CHAPTER 53: ( Hypnotize )

440 28 1
                                    

CHAPTER 53: ( Hypnotize )

Ashlen POV.

"ATE."

Napalingon ako kay Evrin ng tawagin niya ako. Nilingon ko siya ng nakangiti, ngunit unti-unting napawi ng pagharap ko ay kasama niya pala ang Supremo.

Napatitig ako sa maamo nitong mukha. Maaliwalas ang mukha nito pero walang emosyong nakatitig din pabalik sa'kin.

Ibinalik ko ang ngiting nakapaskil, hindi pinahalata na naiilang ako. "Ahm, nagluto ako ng breakfast."

"You shouldn't."

Napatingin ako kay Zy. Naupo na ito sa upuan. You shouldn't daw pero nauna namang umupo.

Bigla ay may kumalabit sa'kin. Napatingin ako ron, si Evrin lang pala. Nginitian ko ito. "Halika na, Ev. Kain na."

"Thank you," he just mumbled at me. Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya.

Iba ang dating nito sa'kin. Parang sinasabi ni Evrin na salamat dahil tinupad ko ang gusto niya.

Napagpasyahan ko kasing makisundo na lang sa kaniya, pinagkakatiwalaan ko siya. And I know he will keep his promise. Isa pa, ito na ang pagkakataon na hinihintay ko. I have a new hopes, I can finally go home after 1 weeks.

"Sit." Napatingin ako kay Zy ng pinaghila niya ako ng upuan. Wala sa sariling natigilan ako sa ginawa niya. Did he just? "Don't think too much, Ash." Kalaunan nitong sabi sabay tingin niya sa tiyan ko na ikinabalik ko sa huwisyo.

Napailing ako ng pasikreto bago ay naupo na lamang na katabi niya. Siguro nagiging mabait na siya sa'kin dahil sa baby na nasa sinapupunan ko? O talaga bang unti-unti na siyang nagbabago?

"Ate, the egg looks like don't have any garlic." Napangiwi akong tumingin kay Evrin. Sinusuri pa niya ang itlog na scrambled pero pansin ko namang si Zy ay ganang-gana sa pagkain.

Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Evrin at nahihiyang ngumiti. "Ahm, hindi ko nga nilagyan ng bawang. Nasusuka kasi ako." Sabay kamot ko sa batok. Bahagya siyang tumango pero kinain pa din niya iyon.

Marami naman akong niluto at ang iba talaga na kailangang lagyan ng bawang ay hindi ko nilagyan. Tsaka nabored din naman kasi ako at walang ibang magawa.

"It's still taste good." Compliments sa akin ni Evrin na ikinangiti ko. "From now on, all your cooks will be my favorite ate," dagdag pa nito.

"Hilig mong mangbolang bata ka. Kumain ka na nga lang." Natatawang sabi ko dito at nagsimula na ring kumain. Pero napatigil akong tumingin kay Supremo na para bang ngayon ko lang nahalata na kanina pa pala siya nakamasid sakin.

Nilingon ko siya na naiilang. "M-may dumi sa mukha ko... Zy?" Nauutal ko pang tanong.

Bahagya siyang umiling bago ay nag-iwas tingin at ibinalik sa pagkain. "Nothing. I'm just curious why you looks happy."

Bahagya akong natigilan at dahan-dahan ang kilos ko na kumain. "W-wala lang. Hindi naman masama ang pagiging masaya, diba? Tsaka isa pa, 1st time kong makasalo kayo sa iisang mesa." Pinilit kong pinasigla ang boses ko, pero sa totoo'y hindi niya alam kung ano talaga ang dahilan.

"I'm a Vampire, Ash. I'm an immortal. I can read minds."

Natigilan ako sa pagsubo, saka ulit siyang nababahalang tingnan.

Binalingan niya din ako ng tingin. Nagkatitigan kaming dalawa. Bahagya siyang ngumisi, pero hindi ganoon kalaki. "I can heard the gallop beat of your heart. So fast, you're nervous?"

"D-diba sabi ko na sa'yo na huwag mong pakialaman ang isipan ko o kaya'y iniisip ko?" Seryuso na ang boses ko. Hindi pinapahalata na kinakabahan talaga ako.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now