CHAPTER 12: ( Blood )

731 37 0
                                    

CHAPTER 12: ( Blood )

Ashlen POV.

ILANG kalahating oras din ay huminto na ang jeep senyales na narating na namin ang destinasyon na aming pinupuntahan.

Agad kong inabot ang pera ko pero napangiti ako ng sabihin ng driver na libre lamang kapag magjowa kaya naghiyawan ang mga pasahero.

Kawawa mga single, padabog silang nagbayad kay Manong. Halos lahat din nagbayad dahil iilan lamang ang mga pasahero na couples.

Ngumiwi pa ako ng sabihin sa'kin ni Manong na ang guwapo daw ng nobyo ko, pati na din ang iba. Psh! Inggit lang sila!

"Sa susunod, mag jojowa na talaga ako!" rinig kong bulong ng babaeng pasahero bago ako bumaba sa jeep kasama si Drake na nakayakap pa rin sa likod ko.

"Hoy, bitaw. Maraming tao o," bulong ko naman dito na ikinabitaw niya pero napailing ako ng bumitaw nga siya pero hinawakan naman niya ang kanang kamay ko at pinagsiklop ang mga ito bago ako kinaladkad.

Tahimik lang siyang naglalakad patungo sa kinaroroonan namin dahil papasok kasi ang lugar na ito. Bawal ang jeep o tricycle kaya lalakarin na lang namin. Deri-deritsu lang ang lakad niya habang ako naman ay busy sa pagkuha ng kamay ko mula sa kamay niya, pero mas lalo niya lang iyong hinigpitan.

Sa bawat nadadaanan naming mga tao ay may tumitiling nakatingin sa gawi namin. Minsan naman ay kinukurot ko si Drake kapag may mga matang titig na titig sa kaniya kaya mabilis niya itong pinukulan ng malamig na tingin dahilan na ikinayuko ng mga ito na ikinatawa ko na rin ng palihim.

Agad naman nitong hinapit ang beywang ko at mas lalong dinikit sa katawan niya dahilan na ikinakunot ng noo ko. Pero ganon na lamang ako napatawa ng makita ang mga tambay na titig na titig sa akin. Pero kita ko lang ang pag-irap ni Drake sa'kin na ikinangiwi ko pa.

Pagkatapos naming madaanan iyon ay huminto kami sa isang bahay na may katamtamang laki. May pinagbago na ito. Dati masyadong sira at kawayan lang ang ding-ding, pero ngayo'y sementado na at napapaligiran na ng makukulay na bulaklak.

Siguro ginastos na ni mama 'yung huling suweldo ko bago ako nagpunta sa isla.

"Ma!" tawag ko dito habang nagwawalis ito sa labas.

Agad itong lumingon sa gawi ko at nanlaki ang mga mata niya. Parang si Smigol.

Tumakbo ako patungo sa kaniya para sana manghingi ng yakap ng bigla ay napangiwi ako ng mabilis na kinurot ako nito sa giliran.

"Mama naman!" napakamot ako sa giliran ko habang siya naman ay tumawa. Putik!

"Nandito ka na pala—"

"Ay hindi, kaluluwa ko lang'tong nasa harap mo. Sinunsundo na rin kita, ma—" muli akong napangiwi ng kurutin ako nito.

Ang hilig talagang mangurot nito!

"Kumusta ka na, ha? Ba't parang tumaba ka, Ashlen?"

"What?! Hindi ako tumaba!" hindi ko mapigilang mapataas ng boses. Putik! Kahit kailan hindi ako tumaba!

"Sinisigawan mo ako?" tinaasan niya ako ng kilay at bahagya pang tinuro ako gamit ang walis ting-ting na hawak-hawak niya.

Nanlumo naman ako. "Sorry, ma. Nabigla lang. Kahit sino nabibigla kapag tumataas ang boses mo."

"Hindi lahat. Ulitin mo. O.A ka lang talaga."

"What?... Hindi ako tumaba..." pag-uulit ko gamit ang mababang boses.

Nagthumb-ups naman si mama na ikinangiwi ko. Kahit kailan uto-uto ako pagdating sa kaniya. But I'm so bless to have a mother like my mama.

Nakarinig kami ng tikhim kaya sabay kaming napalingon doon. Drake was smiling to my mom genuinely. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko nga pala siya.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. Montefalcoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें