001 - Balot ng Pagmamahal

155K 1.3K 295
                                    

Confession by Roxxy

Kakaiba. 'Yun na nga siguro ang mainam na pang-uri sa isang katulad ko kung ikukumpara ako sa mga kapatid ko at mga kaibigan.

Kakaiba, hindi dahil ako ang pinakamaganda, o pinakamatalino, o pinakamagaling.

Kakaiba, dahil ako ang kabaliktaran.

Ang totoo, hindi naman talaga sana magiging issue sa akin kung hindi man ako kasingganda ng mga kababaihang nakapaligid sa akin. Naging problema lang ito nang sumapit na ako sa edad na may pangangailangan ako na gusto ko nang matugunan.

Noong una, naghahanap lang ako. Lalo na nang magkanobyo na ang lahat ng mga kapatid ko. Ang paghahanap ay napalitan ng pagkainip, matapos dumating na sa puntong nagsipag-asawa na ang mga kaibigan ko. Ang pagkainip ay napalitan ng pakainis at kawalan ng kapanatagan; pilit na isinisisi ang aking super intact virginity sa aking kaanyuan.

Inaamin ko naman na hindi ako kagandahan, pero hindi naman daw ako pangit. At alam ko naman na medyo chubby ako, pero may hugis pa rin naman ang katawan ko. Wala naman akong ambisyong maging maganda, simpleng tao lang naman kasi ako, pero dahil walang nagkakagusto sa akin, napipilitan na rin tuloy akong mag-ayos.

Gumastos na ako para gumanda nang kaunti, pero ewan ko ba, mukha nga yatang kahit anong ganda ko, kung wala naman akonh sex appeal, balewala rin. Nakapustura na ako araw-araw, nagpa-rebond ng buhok, bumibili na ng whitening regimens-para naman pumuti nang kaunti ang aking kayumangging balat, nagkontodo make-up na rin ako at pabango, pero tila nasasayang lang naman ito dahil wala namang effect ito sa mga lalaking nakakasalamuha ko. Dumating na nga ako sa punto na ang pakiramdam ko, ang lahat ng mga babae maganda, mapuwera sa akin; na lahat sila yummy at 'fuckable' mapuwera sa 'kin.

P'wede niyo akong pagtawanan, ok lang. Alam ko naman na wala na yatang mas pa-pathetic pa sa isang taong nangangati pero wala namang gustong kumamot para maibsan ang kaniyang pangangati. Nakakahiya ngang aminin na kung minsan, sinasadya ko na lang magpagabi sa daan, sa pagbabakasakaling may magtangkang gumahasa sa akin sa daan.

Walang s'werte. At wala na yatang mas nakakainis pa kung ang walang s'werteng ito'y isang babaeng walang sapat na kagandahan para mapagnasaan. Wala na yatang mas nakaiilang pa sa mga nadadaanan kong pedicab drivers na kinakantiyawan lang ang maikli kong kasootan at porma.

"Masarap ang Crispy Pata!" Sabi nila, "pero mas masarap kung hindi negra."

Wow! Porke't hindi maputi, negra na? Hindi ba p'wedeng kayumanggi lang? Porke't hindi ako kasingpayat ng kalansay-na itinuturing na sexy sa panahong ito, comparable na sa baboy ang hitsura ko?

Buwisit na buhay talaga! At nakakaiyak na talaga ang buwisit na buhay ko na ito. Heto namang mga magulang ko'y walang hinto sa pagtatanong sa akin kung kailan ako mag-aasawa. Hindi ko na rin tuloy napigilang isisi sa kanila kung bakit hindi ako ipinanganak na maganda. Pakiramdam ko, ako na ang pinakapangit na babae sa buong mundo. Kahit nga yata ang marurungis na magbobote, hindi ako pinapansin; gayun din ang mga taong grasa na tila umiiwas pa sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" tinig 'yun ng isang lalaki habang nagmumukmok ako sa bench sa isang park.

Tiningnan ko ito. Isa itong lalaking may dalang basket ng balot. Umupo ito sa aking tabi.

"Wala." Pinapahid ko ang mga luha ko.

"Wala? Ibig sabihin ba no'n baliw ka?" humalakhak ito. No'n ko unang nakumpirma na bungi ito. Hinagod ko ito ng tingin. Maitim ito, payat at puro tigidig ang mukha.

"Anong baliw?" inirapan ko ito.

"Baliw lang kasi ang umiiyak sa park sa disoras ng gabi nang wala namang dahilan." Nakabungisngis ito na tila proud na proud pa sa nawawalang dalawang ngipin sa unahan.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now