CHAPTER 14: ( He's leaving me )

634 41 0
                                    

Chapter 14: ( He's leaving me )

Ashlen POV.

NAPALINGA-LINGA ako sa paligid nitong loob ng bahay. Hinahanap ko kasi si isip bata na agad nagwalk-out. Samantalang si bubwit naman ay iniwan ko muna sa kusina.

Napaigtad ako ng may kumalabit sa pang-ibabang shorts ko. Sinundan ko ito ng tingin pababa. Ganon na lang ako nanggigil sa pagpisil ng pisngi niya ng nakangusong tumingin sa'kin si Carl. Si bubwit lang pala.

Natawa pa tuloy ako ng may chocolates pa na natira sa bibig niya. Kinarga ko siya at pinunasan ang kalat sa bibig niya. Bahagya naman itong ngumuso. Nakikita ko na naman sa kaniya si Drake.

"Ateh ganda, galit poh ba akin kuya?" halatang nababahala ito habang tinatanong ang tanong na iyon na agad ko namang ikina-ilingan ng ulo.

"No. Hindi siya galit, okay? Nagpapansin lang 'yon," rason ko dito na agad namang ikinatango niya.

Ang totoo medyo nabigla ako ng sigawan niya ako kanina at talagang sa harap pa ng bata. I wonder kung galit ba talaga 'yon. Dahil lang ba sa hindi ko agad siya nabigyan ng ice cream? Ganon ba 'yon? Ang babaw naman ng rason niya.

"Eh, ba't po siya sigaw akilin?" nalulungkot naman na tanong nito kaya nabahala naman ako.

Mali talaga yong ginawa ni Drake.

"No. Hindi siya galit, okay? Ano kasi... Huwag mo na 'yong alalahanin. Basta hindi siya galit sayo. Mabait si kuya Drake mo," usal ko na ikinangiti niya.

"Drake poh name kuya, ateh ganda?" tanong ulit nito na ikinatango ko ulit. Inayos ko din ang magulo niyang buhok.

"Do you want to play?" pag-iiba ko sa usapan at sa maaari pang susunod niyang mga katanungan dahil sa inasal kanina ni Drake.

Agad naman itong napangiti ng abot tainga kaya pinisil ko uli ang lumulubong pisngi niya na ikina-pout pa niya.

Wahh! Ang cute talaga!

Nagtungo kami sa salas nitong bahay kung saan naroon nilalagay ni mama ang mga laruang pambata ko noon. Luma na ito ngunit malinis ito at safe gamitin sa mga kagayang edad ni Carl.

Binaba ko siya mula sa pagkakarga ko nang narito na kami sa sala. Dali-dali naman siyang tumakbo ng patalon-talon ng makita ang naka-arrange na mga laruan sa isang kabinet.

Hinalungkat niya iyon at kinuha ang mga teedy bear, cars, robot toys at iba pa. Napailing na lamang ako sa kakulitan niya.

Hinayan ko siya at nilibot ko ang sarili kong tingin sa paligid. Napahinto ako ng makita ang T.V kaya napangiti din ako ng abot tainga. Ilang days na din akong hindi nakapanood ng mga teleserye.

Dali-dali akong lumapit sa T.V at binuhay ito saka ko hinanap ang remote nito na agad namang nakita ko.

Naglakad ako papunta sa sofa ng maupo na sana, pero napangiwi ako ng may nakahiga don at nakatalukbong pa ng puting kumot.

Agad ko itong nilapitan, saka pumungko para mapantayan siya. Hinawakan ko ang braso niya saka ito niyugyug.

"Don't touch me!"

Nagulat ako sa sobrang lamig ng boses niya kaya bigla akong kinabahan. I know this is Drake at sa tono ng pananalita nito ay parang nagkasala ako sa kaniya.

"Drake, are you mad?" pigil ko sa utal na tanong ko sa kaniya pero napaigtad ako ng malamig pa din ang pagkasagot nito.

"What do you think?" tipid naman na sagot nito kaya napabuntong hininga ako.

Itinaas ko yung remote at tinutok sa T.V, saka ko muna ito pinatay at hinarap ulit si Drake na nakatalukbong pa din ng kumot.

"Ano namang ginawa ko?" tanong ko pabalik na ikinabalikwas niya ng kumot.

Tiningnan ako nito ng malamig na ikinalunok ko. He's staring at me like I was a stranger for him and even don't care about me.

"I'm going back to my world, I'm going back to the island," malayo niyang sagot sa'kin na ikinakaba ko.

So, iiwan niya ako dito? Kakadating lang namin, pero babalik na agad siya sa isla?

Oo, inaamin ko na noon sa sarili ko na ayaw ko talagang maisama siya, but now I'm feeling scared knowing that he'll going to leave. I feel safe kapag kasama ko siya, but now aalis siya. Ganon na lang? After all I did na nagpaka-under lang ako sa kaniya para lang sumama siya. So unfair, Drake!

"A-aalis ka ba t-talaga?" lungkot at utal na aniya ko dito habang nakatingin lang ako ng deritsu sa mga mata niya at ganon din siya. Kita ko ang walang emosyon at lamig doon kaya napaiwas ako ng tingin. "Pero kakarating lang natin sa mundo ko tapos aalis ka?" dugtong ko pa habang umiiwas ng tingin sa mga malamig na titig niya. Nakaupo na ito at kaharap ko siya ngayon.

"That's what you want right? Without me. And now you're free," dahil sa sinabi niya ay mas lalo lamang kumabog ang dibdib ko ng sobrang bilis dahil bigla na din itong tumayo at kinuha ang coat niya na nasa gilid ng sofa.

Nanginginig din akong tumayo at tumingin lang sa kaniya na sinusuot na ang itim niyang coat.

"D-drake... B-ba't ka ba aalis?" kabadong tanong ko.

Is this it? Aalis siya ng ganon-ganon lang? Paano kung totoo 'yung sinabi ng mama niya na babalikan at baka madamay ako at baka pati na din ang mahal ko sa buhay dahil sa nabanggit na Supremong 'yon?

"D-drake..."

"You're free, Ash," huli nitong aniya saka biglang nawala sa harapan ko.

Napaupo ako sa sofa ng nakatulala at balisa. Parang feel ko nadudurog 'yung puso for unknown reason. Nilingon ko si Carl na masayang naglalaro pa rin. Ibinalik ko ang tingin sa kinatatayuan ni Drake kanina.

Bigla na lamang nanlumo ang paningin ko sa luhang nakatipon na pala sa mata ko ng hindi ko namamalayan.

Napailing ako at nakagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagabagsak ng mga ito, pero hindi ko kaya...

I was sobbing and crying looking down on the floor. I hate you
Drake! You leave me without any valid reason. Kala niya ba ganon lang kadali 'yon? No! Para sa akin hindi! Hindi pa ako nakabawi sa kaniya! In-under niya ako noon sa mundo nila at pati dito sa bahay. Siya din ang dahilan kung bakit nasalubungan ako ng maraming utos ni mama!

Napatawa ako ng mahina na parang baliw sa aking mga inisip. At sa panglimang beses may tumulo na namang butil na luha sa mga mata ko.

Ba't ko ba siya iniiyakan? He's just a childish Vampire whom brought me in this kind of situation!

Oo, siya lang naman ang bampirang isip bata na minsang nakilala ko sa maikling panahon. Kung saan wala siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako, awayin, i-under. Tapos ngayon? Babalik na siya doon at hindi ko na ulit siya makikita? D*mn it!

'Walanghiya ka Drake! Huwag mo naman akong iwan o!' sigaw ko sa isapan ko at mas dumami pa ang nagbabagsakang luha ko.

Wala pa nga sa isang minuto ang pag-alis niya ay namiss ko na agad siya. How dare you to leave me, Drake!

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now