CHAPTER 18: ( The fighting Alien )

600 43 6
                                    

CHAPTER 18: ( The fighting Alien )

Third person POV.

PADABOG na lumabas si Drake sa dressing room at napaupo sa sofa na mahaba kaharap doon.

Napahiga siya saka nilalaro ang sarili niyang mga daliri. Nabagot siya at humiga ulit ng maayos habang nakatukod ang mga kamay sa mukha niya at tinitingnan ang mga nakapaligid.

Napaupo na naman siya ulit ng maayos saka ulit tinukod ang kamay niya sa paanan at sa mukha niya at nag-iisip ng kung ano-ano.

Bigla siyang napahagikhik at napapikit ng maaalala niya kung paano umiyak si Ashlen ng drinamahan niya ito na aalis siya at hindi na kailan pa'y babalik.

Natawa siya sa mga oras na iyon sa kaniyang isipan na akala niya ay sasabayan lamang siya nito, ngunit hindi niya akalain sa pagbalik niya ay umiiyak na pala ito.

Kahit dahil sa ginawa niya ay pinalinis siya ng bahay sa loob ng dalawang araw ay hindi pa rin niya mapigiling kiligin at mapangiti dahil sa ramdam niya na may gusto talaga sa kaniya si Ashlen.

Sa bawat moment na hinahalikan niya ito sa pisngi na walang pasabi, kita niya ang pamumula ng pisngi nito kaya napahighik siya ulit at napapangiti ng wala sa oras.

Sa pagkakataon na 'to ay lumabas na si Ashlen mula sa dressing room at akmang magtatanong sana siya sa kaharap niyang si Drake ng mapansin niyang tudo hagikhik ito at niyayakap na ang sarili. May papikit-pikit pa ito kaya hindi alintana ni Drake na nasa harap na pala niya si Ashlen.

Napatitig si Ashlen kay Drake at napailing-iling sa pagiging isip bata na naman nito. Bigla niya itong sinigawan dahilan na napadilit ito ng mata at napahawak sa bandang puso. Natawa naman si Ashlen dahil don.

Biglang napatitig si Drake sa babaeng nasa harap niya. Tinitigan niya ito mula paa hanggang ulo at napahinto ang titig niya sa maamong mukha nito na tumatawa.

Napatulala siya sa kagandahang taglay nito. Lalo na kapag ngumingiti o tumatawa ito. His heart beatend fast and it may melt in a seconds. Kulang na lang ay gawin niya itong T.V sa tagal ng pagkatitig niya.

Napatigil sa tawa si Ashlen ng mapansin niya ang titig na titig na si Drake sa kaniya. Bigla tuloy siyang nailang at nagtaka.

"Ahm, ano? Maganda ba o maganda?" tanong niya dito na ikinabalik sa huwisyo ni Drake. Kung makatitig kasi ito ay halos tutulo na ang laway.

"Maganda, sobrang ganda," manghang sambit nito at wala sa sariling napaawang bibig.

"Salamat." Masiglang aniya Ashlen.

Lumapit sa kanya si Drake at kinuha ang box na nasa gilid ng sofa. Napataka naman ito ng bigla itong lumuhod sa harapan niya.

"Hoy! A-anong ginagawa mo?" takang tanong nito na hindi pinansin ni Drake.

Binuksan ni Drake ang malaking box at kinuha doon ang sandals na may maliit na tukod.

Napatingin doon si Ashlen. Kulay silver ito na bagay na bagay sa suot niya.

Naitaas niya ang paa niya ng ipinasuot ito ni Drake sa kaniya saka naman sa kaliwang paa at tinali iyon.

Sabay silang dalawa napalingon sa mga camera dahil sa mga matunog na shutters at lights ng camera.

Nabigla si Ashlen ng makita niya ang maraming nag tutulakang tao na kinukunan sila ng litrato.

"Kyahh! Perfect couple!"

"Ang sweet!"

"Haba ng hair ni ate girl!"

"Oh my! A good combination of a Goddess beauty and that kuyang adonis man!"

"Ate, boyfriend niyo po?"

-

Ashlen POV.

"ANO PO ba name niyo? Gosh! Artista po ba kayo ir something?"

Napanganga naman ako ng pagak sa pinagsasabi nila. Mga teen agers sila na mukhang napadaan lang.

Napakurap-kurap ako ng makitang may paparating nanaman na maraming reporters sa kinaroroonan namin.

Bigla kong tiningnan si Drake sa gilid ko na seryuso lang na nakatingin sa labas ng mall. Seryuso ito at napatingin sa akin, kita ko ang nababahalang mukha nito kaya nagtaka ako.

Akmang hihilain niya sana ako ng may biglang yumakap sa kanya na babae kaya biglang kumulo ang dugo ko.

"Drake?! I miss you! Bakit ngayon ka lang dumalaw dito sa mall mo? After all this months na hindi ka nagpapakita sa akin. Nakakatampo ka na ha! But it's okay. The most important thing is you're here na. I really miss you. Ikaw ba namiss mo'ko?"

Rinig ko na din ang mga bulong-bulongan sa nakapaligid sa'min. Nagmumukha na tuloy akong shadow sa harapan nila.

Akmang tatango na sana si Drake dito ng agad kong inunahan siya kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.

"Excuse me, sino ka?" mataray na aniya ko dito. I'll swear, hindi ko gusto ang palakang babaeng 'to! A flirt!

"And who are you too? Oh! Are you my Drakey maid?" saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Napa 'huh' naman ako sa tinuran nito at tiningnan siya ng pagak.

"Malamang hindi! Just look at the mirror at makikita mo kung sino ang mas mukhang katulong at nagmumukhang circus sa mukha mo!" aniya ko pabalik na ikinaawang ng bibig niya.

Napa 'oh' naman ang mga teenagers na nakapalibot sa amin na nakikinig.

"What? A circus?!" the bitch said.

"Haha, a clown I mean."

"Nagpapatawa ka ba?!"

"No! At syempre, wala ka pang ginagawa... natatawa na ako sa pagmumukha mo. Ha, ha, ha, tatlo 'yun ha."

"How dare you!" Akmang sasampalin sana ako nito ng inunahan ko siya kaya napangiwi ang ulo niya. Napasinghap naman ang lahat sa ginawa ko.

Tiningnan niya ako pabalik. Akmang magsasalita pa sana siya ng may lumipad na isa pang sampal ko sa mukha niya kaya nabaling na naman ulit ang ulo niya.

"May pasobra, dahil special ka." Aniya ko na ikinahiyawan ng lahat.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now