042 - Alas ni Mr. Balasubas

39.5K 712 113
                                    

Confession by Minette

Hello. Isang buwan din akong umiwas sa kape para mabawasan ang kaba ko. Ilang beses ko nang tinangkang ikwento 'to sa ibang tao, pero natatakot akong mahusgahan kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Medyo nakakahiya po kasi ito kaya itago n'yo na lang po ako sa pangalang Minette.

Call me Minette. Twenty-three years old lang po ako ngayon. Unfortunately, medyo maaga akong lumandi kaya seventeen pa lang ako ng isinuko ko ang aking bataan. At sa lahat pa ng taong mapipili kong mag-pop ng aking cherry, ay 'yun pang taong kinaasaran ko.

Tawagin na lang natin s'yang Mr. B...as in, Balasubas. Isa itong tambay sa amin na mahigit sampung taon ang tanda sa akin. Inis na inis ako sa kanya dahil lagi nito akong inaasar. Medyo chubby po kasi ako at siya naman po ay isang dakilang pinatsero.

"Hi Miss Piggy." 'Yun ang parati n'yang pang-asar sa akin at pagkatapos ay sisipulan naman ang mga payatot na babaeng either asa unahan ko, sa tabi ko o sa likuran ko. In short, he made me feel so ugly and undesirable. Dahil doon, na-depress ako. Sobrang nako-concious ako sa timbang ko. Though sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na hindi naman daw ako ganun kataba--na voluptuous daw ang tawag sa akin dahil may korte naman ako, sobra pa rin ang insecurities ko. Bagsak na bagsak din ang self-esteem ko kaya pati personality ko at pakikipag-socialize ko sa tao, naapektuhan. Umiwas na ako kay Mr. Balasubas. Hindi na ako dumadaan sa kalyeng tinatambayan n'ya at I made sure na hindi n'ya ako makikita at least...hanggang sa pumayat na ako.

Because of Mr. Balasubas, naging determinado akong magpapayat. Kaso, tamad akong mag-exercise kaya idinaan ko na lang lahat sa pagbabawas ng pagkain at pag-inom ng tsaang pampapayat. Hirap na hirap ako at nanghina pero ok naman ang naging resulta. Pumayat ako though marami ang nagkumento na masyado naman daw yatang biglaan kaya parang nag-iba ang hitsura ko. Parang tumanda raw ako nang 5 years at naging mukhang putlain.

"Minette? Ikaw ba 'yan?!"

Gabi noon at kagagaling ko lang sa OJT. Hindi 'yun ang kalyeng tambayan ni Mr. Balasubas kaya nagulat ako nang bigla itong lumitaw.

Kinabahan ako sa biglang pagsulpot n'ya, pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hey." Sinabayan n'ya ako sa paglalakad. Hinihila n'ya ang dulo ng right sleeve ko. "Bakit dito ka dumadaan? Malayo ang kalyeng 'to sa inyo ah."

Hindi ko pa rin ito pinansin.

"Long time no see, tatlong buwan din kitang hindi nakikita ah. Akala ko, nagbakasyon ka lang, nag-iba ka na pala ng dinadaanan."

Paliko na ako sa susunod na kalye, pero hindi ko rin ito pinansin.

"Pinagtanong-tanong na nga kita, sabi ko kina Dennis, 'nasaan na kaya si Miss Piggy?' parang hindi ko na nakikita."

'Miss Piggy' bansag na sobrang sakit sa pandinig ko. Dahil doon, hindi ko na mapigilan ang mag-react. Huminto ako sa paglalakad at itinulak ko s'ya...

"Bulag ka ba?! Tingnan mo nga ang hitsura ko!" Sigaw ko. Nanginginig ako sa pagpigil sa pag-iyak. "Payat na ako 'di ba? Anong Miss Piggy pa 'yang pinagsasabi mo r'yan! Nakakapikon ka na ah!"

Halatang nagulat s'ya. 'Yun kasi ang kauna-unahang beses na nagtaray ako sa kanya. "Oo nga eh. Kaya nga hindi kita nakilala agad!" Tatawa-tawa ito kaya lalo akong nainis.

Gusto ko siyang murahin pero mas minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko at saka ako patakbong humangos sa bahay namin.

"Hey, Minette, sandali!" Pagtawag niya pero hindi ko na ito nilingon.

Buong gabi ako umiyak. Nagkulong lang ako sa kuwarto ko at hindi na kumain ng hapunan.

"Kulang pa ba?" bulong ko sa sarili ko. "Dapat ba magbawas pa ako para mawala na 'yang Miss Piggy sa palayaw ko?!"

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now