CHAPTER 21: ( News and decide )

545 37 0
                                    

CHAPTER 21: ( News and decide )

Ashlen POV.

"SIGE, ASHLEN, salamat sa pagbabantay sa anak ko. Paki sabi na din sa nobyo mo na salamat din." Tumango ako kay tita Judy at tinap ang ulo ni Carl na natutulog sa balikat nito.

"Ah, teka, asan pala 'yung nobyo mong palaging nakamaskara?" Tanong ulit nito kaya'y napa-iwas naman ako ng tingin bago ko siya sinagot.

"Ahm, may inasikaso lang na business." Malamnay na sagot ko dito.

"Alam mo ashlen, mukhang pamilyar talaga yang nobyo mo hindi ko lang matandaan basta mukhang mayaman
Ah, dibale salamat na din dito sa mga pinamili niyong laruan par kay Carl. Sige, Ashlen, aalis na ako kasi hinahanap na din ako."

"Sige po tita." Ngiti ko sabay huling tingin kay Carl. Umalis na nga ito kasama ang makulit na bata at dala ang mga laruan nito.

"Ashlen!!! " Napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si mama. Dali-dali naman akong pumunta sa sala kung saan naroon siya. Pagkarating ko doon ay napahinga ako ng maluwang dahil nakatayo ito doon habang lumalaki ang matang nakatitig sa pinapanood.

"Ano ba yan ma, huwag kang sumisigaw na lang bigka! Akala ko pa naman may nangyari ng masama sa inyo—Aray ma! Huwag ka ngang ano diyan!" Bigla na lang kasi kinurot ang tagiliran ko.

"Hoy babae, sabihin mo nga sa akin na totoo ba 'tong nakikita ko, ha?"

"Ang alin, ma?" Agad niyang tinuro ang t.v at kita ko sa news ang babaeng sinampal ko kanina. Halos maligo na ito sa luha niya at hinahawakan pa ang mukha nitong nasampal ko, masyadong dramatic.

"Totoo bang sinampal mo yang model na yan, Ashlen?" Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya. Model?

"Model yan ma?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nak! ba't mo naman sinampal?  Naku! Idol ko pa naman yan!" Tumaas ang kilay ko sa aniya ni mama.

"Ma, alam mo bang yang iniidolo mo is a flirt! Nang dahil sa kanya kaya nag walk out ako don, nang dahil sa kaniya hindi ko na kasama si Drake!" Napatigil naman ito sa sinambit ko.

"Ano bang nangyari?"

"Namasyal kami sa mall ni Drake, tapos ang saya namin kaso bigla nalang hinug ng palakang yan si Drake." Pagkukuwento ko dito at hindi mapigilang mainis. Napaseryuso naman ang mukha ni mama habang kumakain ng chicharon.

"Oh, tapos? Ano pa?"

"Tapos alam mo, ma? Tinawag pa naman akong made raw ako ni Drake. Eh syempre na insulto ako, kaya lumaban ako at sinampal siya." Hambog ko pa kay mama kaya napaarko ang kilay niya.

"Diba sabi ko sa'yo, huwag ka na lang lumban para wala ng gulo tapos sinampal mo pa. Abang bata ka talaga oh." Pagtatanggol ulit nito. Akmang magsasalita sana ulit ito ng agad akong sumabat.

"Alam mo ma, sa gandang mukha kong 'to, syempre bawal mag magpatalo! Eh mana ako sayo diba? Kung tatawagin ka kayang pangit! Aba, ma!... Parang ininsulto ka narin! Kaya pinagtanggol ko lang 'yung lahi nating mag-ina." Dahil sa aniya ko ulit ay napatingin si mama sa akin.

Bigla siyang tumango. "Tama ka nak, dapat pala sinipa mo pa 'yung mukha non para magmukha siyang kakatawa. Aba, aba! Bawal murahin lahi ko noh! Maganda mama mo, Ashlen. Kaya nga nagmana ka sa akin eh. Dapat kinalbuhan mo 'yun ng buhok!" Napapikit na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Ganyan talaga siya, maiiba agad ang kakampihan kapag kagandahan na niya ang pag-uusapan.

"Oh! 'Yung boss mo pala? Nasan na ba yun pumunt—"

'News alerted, Mr. Drake Jr. Montefalco or also known as the mask man multi billionaire ay biglang nagpakita matapos ang ilang buwang pagkawala sa Industriya. At ang mas nakakabigla pa ay sa paglitaw nito ay may kinakasama itong babae at batang lalaki, ngunit ayon sa mga saksi at sabi-sabi... Ang batang lalaki ay hindi niya anak o kaano-ano man, but the girl is... Others people think that it was Mr. Drake girlfriend or either a wife? May mga kumalat din sa social media na mga litrato nila habang magkakasama ang dalawa sa palimihan ng mga damit sa mismong sariling mall nito. Masasabi nga namang napakasweet ng mga ito at mukhang totoo nga ang sabi-sabi that they're both was a couple. But that moment ruined. Ms. Coline Anthalia, the famous model of fashion was crying right now. Sinasabi niya na sinampal siya ng babaeng nabanggit at sobrang nakakahiya raw ito dahil sa mismong front cameras pa nito ginawa. Ngunit ayon din sa mga testigo ay kita daw nila ang mga pang-iinsulto nito sa nasabing babae. By the way, teenager's said that this girl was simply and has a natural beauty and very elegant. Some others said that she is the one for Mr. Drake and they happy with it, they suits to each other kung baga. Just a news for all day news'.

"Ma!" Sigaw ko ng bigla na lamang napahawak ito sa dibdib niya at nanghina. Tumakbo ako sa kusina at kumuha ng tubig at agad bumalik at inabot sa kanya.

Dali-dali naman niya itong ininom at huminga ng malalim. Nabigla pa ako ng tumayo ito ng tuwid sa harapan ko saka pinitik ang noo ko kaya agad akong napahawak sa parte na 'yun.

"Hoy, Ashlen! Kung hindi ko malalaman ang buong-buong balita hindi mo ba sasabihin, ha?! Sobrang yaman ng boss mo!" Taas kilay na anas nito. Bumuntong hininga ako at naupo sa sofa.

"Ma, ano kasi... Si Drake isa talaga siyang bilyonaryo. Sa mga oras na nasa mall kami, diyan ko pa lang din nalaman. Kaya pala ang dami kaninang mga reporters." Natahimik bigla si mama at balisa na napaupo sa tabi ko.

"Ma, ba't tulala ka? Hoy, ma!" Lumingon ito ng dahan-dahan sa akin dahil sa lakas ng yugyug ko. Nagtaka pa ako ng bigla itong ngumiti ng pagak habang nakatingin sa akin.

"Oh? Ano yan ma, ha? Ano iniisip mo?"

"Ash-ashlen, mayaman na tayo..." Napaubo ako ng wala sa oras dahil sa mga kung ano-anong lumalabas sa bibig nito.

"Ano kamo?" Ulit ko dito.

"Anak, nobyo mo si Drake na isa palang bilyonaryo. Mayaman na tay—" Bigla kong tinakpan ang bibig ni mama gamit ang kamay ko dahil sa lakas ng boses nito.

"Ano ba yan, ma! Sinong nagsabi sa'yo na nobyo ko yang si Drake, ha? At isa pa, boss ko siya diba? Nagtratrabaho lang ako sa kanya kaya siya napasama dito." Pagsisinungaling ko.

"Eh diba nililigawan ka ng boss moooo? Tsaka kala ko ba kayo na? Akala ko ba sinagot mo na? Kung makayakap nga parang tuko na nagmumukhang tarsier."

"Hindi ako nililigawan non. Isa pa—Teka?... Sinong nagsabi sa'yo na nililigawan ako non?"

"Nagpaalam siya sa'kin na liligawan ka raw kaya humingi sa akin ng permeso, kaya pinayagan ko naman. Isa pa Ashlen, anak, mabait si Drake, at siya ang tipong lalaki na gusto ko—"

"Gusto mo?!" Putol ko dito. Agad naman ako nakatanggap ng batok.

"Gusto ko para sa'yo, gaga!" Napapikit ako ng mariin at napalayo ang mukha sa pagsigaw nito.

"Tsk!" Naiusal ko na lamang. Napabuntong hininga ako at naalala ko naman ang kalagayan ni Drake. Kanina inuwi lang siya, namiss ko agad. Kumusta na kaya ang kalagayan niya ngayon?

"Oh, anak. Anyare sa mukha mo? Mood mo ha, ngingiti-ngiti ka tapos biglang tatahimik." Lumingon ako kay mama.

"Ma, kasi si Drake... Ahmm tungkol sa pag-alis ko bukas pupuntahan ko siya. Ang totoo niyan nagkasakit siya agad... I mean, kanina lang. Ewan kung bakit. Kaya kailangan ko siyang puntahan at alagaan dahil sinundo siya kanina ng mga kaibigan niya." Nangunot bigla si mama at pagak na napatingin sa akin.

"Kanina lang magkasama kayo. May pa couple-couple at sampalan pa akong nalaman sa balita tapos ngayon sasabihin mo na nagkasakit ng malubha?!"

"Kaya nga, e! Basta bigla na lang nagkasakit kaya kailangan kong umalis bukas." Pagsisinungaling ko dito. Alam kong mali ang magsinungaling, ngunit kailangan din para sa kapakanan ng iba.

"Aba! Edi magimpaki ka na, sabi mo diba malayo? Naku, Ashlen! Ba't ngayon mo pa sinabi na nagkasakit si Drake?! Eh sana sinundan mo agad! Maging responsable ka namang nobya, Ashlen!" Napatampal ako sa sariling noo sa pinagsasabi nito. Masyadong shocked at kung makapag-alala dinaig pa ako. Tsaka ilang bese ko bang sabihin sa kaniya na hindi ako nobya ni Drake?

"Grabe, ma... Wow ha! 'Di niya ako nobya, tapos makareact ka, over!"

"Gaga, malamang sa malamang maagiging asawa mo rin yan noh! Pakipot ka pa na wala kang gusto, tapos makayakap yang si Drake sa'yo parang sanay ka na." Tumahimik na lamang ako sa mga pinangsasabi nito. Kung alam mo lang, ma... Kung alam mo lang na asawa ko talaga siya!

"Oh? Ano tinutulala-tulala mo diyan?! Sho! Magimpaki ka na." Taboy nito sa akin. Napatayo ako ng wala sa oras at agad nagtungo sa kuwarto ko kung saan naroon ang mga gamit at damitan ko.

"Ashlen, pagpunta mo doon ha gumawa na din kayo ng apo ko." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sigaw ni mama kaya napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa pagpigil ng inis. Kung hindi ko lang talaga mama 'to, naku! Baka kanina ko pa 'to nakalbo, grr!

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now