CHAPTER 17: ( Billionaire )

655 42 1
                                    

CHAPTER 17: ( Billionaire )

Ashlen POV.

TAHIMIK akong bumaba sa sasakyan dahil sa kanina. Parang gusto kong sumabog sa mga pinagsasabi niya. Bigla na lang akong natuod sa kinauupuan at walang imik sa mga oras na 'yun.

"Wifey, hintay!" rinig ko ang sigaw nito habang karga-karga si Carl na nakanguso.

Pinagbingi-bingihan ko ang tawag niya pero napahinto ako ng hindi malamang saan ang mall na sinasabi niya.

Napatigil ako ng may humawak sa kamay ko. Nilingon ko ito na ngayo'y nakanguso na ang dalawa. Hindi ko mapigiling mapatawa dahil sa kanila.

"Tara na?" masaya niyang ani saka binaba si Carl na agad naman kaming naglakad.

Hindi ko magawang kumibo habang hawak-hawak niya ang kanang kamay ko at si Carl sa kaliwang kamay niya. Bigla tuloy akong nahiya sa mga nakakasalubong namin at naririnig ko ang bulong-bulungan nila na one big happy family daw kami? Kahiya talaga!

Hindi ko namalayan na napasok na pala namin ang malaking mall. Sobrang laki at napakarami talagang tao. Lahat ng mga kagamitang nakikita dito ay napakamahal.

Napapitlag ako ng may nakakasilaw na ilaw ang tumama sa mukha ko. Ganon na lamang ako nagulat ng maraming reporters ang nasa harapan na namin.

Panong, ano? May artista ba?

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Drake sa kamay ko. May nagpipigil din sa mga ito na sampung guards base sa uniporme nila.

"Mr. Montefalco, can you introduce who's the girl with you?"

"Mr. montefalco, what happened in this past months at hindi kayo nagpakita sa industriya?"

"How about this little boy, is he your handsome son, Sir?" sari-saring mga tanong ang mga reporter kaya taka naman akong napatingin kay Drake.

Tinakpan ko din ng kamay ang mukha ni Carl baka kasi bigla na lang siyang iiyak. What's happening ba? Hindi ko maprosess ang pinagsasabi nila.

"Sir, sorry for the reporters that surprises you. Hindi kasi nagpapigil. No'ng papunta kasi kayo dito ay may mga taong nagstolen shot ng litrato mong papunta rito kaya nalaman din ng mga reporters," ani ng isang guards na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Hindi ito sinagot ni Drake at hinila lamang kaming dalawa ni Carl papalayo roon.

Tumigil lang siya kakahila sa'kin ng huminto kami sa dakong lugar na puno ng mga toys and bears na nilalaro ng mga bata.

Nilingon ko si Carl. Bahagyang kuminang ang mga mata niya na nakatingin na rin sa mga laruan. Kita ko ang pananahimik nito kanina kaya medyo na-awkward ako sa nangyayari.

"Kuya pogi! Puwede laro ako toys moh?" nahihiyang tanong nito kay Drake.

Lumapit naman si Drake sa kaniya at tinap ang ulo nito. "Ofcourse, do what you want kid," masaganang ani nito kaya mas lalong lumiwanag ang mukha ni Carl.

May sinenyasan si Drake na babaeng sales lady na agad namang lumapit sa kinaroroonan namin.

Alam niya ang pahiwatig ni Drake na bantayan si Carl kaya agad naman itong tumango saka yumuko at bago umalis.

Ginaya ko lang ang tingin ko kay Drake. Hinihintay ko siyang magsalita at magpaliwanag sa mga nangyayari. Lalo na ang kanina.

Napanguso ito na ikinakurap ko sa hangin. Bumalik na naman ang pagiging attitude niya, tsk. Isip bata!

"Wala ka bang ipapaliwanag, ha?" aniya ko sa kaniya na agad namang nagpahinto sa kaniya at nilagay ang daliri nito sa pisngi, saka ito nag-isip.

"Ano, wifey? Saan don? 'Yung bang paghug ko sayo? O 'yung pagkiss ko sa pisngi mo? Ahm, 'yung pagsay ko ba ng I love you? Why, wifey? Gusto mo ba na ulitin kong sabihin ang mga 'yon?" sabay hagikhik niya at pumipikit-pikit pa.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now