011 - Miss Promiscuity

47.6K 750 106
                                    

Confession by Wilhelm

I'm on top of our batch in high school. I am more than focused on my academics; it is my life. Kaya habang nagpapabandying-bandying-at mahilig sa good time ang mga ka-edad ko, ako naman ang isa sa iilang lalaki sa school namin na parating laman ng library.

Wala akong panahon sa mga babae; wala rin akong panahon sa pagbubulakbol. Wala akong destinas'yon kundi school at bahay, na hindi ko naman malaman kung bakit ito rin ang naging issue sa akin ng aking mga magulang.

"Anak, ok lang naman kung 'ano ka' tatanggapin ka pa rin naman namin." 'Yun ang parating pagpaparinig sa akin ni Mama.

"Anong 'ano'?!" Nang hindi ko na natiis ang sumagot.

"'Yung 'ano' 'yung...gay?"

"What?!"

"You're not gay?!" Tila gulat na gulat si Mama.

"What makes you think I'm gay?!" I am definitely irritated.

"Pa'no kasi anak, sixteen ka na, parang wala kang naikuk'wento sa amin ng Papa mo na crush mo man lang na girl sa school."

"Are you really my parents?!"

"What kind of question is that?"

"Di ba dapat ang parents mas strict sa mga anak kapag bata pa? As you've said, I'm only sixteen...I'm not even eligible to vote yet, and you want me to have a what? A crush? Ano, para masira ang pag-aaral ko? Bakit? Mas gusto n'yo bang dropout na lang ang naging anak n'yo kaysa first honor?"

"Hindi naman sa gano'n anak. Siyempre, proud naman kami na disiplinado ka sa pag-aaral mo. Nagwo-worry lang kami ng Papa mo, na baka ma-burnout ka na at makalimutan mo na ang kabataan mo."

"Tsss." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko, "Don't worry Mama, bukas na bukas din, hahanap ako ng babaeng bubuntisin ko para maiuwi sa inyo." I know that was sarcastic, but I can't help it.

***

"Bakla ka nga siguro no?" Humahagikhik na kantyaw ni Vina; ang ka-batch kong mula first year high school pa lang ay wala nang ginawa kundi sundan ako at abangan kung saan man ako magpunta.

A creepy stalker, that's what she is; she and her friends, na tulad n'ya ay wala nang ginawa kundi ang magpaganda, pumorma at rumampa sa corridor para lamang masipulan ng mga lalaking atat na atat sa kanila.

"Bakit Wil? Hindi ka ba nagagandahan sa legs ko?" Ipinatong n'ya ang kanyang kanang binti sa aking kandungan. Agad ko rin naman itong tinanggal. Umipod ako papalayo sa kinauupuan naming bench. Humalakhak ito at tila nang-iinis na muling dumikit sa akin. "Ano ba 'yang binabasa mo? Mas maganda ba talaga 'yan sa boobs ko?" Halos isalampak na n'ya ang kanyang dibdib sa aking mukha.

Itinulak ko s'ya; napaupo s'ya sa tabi ko."Will you leave me alone?"

Muli n'ya akong diniktan, "Ano ka ba naman Wil, hindi ko naman hinihingi na maging tayo, di ba? Ok lang naman sa akin kung, gay ka nga talaga. Ang gusto ko lang naman eh-"

"Stop!" Iniharang ko na ang palad ko sa mukha n'ya para mainsulto naman s'ya, "Don't even dare to mention that again. The answer is, no! Bakit ba ako ang kinukulit mo? Marami naman tayong ka-batch na laway na laway sa 'yo, ba't di na lang sila? Leave me alone!"

Tinabig n'ya ang kamay ko, "Eh ikaw nga ang gusto kong makauna sa akin eh. Sige na please, one time lang."

"Can you hear yourself? Sixteen ka pa lang, gusto mo nang ipamigay 'yan?! At sa lahat ng pagbibigyan mo, 'yung taong ayaw pa sa 'yo? Sorry ha? Napipikon na kasi ako sa 'yo, kaya pa-prangkahin na kita. Kung may babae rin na gusto kong makauna sa 'kin, hindi ikaw 'yun, kaya pasensya na. Ipakamot mo na lang 'yan sa iba." Kinuha ko na ang bag pack ko, tumayo at nag-umpisang maglakad papalayo.

Untamed Confessions [R-18]Where stories live. Discover now