PROLOGUE: ( Chase )

3.4K 96 0
                                    

DISCLAIMER!

All the characters in this novel have no existence what so ever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention. This is an original work by melrobhies. I made a video for this story by the way. The video below is originally made by me.

🖤🖤🖤


PROLOGUE: ( Chase )

Third person.

TAGAKTAK ang pawis ni Ashlen
habang tumatakbo siya sa gitna ng gubat. Napapikit siya ng mariin at pinipigilan ang mga daing na kumakawala sa bibig niya sa tuwing dumidikit ang mga matutulis at maliliit na sanga sa kaniyang balat.

Wala siyang pakialam sa mga natatapakan, basta ang tanging nasa isip niya lamang sa mga oras na 'yon ay ang makatakas siya mula sa hindi kilalang nilalang na humahabol sa kaniya ngayon.

Alam din niyang hindi malabong magkaroon siya ng sugat sa paanan lalo na't wala siyang kahit anong suot na tsinelas.

Bigla niyang naalala kung ba't nga ba nangyayari 'to sa kaniya. As far as she remembered, ang alam niya ay nagpunta lang naman siya sa islang hindi pamilyar sa kaniya para sana sa magandang tanawin na kukuhanan niya ng litrato at para ma-exhibit na niya sa darating na photographing contest.

She is a professional photographer. And she need to explore unique places to discover a new inspiration that can portray her own image portrait. Isa pa, malaki ang pera kung posibleng mananalo siya para sa makakain nilang mag-ina, but now what happen? Hinahabol siya ng napakabilis na nilalang at dinaig pa ang kidlat sa bilis ng galaw!

"Argh!" napadaing siya sa biglaang pagtapilok at pagkawalan niya ng balanse. Napatingin siya roon habang naghahabol hininga. Bumibilis na din ang tibok ng puso niya dahil sa sobrang kaba.

Napalunok siya ng makita ang mga sugat niya sa bawat paanan niya. Dahil siguro sa takot at kaba niya ay hindi na niya naramdaman ang mga nagkakasugatan niyang mga balat at paa.

Napalingon-lingon siya ng biglang umihip nang malakas na hangin. She wet her dry lower lip before started to stand slowly. Napaika pa siya sa sobrang sakit at salamat na lamang dahil sa pader na hiningan niya ng suporta sa pagtayo.

'Wait... Pader? Kailan pa nagkaroon ng pader sa gubat?' aniya sa isipan.

Nanginginig siyang nag-angat ng tingin at nilingon ang nasa gilid niya. Nanlaki ang mata niya sa lalaking na sa harapan niya ngayon.

Tiningnan niya ang mukha nito bago ay napalunok. Iyong takot niya ay bigla na lamang nawala dahil sa itsura ng kaharap niya.

'Gosh! He's so damn handsome! Mapapamura ka talaga sa kagwapuhang taglay niya! Putik!' Napabalik siya sa huwisyo bago ay napakurap. 'Putik, Ashlen! Tatakbo ka dapat! Na sa harap mo na ang demonyo! Hindi yan anghel!'

"Tulong!" mariin at malakas niyang sigaw bago ay akmang tatakbo pa sana siya ng paika-ika ng biglang umikot ang paningin niya.

Nanlaki ang mata niya sa gulat at mabilis na pinalo ang likod ng lalaki na umakay sa kaniya at buong puwersang nagpupumiglas siya.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now