CHAPTER 44: ( Moment )

551 31 0
                                    

CHAPTER 44: ( Moment )

Ashlen pov.

NAKANGIWI ang mukha ko at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon kay Drake. Ina-assist niya kasi ang mga delivery men's at mover's na pinapasok ang mga bagong furnitures dito sa loob ng condo niya.

Hindi ko talaga aakalain na ganon siya kalakas ng gabing 'yon. Hindi ko tuloy mapigilang mamula ng maalala na naman ang gabing may nangyari samin. Sira-sira na kasi ang mga gamit, kaya hayan... nagpa-deliver agad si Drake ng mga bagong furnitures at ngayon ito dumating.

Hindi ko nga din inaakala na pati din ang kama namin ay gumewang na din kaya pinalitan na rin.

Gosh! It's just one night at nakadalawang rounds pa nga lang kami 'non, pero sobra na akong napagod kaya nakatulog na agad ako at hindi na napagbigyan siya para sa gustuhin pa sana niyang ilan pang rounds.

Putik lang! He wants to do 12 rounds gaya nga ng sinasabi niya noon! 2 rounds pa nga lamang ang nagawa namin e pagkabukas halos hihimatayin na ako sa sakit ng pagitan ng hita ko!

Paano pa kaya kapag 12 rounds na?! Gosh lang Drake!

I know that he has this childish side of him, pero ibang-iba siya pagdating sa kama. He's a monster on bed!

He's not that too much innocent that I expected. Marami din pala siyang kamanyakan na nalalaman sa buhay niya!

"Salamat boss. Pakilista na lang at pakipirma na lang kayo dito," aniya ng delivery man habang ang mga kasamahan naman nito ay papalabas na din na halatang pagod at pawisan.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at kita ko pa ang pagpirma don ni Drake sa isang papel.

"Teka lang," Napatingin silang dalawa sa'kin. Ngumiti ako sa mga ito. "Magmeryenda muna kaya kayo?" I offered the delivery man. Halos isang oras din kasi silang nagbubuhat ng mga mabibigat na mga kagamitang furnitures galing sa labas hanggang dito sa loob at sa kuwarto din namin. Nakakaawa naman. Isa pa, ang mga guwards ni Drake ay may iba ding ginagawa kaya hindi ang mga ito nakatulong.

Noong may nangyari sa'min, walang nakarinig. Our room is a soundproof na ikinahinga ko ng maluwang.

"Naku, ma'am! Salamat ng marami, pero..." Napakunot noo ako ng tumingin ito kay Drake bago ay napalunok at ibinalik ang tingin sa'kin. "Mahaba pa kasi ang biyahe namin ma'am, saka na lang," pagtatapos nito ng sasabihin.

"Yeah, he's right. It's okay wife, they can handle their self." Sabay lapit ni Drake sa'kin at niyapos ang beywang ko ng kanang kamay niya.

"Tama si bossing. Sige ma'am, alis na kami. Salamat ng marami." Huling sabi ni Manong bago ay tuluyan ng lumabas dito sa loob ng condo ni Drake.

Napamaang ako at tiningnan si Drake ng masama at dahil don ay bigla siyang napasamid dahil sa paraan ng pagtitig ko sa kaniya.

"What, wife? Ba't ganyan ka makatingin?"

"Che! Tinakot mo 'yung delivery man!"

Biglaan siyang ngumuso sa'kin na ikinairap ko ng wala sa oras.
Akala siguro niya hindi ko 'yun alam.

"Wifey, talaga namang aalis na sila, ha?"

"Che!" muli ko pang hasik sa kaniya bago ay naglakad pabalik sa hapagkainan.

Naupo ako at nagpatuloy sa pagkain, pero napatigil ako sa sinabi niya.

"Niyaya mo silang kumain pero 'yung mismong asawa mo hindi. Tsk."

Nilingon ko siya ng hindi makapaniwala. Bahagya ding nakabusangot ang mukha niya.
Tsk! Ang babaw naman ng dahilan niya. Seloso!

"Napaka seloso mo!" Mas lalong humaba ang nguso niya na ikinailing-iling kong ibinalik ang atensiyon sa pagkain na nasa harapan ko.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon