CHAPTER 40: ( Condo )

559 27 0
                                    

CHAPTER 40: ( Condo )

Ashlen POV.

TULUYAN akong napahiga sa kama at napapikit bago ay napabuntong hininga din kalaunan.

Nakakapagod kasi ang araw na ito dahil buong araw ay panay biyahe lang kami. Lalo na din dahil panay tago ng identity si Drake dahil nga bilyonaryo siya at baka ay marami na namang mga paparazii at fans niya.

Nakadapa ako ng pagkakahiga at parang pagong na lumalangoy sa kama ni isip bata. Ang bango lang kasi! Para tuloy yakap-yakap ko lang siya. Isa pa, malaki ang condo niya at hindi na ako magtataka dahil bilyonaryo naman siya.

Pagdating at pagdating pa lang namin dito sa condo niya na pribado ay sobrang tahimik. Wala kasing ano mang maid o kaya'y mga guards. Namiss ko tuloy bigla ang palasyo. Doon kasi sobrang bibo, maingay, kaya nga sa tuwing may biglaang pangyayari samin ni Drake ay palagi kaming nadidistur—Teka lang...

Wahh! Putik, Ashlen! Ba't mo iniisip 'yun?!

Inis akong napasabunot ng buhok. Naaalala ko nga pala! Ito ba ang dahilan ni Drake kung bakit nandito kami ngayon sa condo niya? Dahil ba tulad ng sabi ni Lara?... G-gagawa kami ng baby?

"Wahh! Putik ang isip batang 'yun!" hindi ko na mapigilang sumigaw at mapaupo sa kama niya.

Hindi ko kayang i-imagine ang itsura ko habang ginagawi namin ang binabalak niya. As-in, seryuso talaga siya?! Tao ako at bampira siya... Ibig sabihin, kapag bampira... Edi... Wild 'yun sa kama?

Nakikita ko kasi sa movie ang mga ganon. Basta bampira kasi pagdating sa alam niyo na... Lahat ibubuhos nila ang lakas nila. Parang ganon? Baka nga pagkagising ko hindi na ako makakalakad. O kaya... Hoo! Maraming mga esenaryu ang biglaang lumilitaw sa isipan ko.
Para tuloy kinakabahan na ako. Putik!

"Wifey?"

Nagulantang ako at mabilis na napatingin sa pintuan nitong kuwarto niya. Nasa labas kasi siya at inaayos ang gamit namin. Pinauna na niya ako dito sa kuwarto niya dahil nga para makapagpahinga na raw ang wifey niya. Ang caring niya lang... Pero malay ko ba, kung maging caring pa din ba siya pagdating sa kama.

I know man. Sasabihin nilang I'll be gentle', but in the end... pagkabukas ay nakawheel chair ka na. Lalo na kapag m-m-malak-Gosh! Pati ang isip ko nagiging berde na! Nahawaan na yata ako ni Lara!

"Wifey..."

Rinig ko ang muling tawag niya sa'kin at papalapit na ng papalapit ang boses niya na mas lalong ikinabuhol ng hininga ko.

Anong gagawin ko?

Bago pa nagbukas ang pintuan nitong kuwarto niya ay mabilis akong nahiga ng nakatagilid at nakatalikod mula sa pinto.

Dinig ko nga ang pagbukas ng pinto at ang yapak niya na galing sa likuran ko na patungo rito. Ipinikit ko ng madalian ang mga mata ko para sabihing natutulog talaga ako.

Baka kasi biglaan na lang niya akong susunggaban at mangyayari ang hindi dapat mangyari. Lalo na't 'yun naman talaga ang plano niya.

Napalunok ako ng bumaon ang kama, senyales na umakyat na siya sa kama. Napamulat ako ng mata ng mahinang yumapos ang isang braso niya sa beywang ko.

Ramdam ko din na maingat niyang binaon ang isa namang braso niya sa ilalim ng hinihigaan ko. Ingat na ingat talaga siya. At inaakala niya siguro na totoong nakatulog ako.

Muli akong napapikit pabalik ng ramdam ko ang braso niya na nakailalim sa baywang ko na dahan-dahang umangat. At dahil 'don ay napaharap ako ng tuluyan sa kaniya na palihim din ikinalunok ko.

Ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa ilong ko at ang mas lalo pang paghigit niya sa'kin papalapit sa kaniya.

"My wifey is tired," masigla nitong sabi sakin na para bang kausap ang sarili. Hinahaplos niya din ng marahan ang buhok ko at paminsan-minsan ay panggigilan ang pisngi ko.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now