CHAPTER 32: ( Menstruation )

715 43 1
                                    

CHAPTER 32: ( Menstruation )

Ashlen POV.

"WIFEY..."

Napalingon ako sa pintuan nitong sala. Napalunok ako ng makita ang basa niyang buhok. Habang ang polo nito ay bahagyang nakabukas pa. Mabilis na napaiwas tingin ako. Gosh! Ba't ang hot niya?

Kita ko ang mabilis na pagrehistro ng ngiti sa mga labi niya at mabilis na paghakbang papunta dito sa kinaroroonan ko. Napapitlag ako ng bigla niya akong yakapin at ang pa-iyak muli nito na ikinatawa ko. Hindi ba siya napapagod?

"Hayst! Umiiyak ka na naman," aniya ko at hinagod ang likod niya.

Tumingin naman siya sakin at napanguso. "I hate the way you ignored me... I think I'm shadow!"

"And I hate also the way you landi-landi, Drake," anas ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at ang pag-iling.

"Sorry, wife. I promise, I'll kick some b*tch off if they might go near at me and flirt me again."

Natawa ako sa  sinabi nito. "Hindi ko yan inutos, ha?"

"For you, I will do that."

Nahampas ko siya ng mahina. Pero ang sarap sa feeling ng mga sinasabi niya. 'Yung atay ko kinilig!

"Sorry din, but promise me okay? Na huwag mong pabayaan ang sarili mo when I'm not with you."

Napakalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako ng may pagtataka. "Why, wifey? Saan ka pupunta? Iwan mo'ko?" sabay iyak muli nito.

Umiling-iling ako. "No. Huwag ka ngang umiyak."

"Hindi mo ako iwan diba?"

Tumango ako dito. Napangiti ako ng halikan niya ang pisngi ko bago muli ay niyakap ako ng mahigpit. Natawa ako sa ginawa niya, ngunit agad ding napapikit ng mariin ng maramdaman ang pamilyar na sakit sa bandang tiyan ko.

"Wifey, okay ka lang?"

Kahit alinlangan ay tumango ako. Muli ay napahawak ako doon ng mahigpit at napakagat labi.

"Sigurado ka ba?"

"Oum, nauuhaw lang ako," pagdadahilan ko. Mabilis na kumalas siya sa pagkakayakap at tumindig.

"Wait me here. Ako na ang kukuha ng tubig."

Tumango ako. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. May kutob kasi ako.

Tumingin ako sa sofa at bigla na lamang kumabog ang dibdib ko sa kabang naramdaman ng makita ang dugo doon.

Oh my gosh! Naku po! Ba't ngayon pa?!

"Wifey, I got your wa—"

Napalingon ako sa likuran ko at mas lalong napakagat labi ako dahil sa kahihiyan. Nakita ko ang mabilis na pagkataranta niya at lumapit sa akin. Nagtaka ako sa inasal niya.

"Wifey, anong nangyari? May masakit ba? Ba't may d-dugo ang bandang puwetan mo? W-wifey... H*ll! What I'm going to do?" sunod-sunod na tanong nito at hinawakan ang noo ko.

Umiiwas tingin lamang ako at feeling ko namumula na ang buo kong mukha.

"F*ck! W-what should I do? Wait, I need to call a doctor?! Wait a nurse!"

Napapintag ang tainga ko sa narinig. Doctor, Nurse? Mabilis na hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. Napahinto siya at nag-aalalang tiningnan ako.

"Why, wife? Just hang on, okay? I'm just gonna call a Nurse. Baka kung anong manyari sa'yo."

Umiling-iling ako. Ganito ba talaga siya? Walang kaalam-alam tungkol sa mga babae?

"M-mali ka ng iniisip. O-okay lang ako... Ta-tawagin mo na lang si Lara, pls."

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now