CHAPTER 9: ( She's under )

810 46 0
                                    

Chapter 9: ( She's υnder )

Ashlen POV.

NAALIMPUNGATAN ako ng may naramdaman akong kiliti sa may bandang leegan ko, kaya agad akong nagmulat. Ganon pa din ang puwesto namin, ngunit ako ay nakahiga na sa malambot na kama at siya naman ay nasa taas ko.

Wait? Nasa taas ko?

Agad ko siyang tinulak na sumisimhot pa sa leegan ko. Kita ko namang agad siyang napa-upo at masama akong tingnan.

Inirapan ko lang siya saka tumingin sa wall clock na naka sabit sa wall nitong kuwarto niya. Its already
3:00 in the afternoon. Wala man lang gumising sa'kin? Tsk!

"Wifey..."

Napabaling naman ako ng tingin sa kaniya na ngayo'y naka-pout. Hindi ko siya pinansin at agad akong bumaba sa kama niya, pero napatigil ako ng magsalita siya.

"Ayaw ko pa 'din punta sa mortal world."

Napaharap ako sa kaniya ng wala sa oras, na siya naman ay naka-crossed armed at nakabusangot ang mukhang nakaiwas tingin sa'kin.

G*go to, ha? After ng ginawa ko? LAHAT?! Papaasahin lang ako?!

"Alam mong isip bata ka, kairita ka din, anoh?" inis kong sabi dito sabay lapit at tiningnan siya ng masama.

Tumingin din naman siya sa gawi ko. "Payag ako, but if you're going to do what I want," naka-puppy eyes na saad niya kaya napa-iwas ako ng tingin.

So, ganon? Ba't ang daming pasikot-sikot? Sila nasusunod, ako hindi.

"Che! Ano na naman yan?!" sabay balik ng tingin ko sa kaniya na ngayo'y naka ngiti na ng abot tainga. Aba!

"Hmm... Simple, wife. Dapat sweet ka sa'kin, dapat hindi mo ako pagalitan, dapat hindi mo ako away, dapat palagi kang nasa tabi ko," nakangiti nitong saad sabay talon-talon sa kama habang naka-upo.

"Aba! 'Di puwede yan!" maktol kong saad sabay turo ko sa kaniya.

"Dapat gawin mo ang gusto ko."

"Putik ka, ayaw ko!" sabay iling ko dahil baka kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya at ipapagawa sa akin.

Walang hiyang bampirang 'to!

"Dapat palagi mo akong yakap."

"Ayaw ko!"

"Then a kiss."

"Mas lalong hindi!"

"Okay, then... Hindi ako sasama para hindi ka rin punta wifey sa mundo mo."

Napamaang at napatigil ako sa sinabi niya. Putik! Bakit maisip ang isip batang 'to?

HAYST, kairita! Ang taas na nga ng hagdan pinapahirapan pa niya ako? Alam niyo ba kung ano ang nangyari? Putik! Ayun wala akong nagawa kundi sumunod. At ngayon naman nasa likod ko siya na nakayakap sa'kin na parang tarsier na nakakapit sa kawayan.

"Puwede bitaw mo na? Pababa tayo ng hagdan, o. Baka mamatay ako nito ng maaga. Well okay naman kung pati ikaw," irita kong sabi dito na hindi niya pinansin at patuloy lang sa pagsubsub ng mukha niya sa leegan ko at patuloy pa din sa pagyakap.

"Bngi ka ba?! Sabing bitaw, e!" sigaw ko dito na ikina-angat niya ng tingin sa'kin.

"Una, dapat bawal akong awayin, wifey..." seryusong paalala niya sa'kin na ikinabuntong hininga ko.

Bumuga muna ako ng marahas na hangin bago ay pinalambot ang ekspresyon ko. Baka kasi masakal ko ang Drake na'to ng wala sa oras.

"Drake, puwede bitaw muna dahil bababa tayo ng hagdan?" malumanay na sabi ko dito na ikinabusangot ng mukha niya.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now