015 - Lucas' Bet

40.9K 680 17
                                    

Confession by Mikaela

May co-worker ako na sobrang suplado. Isa s'ya sa mga higher officers ng kumpan'ya na medyo nangingilag akong lapitan. Bukod kasi sa may kasungitan ito, very intimidating 'din ang personality n'yang may pagkastrikto at bihirang ngumiti.

May hitsura naman s'ya, matangkad at may katamtamang laki ng pangangatawan. Marami rin naman ang may crush sa kan'ya sa opisina, though they all share the same sentiment...he's not very approachable ate all. S'ya 'yung tipo ng tao na hindi mag-aalinlangang sungitan ka o kausapin ka nang may halong sarcasm kapag medyo sablay ang approach mo. Lalo ba kung hindi n'ya nagustuhan ang sinabi mo.

There's no point to lie since this is a confession. Kaya, hindi na ako magsisinungaling na amining sobra... as in bongga ang pagkagusto ko sa kan'ya. I don't know of you'll find my behavior troubling, pero na-o-on din ako sa kasungitan n'ya. Mas hot ang tingin ko sa kan'ya kapag, sumpong na sumpong ito sa kan'yang pagsusuplado. You may also find it disgusting if I tell you, na nag-uumapaw din ang sexual attraction ko sa kan'ya to the point na, napapa-masturbate na ako--kahit sa banyo ng office, kapag naamoy ko s'ya, nakasalubong--nakabunguan, nakatapat, nakatabi, at higit sa lahat, kapag nakausap. May mga pagkakataon nga na daig ko pa ang kumukulong tubig sa sobrang pagtaas ng temparatura ng aking katawan. Meron din namang chance na pinagpapawisan o binabanas ako kahit malamig naman ang aking kinaroroonan.

Baliw. 'Yun na talaga ako sa kan'ya noon. Bagay na hindi ko namalayang may iba na palang nakahalata. Si Lucas, ang supervisor ko na bagama't alam kong may gusto sa akin ay hindi naman nanliligaw sa akin

"Bakla 'yan." Pabulong na kant'yaw n'ya sa akin nang minsang mahuli n'ya akong nakatingin sa crush ko.

"Anong pinagsasabi mo d'yan?" Inismiran ko ito.

"Hindi ako bulag, alam kong kursunada mo si Jonas, pero bakla 'yan, maniwala ka."

"Pa'no mo naman nasabi 'yon?"

"Basta, alam ko. Bakla 'yun."

"May ebidens'ya ka?"

"Wala. Pero alam ko, matalas ang pakiramdam ko."

"Inggit ka lang dahil mas cute sa 'yo 'yung tao."

"O di inamin mo rin na cute rin ako."

Sinamaan ko s'ya ng tingin bago ko s'ya tinalikuran. He'a actually right. May hitsura rin naman s'ya.

***

Company outing, which I thought was the time for me to relax and have fun, turned out to be the most stressful moment for me. Lalo kasing naging wild ang pagliliwaliw ng isipan ko, dahil I couldn't divert my attention to something that could keep my mind occupied. As a result, s'ya lagi ang iniisip ko, at dahil kasama rin s'ya, lalo na akong naturete at nataranta. Beach resort pa naman ang pinuntahan namin kaya halos tumulo ang laway ko when I saw him wore nothing but his swimming trunks.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2016, All rights reserved.

What's the worst part when you badly want someone and he's within sight? Ang sagot... 'Yung natatanaw mo nga s'ya, pero hindi mo naman s'ya mahawakan; 'yung nakikita mo nga s'ya pero hindi mo naman malapitan. Parati n'ya kasing kasama ang mga big bosses ng kumpan'ya, napaka-epal ko naman kung makiki-feeling close ako sa kanila para lang nakasama s'ya.

"Anong sinisilip mo d'yan?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Lucas sa aking bandang likuran. Nahuli kasi n'ya akong sumisilip sa bintana ng cottage ni Jonas, kinagabihan.

"Shhh!" Ipinatong ko ang aking hintuturo sa aking labi.

"Naninilip ka 'no?" Naaaninag ko ang pagngisi n'ya kahit na madilim na. May mga poste rin naman kasi ng ilaw sa 'di kalayuan.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now