sobrang pagod ang amo ko, hindi pa rin ako pagod. Medyo bitin nga ako dahil puro himod lang ang ginawa ko sa kanya at hindi man lang ako nakatusok. Hindi ako dalawin ng antok dahil sa sakit ng puson kaya napagdesisyunan kong manigarilyo muna sa balkonahe para magpalipas ng init na hindi ko nailabas.

Sa balkonahe, natatanaw ko 'yung cottage ng mga guests na nagsu-swimming pa rin kahit gabi na. Natanaw ko ang mag-asawa at apat nilang anak na isang dalaga, isang binatilyo, at dalawalang kambal na lalaki.

Habang nakatambay sila sa pool napansin ko 'yung dalaga nila na nakatingin sa akin sa malayo. Agad naman akong tinablan nang mapansin kong naka-two piece ito sa ilalim ng basang puting t-shirt nito. Noong una, pasulyap-sulyap din lang ako at pangiti-ngiti hanggang sa isa-isa nang pumasok ang mga kapamilya n'ya sa cottage, mapuwera sa kanya.

Nung siya na lang ang natitira sa pool, nagulat ako nang marahan itong umahon at kinawayan ako na tila nanunukso habang naglalakad ito patungo sa hardin ng main house. Nasa hardin na ito nang muli itong kumaway sa akin at naging hudyat naman sa akin na puntahan na s'ya nang magtanggal na ito ng basang t-shirt n'ya at 'yung piece na nakatakip sa dibdib n'ya.

Walang salitaan, pagbaba ko palapit sa kanya sa hardin nagsalubungan agad kami. Walang pasakale, naghalikan kami roon at nagkapaan ng aming mga katawan. Pero dahil natatakot din naman ako na mahuli ng amo ko ay hinatak ko ito sa gilid ng bahay kung saan walang bintana.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now