CHAPTER 33: ( October 7? )

568 39 0
                                    

CHAPTER 33: ( October 7? )

Ashlen POV.

LIMANG-araw na ang lumipas at sa sunod-sunod na araw na iyon ay masasabi ko na lamang na mas lalong naging sweet sakin si Drake.

And I can't stop my smile while remembering how his cute while he took caring me. Lalo na sa panahon ng nireregla ako. Funny right? Pano pa kaya kung magka baby na kam—Putik! Naalala ko na naman 'yung sinabi niya

Let's make love.

I shrug my head. Oo, inaamin ko na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kaniya. And I can't deny the fact that I already have crush on him, kahit na mag-asawa naman kami.

Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Drake Jr. Montefalco? Ang bampirang isip bata na hindi ko aakalaing darating sa buhay ko.

He's maybe a Vampire pero hindi na kailanman ako naging takot sa kaniya. I felt comfortable in his arms. Napagtanto ko rin na hindi siya tulad na inaakala kong napaka-inosente. Sometimes, napapalo ko ang bibig niya sa paminsan-minsang pagmumura niya. Lalo na ng lumabas sa bibig niya ang mga katagang medyo may kabastusan.

Sa nakalipas na apat na araw ay hindi na kailanman kami nag-aaway ni Drake, pero paminsan-minsan ay nagtatampo ito, and its good tho. Basta hindi kami nag-aaway.

Ang Mama ko din ay hindi na nababahala. Ang sabi niya ay kapag kasama ko lang daw si Drake ay hindi na siya mag-aalala sakin. Kahit raw na okay lang kung hindi na ako umuwi sa bahay. Putik talaga si Mama!

Napaigtad ako ng maramdaman ang dila niya sa leegan ko. Tiningnan ko siya ng masama. He just pouted and hug me even more. Isiniksik pa niya ang mukha niya sa leegan ko.

Napabuntong hininga ako sa ginawa niya. Also, hindi ko alam na magiging komportable ba ako sa paraan ng ginagawa niya tulad na lamang ng ngayon at ng dati.

Napapansin kong palagi na lang niyang dinidilaan ang leeg ko at paminsan-minsay kinakagat pa niya ito ng bahagya at sinisipsip. Mabuti na lamang at mabilis ko itong masita. I didn't know kung naging hobbies na ba niya iyan o kung ano?

"Wife, didn't you remember something?"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Napaayos ako ng upo sa sofa at nilingon siya. "May dapat ba akong alalahanin? Wala naman akong nakalimutan. Ano ba 'yon?"

He pouted while looking at me. I can see the sadness in his eyes. Mas lalong napakunot noo ako.

"Wala ka ba talagang naaalala? Didn't you know something about this day?" segunda pa niya.

Umiling ako. Nabigla ako ng nagsimulang nanubig ang mga mata niya. Kumaba ang pakiramdam ko sa reaksiyon niya.

"Ano nga sabi? Wala naman talaga, ha?"

"W-what day is today?"

Napa-isip ako ng bahagya. "October 6?"

"At bukas?"

"October 7!" deritsang sagot ko.

Bigla itong ngumiti na ikinangiti ko din. Iyon lang pala ang nakalimutan ko? Haha, ang babaw naman ng rason niya para iiyak agad siya.

He hug me again and kiss my shoulder repeatedly. Napangiti ako do'n. I can also heard my own heart beat.

"Yey! You remember!"

Natawa ako. Kahit naman walang kalendaryo sa palasyo nila, may bagong phone naman si Zeke.

"Oo naman! Sino namang hindi makakalimut ng petsa? Nakikitingin kaya ako sa phone ni Zeke. Bumili kasi siya ng bago matapos mong basagin ang phone niya non," then I chuckled softly.

Nabigla ako ng bigla itong natahimik. Muli ay nilingon ko siya. Nakayuko na ito na muli na namang ikinataka ko.

"Isip bata!" Napaangat ito ng tingin. Nabigla ako ng muli na namang namuong luha sa mga mata niya.

Tuluyan akong humarap at tiningnan siya ng maigi. What's happening on him? Nagiging dramatic na naman siya.

"Y-you, you really dont know... kung ano bukas?"

Nagtagpo ang dalawa kong kilay. Ano ba talaga bukas?

"H-hindi? Ano ba kasi yon?" Nataranta ako ng tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Hindi ako makapaniwala. May nagawa na naman ba akong mali?

"H-hindi mo nga alam. *hik* H-hindi mo alam. *sob*"

"Shh, sorry na... Hindi ko naman kasi talaga alam kong ano bukas. Ba't ayaw mo na lang kasi sabihin? Magkakaintindihan pa tayo..." pinalambing ko ang boses ko. Umusod ako papalapit sa kaniya pero nabigla ako ng lumayo ito sakin.

Parang nasasaktan ako sa simpleng ginawa niyang yon. I look at him directly to his eyes. Nabigla ako ng seryuso ako nitong tingnan.

Pinahiran niya ang tumutulong luha sa maskara niya. Then he look at me seriously again. Bigla akong kinabahan.

"I hate you, Alien!" huling sabi nito bago tumayo at iwan ako dito sa sala.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Putik! Ano 'yun? 'Di ko siya gets.

Napailing-iling akong tumayo mula sa sofa. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin. Nagiging bipolar na naman ang isip batang 'yon!

Tumungo ako sa kusina kung saan naririnig ko ang mga tawa nila. Napatigil sila ng makita nila akong umupo ng walang gana sa upuan. Hayst! Hindi ko talaga siya gets. Ano ba kasi bukas? Isipin mo, Ashlen!

"What's with that face, Ash? Where is Drake?"

Napailing na lamang ako sa tanong ni Syl. Ano ba kasi bukas? October 7?

Dinukdok ko ang ulo ko sa mesa at balisang nag-iisip. Umiiyak kaya 'yon? Bakit hindi na lang kasi niya sabihin? Psh!

"Ano ba kasing mayron bukas?" bulong ko. Napaangat naman ako ng tingin ng bigla na lamang silang lima nagsitawanan. Taka ko silang tiningnan. "Bakit?"

"Is that the reason why Drake isn't with you now? You didn't know what's with tomorrow?" Syl said smirking.

Nagliwanag ang mukha ko. Alam niya? "Ano ba kasing mayron bukas? Sabihin niyo na!" nakabusangot kong sabi.

Napatango sila at muli ay nagtatawanan. Their chuckled are just like a melody to heard, so manly. Ang guguwapo ng mga gung-gung na 'to!

"Really didn't know? October 7... Bukas ang birthday niya, Ashlen," Jayrus said

Napakurap-kurap ako. B-birthday niya bukas?

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now